Naghahanap ba kayo ng mapupuntahan at mapaglalakwatsahan ng hindi kayo gagastos? Yun tipong pamasahe lang ang ilalabas nyo pero mag eenjoy kayo sa makikita nyo? Yung hindi kayo mabobored at magtatanggal ng stress nyo? Meron nyan dito sa Maynila, hindi nyo na kelangan magpakalayo layo pa. At hindi nyo kelangan magbayad ng mahal pra lang makapanood ng Dancing Fountain kung may libre naman.
Sa panahon natin ngayon iba na ang tingin sa Rizal Park or mas kilalang Luneta Park. Feeling kase ng mga pasusyal na kapag Luneta, ang bakya bakya or baduy. Lalo na kapag nalamang galing ka ng Luneta, aasarin ka na Di-op mo? (Day Off mo?). Kadalasang sinasabi ng mga pa susyal eh dating place ni Inday at ni Dodong ang Luneta. Sa totoo lang, enjoy makipag date sa Luneta, mas memorable at for sure tatawanan mo balang araw na dahil sa kakuriputan dito mo naisipan tumambay.
(Sa totoo lang may dalawang lalaking nagde-date sa ilalim nitong malaking istatwa, kaya hindi namin makuhanan ng buo hanggang ibaba, hindi namin sila maistorbo at mapaalis sa kinauupuan nila)
Ang Luneta ay isang park na tribute para kay Jose Rizal at itong park na ito ay pampamilya. Nung college days, aaminin ko na naging tambay ako dito. Bibili kami ng sako or dyaryong Libre na nakukuha sa LRT para maupuan. Nakaka relax kase tumambay lalo na kapag stress ka na sa pag aaral. Masarap din mag abang ng sunset dahil malapit ito sa Manila Bay. Sa totoo lang, nakakamiss ang college days, yun walang masyadong iniisip, walang problema, ang iintindihin mo lang eh ipasa lahat ng subjects. Hindi mo pa masyadong problema ang buhay. Siguro ako lang ata ang hindi namroblem ng buhay noon.. heheheh dahil my mga ibang tao nga pala, college palang, pasan na nila ang daigdig.
Napapahaba na pala ang tinatype ko hindi ko pa nababanggit ang bagong atraksyon ng Luneta, ang Dancing Fountain. Akshuali, last December pa sya binuksan. Hindi ko alam kung pangtapat ba sya sa Dancing Fountain ng Manila Ocean Park or para ito sa mga hindi makaka afford ng mahal na entrance fee ng Musical Fountain.
Etong larawan sa itaas, falls yan sa Childrens Playground sa gilid ng Luneta. Bawal pumasok at magbayad ng entrance fee kung wala kang kasamang bata. Ang balita ko P10 lang ang entrance fee dito. Hindi ko alam kung anong oras sila nagsasara dahil 7:30PM na marami pading bata ang naglalaro sa loob. Sa bagay maliwanag naman kase dahil sa dami ng ilaw.
Eto ang bagong atraksyon ng Luneta, ang Dancing Fountain. Syempre hindi nyo makikita ditong sumasayaw ang tubig at sumasabay sa musika dahil litrato nalang yan. Sa susunod magdadala ako ng digicam pero mas maganda kung kayo mismo pupunta ng personal para panoorin ang pagsayaw sa musika ng fountain.
Oh diba parang asa ibang bansa pero dito lang pala sa Maynila.
i agree! sarap mag-patay ng oras jan sa Luneta watching the intersting people, and the fountain show. tagalog pa ang mga kanta! =)
ReplyDeletehello there! what time ang dancing fountain?
ReplyDeleteganda... new attraction sa lunets
ReplyDeletehindi pako napupunta dyan sa Luneta ng gabi...nakikita ko lang yan pagnakasakay ako ng LRT line1. KAso umaga.
ReplyDelete@Chyng: UU sarap titigan ng dancing fountain.
ReplyDelete@Ellehciren: Pagkakarinig ko Friday until Sunday sya and start ng 7pm pro until what time.. hindi ko na alam.
@khantotantra: yup ganda.. buti naisipan nila yan.. dinudumog uli ang luneta
ReplyDelete@EngrMoks: hindi ko alam kung tanaw pa sya ng LRT1 kahit gabi kc medyo malayo sya sa taft.. malapit na sya sa Quirino Grandstand
teh 'san po bang banda tong dancing fountain at nang makapunta sa dayoff ko
ReplyDeletewow ganda naman.. how i wish makapunta din ako jan.. :))
ReplyDeletethank you at napansin nyo ang dancing fountain sa Luneta.
ReplyDeleteShow time is 6:30pm-10pm every night. From Fridays to Sundays up to 12midnight.
Libre ang show and more songs are being added.
By the way, all Pilipino made yan. Walang imported!
Hayz....Sobrang Saya ko ng magpunta tyo dito Ang Babaeng Lakwatsera i love you
ReplyDelete@Ewan: Malapit sya sa monumento ni Rizal
ReplyDelete@Jessica: uu promise maganda sya..
@Anonymous: wow glad to know gawang pinoy pala tong dancing fountain.
@tekamots: iloveyou too