Habang kumakain kami sa UCC, naisipan ni Chyng na next naming puntahan ang Baywalk para doon i-continue ang photoshoot (lahat ng picture galing sa dslr ni Chyng na si Harvey). Inantay lang namin tumila ang malakas na ulan then gogora na kami sa paglalakad. (parang my kinakasal na tikbalang, umuulan ng malakas habang matindi ang sikat ng araw).
Parang dalawang kanto bago makarating sa baywalk kaya chika to the max muna kaming tatlo. Then syempre photoshoot na naman, weeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeh!
Parang dalawang kanto bago makarating sa baywalk kaya chika to the max muna kaming tatlo. Then syempre photoshoot na naman, weeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeh!
Hindi na makaisip ng bagong posing si payat kaya posing ng pang tamad daw muna, ano yan payat sasayaw ka ba ng ocho ocho?
Hala! wala palang cover ang aking tummy, di bale hindi naman kita ang aking mga fats kahit nag i-inhale exhale ako. (kahapon hindi ako nakapag hiphop abs, umuulan kase.. hahahaha LOL nitatamad lang ako ^_^ )
Inantay naming sumindi mga lights then babalik din kagad kami sa Robinson's. Walang araw natatabunan ng mga clouds kakagaling lang kase sa ulan.
Nakakagutom mag posing gora bangbang na kami pabalik sa Robinson's para itry naman ang Recipes na sinuggest ni Chyng.
Eto ang Gising Gising, hindi kumakain ng gulay si payat pero napakain sya ng di-oras. Hindi sa pinilit namin sya, dahil nasarapan sya. Ako naman walang problema, fave ko ginataang gulay, hihingi sana ako ng sili para durugin sa gulay hihihi parang Bicol Express. Actually hindi namin naubos yung gulay at inuwi ko para matikman ng mom ko. Nasarapan sya sa timpla at plano nyang gayahin ang pagkakaluto.
Eto ang the best, as in the best talaga ang pagkakaluto. Nakakatuwa naka separate na yung laman sa tinik and pinatong yung slice na laman sa ibabaw ng kalansay ng isda. Crunchy yun breading nya at ang sarap ng combination ng sawsawan nila. Malaki yung tilapia kaya hindi nakakabitin, swak na swak sa tatlong tao. Pero mas tinira ko ng tinira yung gulay padin :D
Eto naman lasang Chinese Imperial ng KFC, General Chicken ata pangalan nito na may talong. Inabsorbed ng talong yung sweet sauce kaya malasa din sya. Kahit ma-sauce yung chicken, crunchy padin yung breading.
Hindi nagkamali ng sinuggest si Chyng, tama the best ang mga sinuggest nyang food samin. Syempre hindi ito ang first and last na kakain kami dito, mauulit to for sure.