Bago umalis ng bansa patungong Japan si tikling, nagbonding bonding kami. Eto nga pala yun dapat na part 2, eto yung Part 1 (Frostings).
After namin makitambay at makisalamuha sa mga nakatambay sa labas ng Starbucks ay dumiretso kami sa Conti's (again?! pang ilang entry ko na nga ba 'to?! paumanhin nakaka-adik naman kase yung cake nila eh ^_^ )
Hindi ko nakuhanan ng picture yung mga cake na inorder nung ibang kasama namin, medyo bangag at pagod na ko that time. Pinipilit ko na nga lang idilat mga mata ko, pinipilit ko na lang pakilusin ang katawan ko, pinipilit kong makitawa kapag nagtatawanan sila dahil parang natutulog na ang utak ko. Hirap pala ng ganun noh, kapag sobrang pagod na ang katawan, hindi na tumatalab ang kape.
Dahil antok na utak ko nakatulala na lang ako sa menu at inaantay nila kung anong order ko. Nakita ata ni Guile na hirap nako magisip, sinuggest nalang nya Baked Prawns (Actually nakalimutan ko na name). Yung isa binigay ko kay Yman hindi ko na kayang ubusin hindi na kayang mag digest ng tyan ko, sobrang antok na din sya.
Eto order ni Guile, Baked Salmon. Hindi ako mahilig sa Salmon pero inpeyrness masarap sya at the best ang pagkakaluto hindi malansa. Yung iba dahil malayo yung plate nila, hindi na mareach ng camera ko and sobrang nghihina na talaga hindi na makakilos sa kinauupuan.
1AM na ako nakarating sa bahay, hindi ko ka namalayan nakatulog pala ako sa taxi buti nalang ginising ako ng tropa ko at kelangan na daw naming bumaba.
Chika chika muna pagdating sa bahay, gising pa mommy ko inaantay pala ko makauwi. Inuwian ko sya ng Baked Macaroni. Kelangan matulog kagad maaga pa kami gigising at magbobonding din kami ng mom ko.
Kinabukasan, kumain kami ng brunch ng mom ko sa WaiYing Tondo malapit sa Metropolitan Hospital. Bonding bonding namin ng mom ko ang kumain. Sabay naman talaga kami kumain, pero syempre may halong kwentuhan yun.
Inorder ng mom ko Soy Chicken tapos ako parang sweet honey chuva pork, nakalimutan ko name at nakalimutan ko sya kuhanan ng picture dahil gutom nako. Ano ba yan nagiging makakalimutin na ako, napapagod ata ako sa byahe ko papasok at pauwi galing opisina.
Ansarap ng foods :) patikim ako XD
ReplyDeleteWow sarap naman! nakakagutom... hehehehehehehe... saya ng bonding moments!
ReplyDeletehaayyy...,eto na naman ang pang gutom...grabe ang sarap naman nyan...
ReplyDeletehello thanks for the visit
ReplyDeletepraise all worthy mothers!!! btw, sarap nmn ng food..
ReplyDeletesarap naman nyan.. yum! yum!
ReplyDeletenakakagutom naman mga posts mo... napadaan lang po...
ReplyDeletehttp://gemsantor.blogspot.com wanna exchange links?