Wednesday, May 3, 2017

Ba-Be-Q



Matagal na tayong na invade ng K-pop, Koreanovelas, Korean Fashions at kung ano ano pa, pero ngayon lang ako nakakain sa Korean Resto. Birthday kase ng boss ko and doon nya gusto kumain sa Metrowalk, meron daw murang kainan dun. 8AM ang out ko sa office, 7PM ang usapan at 11PM pa ang pasok ko so may time pa umidlip after magkainan. Pasensya na hindi padin ako nagbabago, ang haba padin ng intro.

So heto na nga, dumating ako past 7PM at nakahain na ang mga side dishes pero syempre wala pa ang main course na unli pork and chicken kase hindi pa kami kumpleto.

Pagpasensyahan nyo na ang quality ng pictures, cellphone ko lang ginamit ko jan dahil nakatago si Pachuchay (dslr). Belated Happy 8th Birthday nga pala kay Pachuchay ko, antagal na pala nating magkasama.




Merong mahabang exhaust fan para hindi malanghap lahat ng usok, para medyo medyo lang. May apoy na yan sa ilalim, nireready na nung magluluto. 


Ganito karami ang ihahain sa table, madami yan.. yun nasa kaliwa yun pork at yung nasa kanan yung chicken. Buti nalang lahat thigh part para hindi nakakabilaok at hindi nakakasuya.


Eto na yung inabutan kong side dishes, paubos na pero wag mag alala dahil unli din yan. Magsabi ka lang maglalagay uli sila. Meron akong nagustuhang side dish yung radish nakalimutan kong picturan. 


Sibuyas, bawang at yung gitna parang binlender na bawang sibuyas, at kung ano ano pang herbs at gulay kaya naging paste.


Kung mapapansin nyo yung kamay nung nagluluto, hindi kami yan. Sila magluluto at magka-cut kaya may gunting sa gilid para ikaw na nasa lamesa, kain ka lang ng kain.


Juicylicious! Masarap pagkaka marinate nila sa meat...



Eto nung pinatong sa harapan namin, kala ko kung ano na.. mainit init pa sya. Pagbukas, kanin pala. Hindi ako nag rice kase mabilis akong mabubusog jan, sayang ang unli meat.




Etong side dish nato manamis namis ang lasa. Pinagsamang toge, cucumber and cabage.


Ang letuce hindi puwedeng mawala, syempre lahat tayo nakapanood ng Koreanovela at alam nyo kung ano ang ginagawa jan dibah?! Yan ang gagamitin mo pambalot sa meat, gulay at paste or sauce. Naka tatlong try lang ako nito, medyo hirap ako kase feeling ko nakaka bilaok dahil isang buo mo sya isusubo. Mahirap nguyain promise.. or baka ako lang yun dahil naka braces ako.


Sa itsura palang alam mo ng maanghang pero tolerable naman. Pang tanggal sawa sa meat.


Ang sabaw bow!


Ang sikat na sikat na Korean Soju, hindi ako uminom nyan sila lang.


Hindi ako mahilig sa pumapak ng cucumber, gusto ko lang kapag asa burger. Pero eto mas na overpower yun lasa ng sauce kesa sa cucumber kaya nakain ko sya.


Juicylicious!


Hulaan nyo kung ano to?! hahaha infairness masarap na itlog na niluto sa sabay ng parang chicken broth. At ang pinaka huling imahe sa ibaba ang after math. 

Php 399 nga pala per head jan at as usual may bayad kapag merong kayong tira.




Hanggang sa muli.......