Thursday, January 26, 2012

Stackers Burger at Metrowalk





May entry nako before ng Stackers dalawa na nga eh pero hindi ko na ilalagay dito yun link, trying hard pako that time sa pagbablog kaya walang magandang nasabi. Halungkatin nyo nalang yung archive ko sa gilid.


Dalawa lang ang alam kong branch ng Stackers, sa Eastwood at sa Metrowalk. Hindi ko alam kung meron sa Makati or sa Timog pero balita ko meron narin sa Taguig.





Tulad ng dati, ang walang kamatayang BBQ Burger Bowl P158: Quarter Pound Beff on Salad Greens with Cherry Tomatoes, Jicama, Cilantro Corn Kernels, Crispy Strips with Ranch Dressing and Sweet BBQ Sauce. Pansin ko lang, mas marami ang servings sa Metrowalk kesa sa Eastwood, or baka nagkataon lang. Naghati kami ni fluffy dahil may isa pakong order.




Pepper Burger P168: Lettuce, mayo, pepper crusted patty, mozzarella cheese, tomato, sauteed mushrooms, pepper steak sauce, onion bits topped with crispy fried strips.




Umorder pako ng isang Stack Burger P98: Lettuce, mayo, beef patty, tomato slice, onion bits. Pasalubong kay mommy.




Philly Cheese Burger P 155: Quarter pound beef patty with sauteed sweet peppers, onion rings, mozzarella cheese smothered with ranch dressing on a long bun. Inulit ko lang yun dating order, takot pako magtry ng iba and namiss ko kase sila.




Nag add lang ng P65 para magkaron ng fries.




Happy Couple, yeabah!


Hindi ko binoto si Noynoy, nagkataon lang na paborito ko ang kulay dilaw.




Tuesday, January 24, 2012

Gong Cha Winter Melon Tea



Gong Cha wish your girlfriend was hot like me, Gong Cha wish your girlfriend was freak like me, Gong Cha, Gong Cha! Bwiset na yan na LSS ako, yung friend ko kase kumakanta ng Gong Cha.




Nwei, another entry tungkol sa Tea. May nakapag sabi na masarap ang Gong Cha Winter Melon Tea. Unlike sa Serenitea, sa Gong Cha naka brewed na at hindi na kelangan sabihin ang level ng sugar. Lalagyan nalang ng ice and milk at bahala na ang mga customer na maghalo at magpalamig ng tea.

Sunday, January 22, 2012

UCC Blueberry Cheese Cake

UCC Blueberry Cheesecake




Lately, napapadalas ang pagtambay sa mall para maghanap ng cheesecake. Sinimulan sa Starbucks, Blueberry Cheesecake P120 na pang single person ang slice. Masarap pero may hinahanap hanap akong lasa. Hinahanap hanap ko yung thickness and creamyness ng cheese. Para sa iba nakakasawa or nakaka umay ang masyadong creamy pero para sakin, yun ang gusto ko.



Sumunod ang Pepper Steak Turtle Cheesecake P185 sayang nasa cellphone ni fluffy ang picture hindi ko mapapakita dito. Good for 2 and parehas namin na-enjoy dahil sobrang creamy ng cheese. Napagkasunduan na babalikan namin ang cheesecake nila pero hindi p sa ngayon.


Ang huling natikman namin ang UCC Blueberry Cheesecake good for 2 P202 (may butal pa na 2 pesos). Paumanhin kung my putol na yung cake, hindi nakapagpigil si fluffy, kinurutan na yun dulo. Actually, pinakilala ni ChyngReyes ang UCC Blueberry Cheesecake nung first time namin mag meet. I promised to myself na babalik ako pero medyo natagalan. Para sakin eto parin ang pinaka panalong cheesecake at umagree naman si fluffy. It melts on your mouth and sobrang thick and creamy ng cheese. This would not be the last time na bibisita ako sa UCC for their cheesecake, definitely i'll come back for more!