Monday, August 22, 2011

Dancing Fountain of Luneta








Naghahanap ba kayo ng mapupuntahan at mapaglalakwatsahan ng hindi kayo gagastos? Yun tipong pamasahe lang ang ilalabas nyo pero mag eenjoy kayo sa makikita nyo? Yung hindi kayo mabobored at magtatanggal ng stress nyo? Meron nyan dito sa Maynila, hindi nyo na kelangan magpakalayo layo pa. At hindi nyo kelangan magbayad ng mahal pra lang makapanood ng Dancing Fountain kung may libre naman.


Sa panahon natin ngayon iba na ang tingin sa Rizal Park or mas kilalang Luneta Park. Feeling kase ng mga pasusyal na kapag Luneta, ang bakya bakya or baduy. Lalo na kapag nalamang galing ka ng Luneta, aasarin ka na Di-op mo? (Day Off mo?). Kadalasang sinasabi ng mga pa susyal eh dating place ni Inday at ni Dodong ang Luneta. Sa totoo lang, enjoy makipag date sa Luneta, mas memorable at for sure tatawanan mo balang araw na dahil sa kakuriputan dito mo naisipan tumambay.


(Sa totoo lang may dalawang lalaking nagde-date sa ilalim nitong malaking istatwa, kaya hindi namin makuhanan ng buo hanggang ibaba, hindi namin sila maistorbo at mapaalis sa kinauupuan nila)

Ang Luneta ay isang park na tribute para kay Jose Rizal at itong park na ito ay pampamilya. Nung college days, aaminin ko na naging tambay ako dito. Bibili kami ng sako or dyaryong Libre na nakukuha sa LRT para maupuan. Nakaka relax kase tumambay lalo na kapag stress ka na sa pag aaral. Masarap din mag abang ng sunset dahil malapit ito sa Manila Bay. Sa totoo lang, nakakamiss ang college days, yun walang masyadong iniisip, walang problema, ang iintindihin mo lang eh ipasa lahat ng subjects. Hindi mo pa masyadong problema ang buhay. Siguro ako lang ata ang hindi namroblem ng buhay noon.. heheheh dahil my mga ibang tao nga pala, college palang, pasan na nila ang daigdig.



Napapahaba na pala ang tinatype ko hindi ko pa nababanggit ang bagong atraksyon ng Luneta, ang Dancing Fountain. Akshuali, last December pa sya binuksan. Hindi ko alam kung pangtapat ba sya sa Dancing Fountain ng Manila Ocean Park or para ito sa mga hindi makaka afford ng mahal na entrance fee ng Musical Fountain.



Etong larawan sa itaas, falls yan sa Childrens Playground sa gilid ng Luneta. Bawal pumasok at magbayad ng entrance fee kung wala kang kasamang bata. Ang balita ko P10 lang ang entrance fee dito. Hindi ko alam kung anong oras sila nagsasara dahil 7:30PM na marami pading bata ang naglalaro sa loob. Sa bagay maliwanag naman kase dahil sa dami ng ilaw.



Eto ang bagong atraksyon ng Luneta, ang Dancing Fountain. Syempre hindi nyo makikita ditong sumasayaw ang tubig at sumasabay sa musika dahil litrato nalang yan. Sa susunod magdadala ako ng digicam pero mas maganda kung kayo mismo pupunta ng personal para panoorin ang pagsayaw sa musika ng fountain.


Oh diba parang asa ibang bansa pero dito lang pala sa Maynila.



Friday, August 19, 2011

Trend Micro Pilipinas > Win an iPad2 Contest



Last Month nanalo ng iPad2 si Fluffy, bigay ng company namin Trend Micro Inc. ngayon mamimigay uli sila pero hindi lang ito limited sa mga empleyado, eto ay para sa lahat ng magla-like sa Facebook page ng Trend Micro Pilipinas.


Click nyo lang tong link na to http://bit.ly/rktwPl at i-Like nyo lang ang FunPage. True po ito hindi po joke..