Saturday, February 13, 2010

Chocolate Heaven Cake sa Red Ribbon


Happy Valentine's Day

Kahapon ay bumili ako ng Chocolate Heaven Cake sa Red Ribbon dahil alam kong magkakaubusan ng cake sa mismong Valentine's Day.
Nakasanayan na kase namin ng mom ko na kapag my bagong labas na cake sa Red Ribbon ay dapat matikman namin kagad para hindi kami napaghuhulihan.
Sa ilalim ng cake ay Chocolate Brownie na sobrang THICK walang space para sa hangin. Ang sumunod na layer ay Chocolate Mousse na sobrang LUSCIOUS. Sa ibabaw ay Chocolate roll na mas lalong naging SEDUCTIVE ang dating ng cake.



Look at my mom, sya palang ang kumakain nyan wala pakong slice. (Halatang huling huli sa cam ang nanay ko.. hihihi peace mom! ILOVEYOU!




Thursday, February 4, 2010

RACKS


Nanood kami ng mom ko and ni payat sa IMAX ng Avatar and medyo gusto ko kumain sa isang espesyal na lugar. Nilibot namin ang 3rd or 4th floor ng SM North para humanap ng makakainan. (Eto na ang bago kong tambayan at hindi na ang Robinson's Manila). Huminto kami sa tapat ng R^CKs na bagong gawa. Una kong kain dito ay nung highschool pa kasama ang ate ko. Hinding hindi ko makakalimutan ang lasa ng Carbonara nila.

Dali dali akong humanap ng komportableng upuan at pumwesto na. Nung una ay ayaw ng mom ko dahil alam nyang mahal dun. Sabi ko okay lang yan atleast masarap naman pagkain nila. Hindi na nakatanggi ang mom ko dahil lumapit na ang waiter nila at nagpakilala.

Tatlo kami at pare parehas naming gusto ang Carbonara. Ang Single ay 165 at kung tatlo kami ay Php 495. Merong Platter na Php 390 at yun ang inorder ko dahil mas makakamura kami ng Php 105.

Umorder din ako ng Buffalo Wings Php 198. Ang Brewed Iced Tea nila ay my Glass Php 55, Bottomless Php 85 at Pitcher 140. Inorder ko ang pitcher at nakatipid ng Php 25.


Pinaka sikat sa R^CKs ang pinagmamalaki nilang barbeque sauce. Napansin ko sa paligid andaming umoorder ng isang bottle for take out. Umorder kami ng dessert, Mississippi Mud Pie Php 130.


Unang hinatid ang Carbonara na good for 4 persons. Sobrang creamy ng sauce na binagayan ng garlic bread. Hindi mahilig sa pasta ang mom ko pero nakakagulat, nakailang sandok ang mom ko.



Ang Buffalo wings na swak sa panlasa, Yumyum!!






At ang pinaka the best ay ang Mississippi Mud Pie nila. Mainit un platito dahil mainit un chocolate syrup and un parang cupcake sa ilalim ay parang bagong bake lang. At infairness hindi natutunaw ang vanilla ice cream sa ibabaw. Sobrang yummy and sobrang mouth watering sya. Parang gusto ko pang umorder ng isa pa, yun nga lang ay busog na kami.


Big serving ang inorder ko kaya may na take out pa akong isang Buffalo Wings, pang isang tao pa na Carbonara at ang tirang Brewed Ice Tea ay sinalin namin sa bottle ng C2. wink* wink*