Sunday, January 22, 2012

UCC Blueberry Cheese Cake

UCC Blueberry Cheesecake




Lately, napapadalas ang pagtambay sa mall para maghanap ng cheesecake. Sinimulan sa Starbucks, Blueberry Cheesecake P120 na pang single person ang slice. Masarap pero may hinahanap hanap akong lasa. Hinahanap hanap ko yung thickness and creamyness ng cheese. Para sa iba nakakasawa or nakaka umay ang masyadong creamy pero para sakin, yun ang gusto ko.



Sumunod ang Pepper Steak Turtle Cheesecake P185 sayang nasa cellphone ni fluffy ang picture hindi ko mapapakita dito. Good for 2 and parehas namin na-enjoy dahil sobrang creamy ng cheese. Napagkasunduan na babalikan namin ang cheesecake nila pero hindi p sa ngayon.


Ang huling natikman namin ang UCC Blueberry Cheesecake good for 2 P202 (may butal pa na 2 pesos). Paumanhin kung my putol na yung cake, hindi nakapagpigil si fluffy, kinurutan na yun dulo. Actually, pinakilala ni ChyngReyes ang UCC Blueberry Cheesecake nung first time namin mag meet. I promised to myself na babalik ako pero medyo natagalan. Para sakin eto parin ang pinaka panalong cheesecake at umagree naman si fluffy. It melts on your mouth and sobrang thick and creamy ng cheese. This would not be the last time na bibisita ako sa UCC for their cheesecake, definitely i'll come back for more!

2 comments:

  1. yung kulay ng blueberry sa ibabaw nakakapaglaway. ayayayayaya. gusto ko matiksmans yans

    ReplyDelete