Sa Ying Ying sa Binondo ang napili kong place para icelebrate ang birthday ko, big serving at mura pa. First week palang ng September nag try nako magpa reserved, sad to say 70 na daw nakareserved sa pinili kong date. Medyo nakakalungkot kase pinagmamalaki ko pa naman yung place dahil masarap mga food dun. Dahil sa may kakulitan, naka ilang beses ako nag try magpareserved. Ayun same ang sagot, pero if i want daw, mag walk in nalang at mag antay ng magiging available na table. Ininform ko mga sisters ko, walk in lang kami kaya bawal late.
10AM nag meet kami ni fluffy (gwapo ni fluffy) sa 711 para maaga kaming makarating sa Binondo. Kelangan makapag pa reserve ng mga tables. Andaeng tao kahit wala pang lunch time, puno na yung place. Sa wakas after an hour nakakuha kami ng 3 tables at pinagdikit dikit nalang
Nagulat mga kapatid ko andaeng tao sa loob, andaeng kumakain, sabi ng mom ko mukhang mabenta daw yung place kase andaeng nagte-take out.
Eto mga inorder namin:
Syempre hindi puwedeng wala nito sa hapag kainan. The best ang Yang Chow nila kung makikita nyo sa picture, ang lalaki ng sahog at maraming hipon. Simot ang rice namin sa tatlong table, kahit hindi na lagyan ng ulam, solb na.
Soy Chicken 1/2
Eto ang favorite ni mommy na first time nya matikman sa Wai Ying at second time sa Ying Ying. Pati ang brother in law ko nasarap dito sa manok dahil sobrang malasa at makatas ang manok. Nilalagyan ng green onions na bumabagay sa sarsa ng manok.
Seaweeds and Century Egg
Spicy Seaweeds na parang gelatin ang texture. Bumagay ang pagka spicy nya para matanggal at hindi malasahan ang lansa. Yung Century Egg hindi ko natikman kaya hindi ko alam kung masarap sya or hindi. Malamang masarap kase naubos bigla.
Roasted Duck 1/2
Eto ang medyo na deadma sa mga order namin, you know why..? Malakas daw kase sa cholesterol. Nakalimutan ko kaseng may lahi nga pala kami ng highblood at hindi naman ako masyadong aware na macholesterol pala etong duck na ito. Siguro mga 3 piraso lang nabawas jan.
Eto medyo nadeadma din tulad ng duck, kase matigas yung breading and sobrang maasim yung sauce. Actually naiintindihan naman namin dahil sabi nga sa pangalan nito "Lemon Chicken". Buti nalang at small lang ang inorder ko.
Eto ang the best sa mga orders namin, eto ang sa tingin kong pinaka best seller nila ang Fish Fillet. Dalawang order na tig isang kilo, so dalawang kilo ng Fish Fillet ang inorder namin. Hindi makaget over mga kapatid ko sa lasa.
Beef Brocolli
Eto mabenta din ito, dahil hindi ko sya natikman. I'm sure masarap dahil simot ang pinggan, so malamang sa malamang masarap nga sya.. hihihi..
My mom with my two niece, may pagkakahawig silang tatlo, mga bilugan.. wahihihi LOL peace tayo mom.. (sexy sexy ng mommy ko,,, ayun oh.. nambola pa biglang bawi)
Ayun oh, parang baby face.. hindi halata ang edad sa mukha.. wahihihi.. pagbigyan nyo nako magbuhat ng sariling bangko.. bangko ko naman yun eh.. (corny ko lang)
At syempre, isinama ko si gwapong fluffy para ma meet ng family ko. Tuwang tuwa sila lalo na ang mommy ko dahil finally my pinakilala kong boyfriend sa mismong araw ng celebration ng birthday ko (hahaha..sobrang overwhelmed kase happy sila for me.. Uy! boto ang family ko!)
Belated Happy Birthday to me (late na kase tong post ko.. hihihi)