Thursday, December 26, 2013

Casio Vintage DB360 Gold with DataBank



I fell in love with this vintage watch parang love at first sight. I can't take my eyes off nun nakita ko sya sa mall. It has an elegant look, Stainless Steel Gold toned case and bracelet. Fluffy Hubby tried to wear this, hindi bagay at hindi nya gusto. My guy colleague has this also yun Silver, mas bagay sa lalaki. 




What's written on the back says it has 13 Languages, Telememo, Multifunction alarm, Countdown timer, Dual time, Water resistant, Stainless steel back and Made in China. Hindi ko pa masyadong namamaximize ang features nitong watch na to kaya hindi ko mabibigyan ng detalyadong review :) 

Kung bakit ako gumawa ng entry.. Gusto ko lang i-share senyo hehehe.. 


Monday, December 23, 2013

Mr. Kimbob Bibimbap


I'm not a fan of Korean Foods pero dahil sa pinagkakaguluhan ang Mr. Kimbob sa SM San Lazaro, naki uso kami ni Fluffy Hubby. Not bad for the price P99 ang regular and yun large nakalimutan ko kung magkano. Kung titignan ang Image sa itaas ^ parang walang kinaibahan ang large sa regular kundi presyo lang. Infairness masarap pero nakakaumay kapag kumain ka uli kinabukasan. 

Saturday, December 21, 2013

Post Partum Depression



Part 1: Bloody Show

Sa panahon ngayon, hindi na pala uso ang nursery room. Dati kase diba may oras ang pag silip sa mga babies at mga nurse ang bahala na magpa dede at magpalit ng diapers nila.

Sabay kami lumabas ni baby sa operating room, diretso sa pinareserve na kwarto. Pinopromote ng hospital ang breastfeeding kaya hindi kami inallow na bumili ng formula. Tinry ko magbreastfeed, unfortunately walang lumalabas, after 3 days pa daw kapag cesarean. Friday 3:23 AM inilabas si baby, hapon na hindi pa sya nakakainom ng milk iyak na sya ng iyak hanggang sa nag labas ng letter of approval ang pedia dahil gutom na gutom na si baby. 

Hindi masakit at hindi kumikirot ang tahi sa tyan pero ang hirap kumilos parang may isang sakong bigas sa harapan ko sobrang bigat sa pakiramdam. Kelangan tumagilid at piliting gumalaw galaw para hindi magdikit dikit ang bituka. Kelangan din umutot para malamang nagfafunction na ang bituka at para pwede ng makakain. Uhaw na uhaw na ko pero bawal pang uminom ng tubig, nagmamakaawa ako sa mga nurses and doctors na bumubisita dahil tuyong tuyo na ang lalamunan. Imagine simula ng inadmit ako 5PM hanggang kinabukasan ng tanghali walang inuman ng tubig. Nakaka frustrate dahil desperado nako makainom ng tubig ayaw lumabas ng hangin nagpapaikot ikot lang sya sa bituka. Sabi ng nurse kusang lalabas ang hangin hindi kelangan iire baka bumuka ang tahi. 

Saturday (2nd day after manganak) may nakalabas ng hangin pero kakaunti. Then finally, Inallow na uminom ng tubig at sabaw. Nilagyan naman ng sepositori para maka poop. Sobrang hindi ako kumportable na nakahiga tapos magpupoop sa urinal basin. Sabi ng nurse pwede na itry maglakad papuntang CR. Dahil gusto ko na makakain ng normal pinilit  lumakad papuntang CR, bawat hakbang sobrang hirap sobrang bigat pero hindi kumikirot ang sugat, mabigat lang talaga. Nakailang balik sa CR, after ng tatlong try nakapoop din sa wakas, pwede ng kumain ng soft food like jelatin or jelly ace.

Sunday (3rd day) buong gabi hindi nakatulog sobrang sama ng pakiramdam. Naninigas ang breast dahil kelangan dedehin ni baby para makalabas ang gatas. My problema, inverted ang both nipple kelangan ipump para makalabas ang milk. Walang mabiling pump sa mercury out of stock kaya pinahiram kami ng hospital, naka 4 ounce na breastmilk. Nag shoot na naman ang BP balik 160/110 naninigas ang panga at ramdam na ramdam na umaatras ang dila. Lalo akong ninerbyos hate na hate ko ang ganitong pakiramdam. Last time na nanigas ang dila ko eh na mild stroke na pala ko nun. Nataranta mga nurses pati mga doctors my pinainom silang gamot at pinalagay sa dila. Dito na nagstart ang Postpartum Depression.

Buong araw ng Linggo maya't maya ang pagmonitor ng BP ko, walang talab lahat ng ibigay nilang gamot. Nakikita kong natataranta ang mga nurses na kumukuha ng presyon ko, naiistress ako sa kanila. Pinagbawalan nila ko hawakan si baby pinipilit nila na patulugin ako or aliwin ang sarili. Kahit anong pilit gawin or aliw ang gawin, ang hirap mag focus. Nakatingin sa TV pero tumatakbo ang utak, kung ano ano ang naiisip. Gusto ko umiyak, sumigaw, mag wala, para kong mababaliw or nababaliw na nga ata ako nun, hindi ko maintindihan parang gusto ko sumabog.

Monday (4th day) eto dapat ang araw ng release ko, pero dahil sa inaatake ko ng buwisit na postpartum at ayaw makisama ng BP na 160/110 maeextend ang pagstay ko sa hospital. Lalong tumindi ang depression, stress to the highest level hindi dahil sa bill na babayaran namin kundi dahil nakikita ko parin na natataranta mga nurses sa result ng BP. Niresetahan nako ng sleeping pills para makatulog at para kumalma, hindi pumayag si mommy dahil fear nya baka hindi nako magising sa taas ng presyon ko. Nagsalpak nalang ng earphone nakinig ng lovesongs para makatulog dahil gusto ko na talaga makauwi sa bahay. Lahat ng sabihin nila sinusunod ko pero tumatakas akong lapitan at hawakan si baby, tagal kong inantay na mahawakan sya tapos ipagbabawal.

Tuesday (5th day) nag freak out na, hindi na nakayanan bumigay nako. Kung nung mga nakaraang araw, nagpipigil pako sa emosyon, pilit nilalabanan eto natuluyan ng umiyak dahil feeling ko hopeless na, mamamatay nako. Inaakap ako ni mommy, nakikita ko syang nagpapaka strong para sakin, ayaw nyang magpakita ng emosyon. Sinasabi nya na mahal na mahal nya ko, mahal na mahal ng asawa ko, mahal na mahal ng mga kapatid, wag daw ako bibigay. Isipin ko nalang daw si baby para maging strong, dapat daw happy instead na malungkot dahil finally antagal naming inantay, ayan na nasa harapan ko na yung matagal na naming pinagdadasal ibinigay na ni Lord. Kumalma ako ng konti after kausapin ni mommy. Kinagabihan hindi parin makatulog, akap ako ng akap kay fluffy hubby. Ramdam na ramdam kong pilit nya kong inaaliw, kini-kiss, sinasabihan ng i love you, tulad din ng mom ko sinasabihan din nya ko na magpaka strong para sa anak namin. Kinausap ni OB si mommy about postpartum and locha ( bleeding after childbirth). Papayagan na nila akong makalabas basta tuloy tuloy lang ang pag inom ng gamot para sa highblood at labanan ang depression. Sabi din ni OB na normal lang yung pinag dadaanan ko, lilipas din ng mga ilang buwan.

Wednesday (6th day) hindi na pumayag si mommy na icheck ang BP ko para hindi nako mastress at para makalabas na kami ng hospital. Mataas padin ang result pero hindi na nila pinaalam, nakikita kase nilang naka smile nako at gustong gusto ko na talaga umuwi. Si mommy padin ang nagbabantay at nag alaga kay baby.

Friday (1 week na si baby) pumayag na si mommy na itabi ko sa pagtulog si baby. Actually hindi ako natutulog kase every 2 hours gumigising sya para dumede, so night shift ako. Kapag kinuha na sya ni mommy ng umaga dun lang ako natutulog, pinaka mahabang tulog is 4 hours. Kahit si mommy na nagbabantay at nag aalaga, gusto kong nakikita si baby kaya minsan walang tulugan. Malaking bagay at malaking tulong na nasa tabi ko si baby, lalo na kapag nakikita ko syang nag smile habang natutulog, mabilis nawala ang postpartum depression.

Tuesday, December 10, 2013

Bloody Show


Madalas akong makaramdam ng contraction habang nagbubuntis. Low ang pain tolerance ko pero dahil sa madalas manigas ang tyan at manakit ang puson na parang my dismenorhea, na-immune na ko sa sakit. So, kapag makaramdam ng contraction, uupo lang para magpahinga then tutuloy ko na kung ano man ginagawa ko.

Nakaka inip pala kapag day/s nalang ang inaantay. Due Date ko was October 7, pero October 8 wala pang sign or symptoms na manganganak nako. Araw ng check up, pina ultrasound ako ni doctora para malaman kung kamusta si baby. Kung pagbabasehan ang laki ng tyan, iisiping 7 or 8 lbs ang baby pero nakakapagtaka wala png 6lbs. Based sa result, sobrang daming amniotic fluid and super duper high lying. Masyado maraming tubig sa katawan kaya mukha akong namamaga dahil sa manas. Tinanong ako kung my nararamdaman ba kong pananakit ng likod, ng balakang or ng puson. Sabi ko madalas manigas ang tyan at nananakit ang puson. Pinapunta ko sa labor room para imonitor si baby. My kinabit sa tyan at my pipindutin kapag naramdaman na gumagalaw si baby. Minonitor for 20 minutes, ang result malapit na daw akong manganak kase sobrang tindi na daw ng contraction parang labor pero hindi pa active labor, ang problema high lying si baby and matigas pa ang cervix. Nireseta sakin ang Primrose oil pampalambot ng cervix, kapag nakaramdam daw ng matinding contraction na hindi na tolerable yun pain or kapag pumutok yun panubigan or my lumabas na dugo, takbo kagad ng hospital.

1:00 AM ng October 10 tumitindi na ang pananakit ng puson parang dismenorhea. 30 minutes interval ang sakit. Hindi nako makatulog, ayokong magpa sugod sa hospital baka false alarm kahiya syempre yun, excited much lang. Sabi ko sa sarili ko, aantayin kong duguin or pumutok yun panubigan.

6:00 AM every 15 minutes na ang interval. 11:00 AM naging 10 minutes interval, heto na this is it. Hindi pako nagpapakita ng pain or excitement sa mom ko, neutral lang ang reaction kunwari..wala lang. Tumawag si fluffy hubby nagtatanong kung kumain na ba ko at kung may nararamdaman nabang kakaiba, sagot ko: oks lang, same same tulad ng dati. Hindi ko binabanggit na nag le-labor nako pero hindi pa active labor. (Sabi sa nabasa ko, labor is yung sign or symptoms na heto na manganganak ka na, ang active labor ay yung mismong malapit ka na umire para ilabas si baby. At ang contraction is 2-3 minutes nalang ang interval.)

2:30 PM sabi ko sa mom ko, sobrang sakit na parang hindi ko na kayang tiisin. Pinag pakulo na ko ng pampaligo, pagpasok sa banyo, umihi muna ko..then may kasamang dugo! After umihi, hindi ko na kayang tumayo ng diretso namimilipit sa sakit. Tinawag ko na si mommy para tulungan akong maligo dahil hirap nako kumilos. Si mommy nag shampoo ng buhok at nagsabon ng katawan ko. Ako nakahawak sa wall namimilipit sa sobrang sakit pero hindi ako tulad sa pelikula na sumisigaw sa sobrang sakit. Hindi pa pumuputok panubigan ko, sabi nila mas madaling manganak kapag tubig ang unang lumabas kesa dugo. Ang sa akin dugo or ang tinatawag nilang bloody show.

Naka prepare na lahat ng dadalhin sa hospital, 4:00 PM dumating si fluffy hubby na walang ka ide-idea na manganganak nako. Akala nya joke lang na nasa pintuan na lahat ng bag na dadalhin sa hospital. Pagpasok nya ng bahay, naka smile pa syang nagtanong: manganganak ka na ba? Sagot ko: tara na, punta na tayo hospital. Na shock sya seryoso na pala ako.

5:00 PM dumating si doctora, inuna akong kausapin kahit my mas nauna sakin sa listahan. Sabi ng secretary dun sa mga naunang dumating na manganganak nako. Dati kapag nag IE si doctora, tolerable yun pain pero nung time na yun potek ansakit parang hinahalukay yung matres ko. 4 cm na daw kaya pwede na ko i-admit, punta na daw kami sa admission office then next is sa labor room. Sobrang kalmado pako, nakikipag tawanan pa kay fluffy hubby kaya ask sa admission kung bakit iaadmit na baka hindi pa manganganak. Tinawagan nila si doctora para makasiguro kung seryoso kami, ayaw pa kase maniwala na 4cm na nga. Siguro yun iba kapag 4 cm na, nagwawala na sa sakit. Nabanggit ko nga kanina, low ang pain tolerance ko. Ang konting sakit ay sobrang sakit na, pero dahil sa discreet ako, ayokong ipahalata na in pain nako.

8:00 PM 7cm na ambilis compare sa iba. Yun nga lang nagka problema, nagshoot ang BP ko 160/110 then para akong kinukumbulsyon ang hirap pigilan ng panginginig ng katawan. Hindi naman malamig sa room, sakto lang. Bumabagyo pa nung gabing yun, parang pelikula na kumikislap kislap ang ilaw tapos anlakas ng ulan, kulog at kidlat. Kitang kita sa binatan ang sunod sunod na kidlat. Tinurukan ako ng pampakalma para bumaba yun BP pero after 30 minutes nawalan ng bisa, balik sa 160/110.

10:00 PM 10cm na, binutas na ang panubigan. Non stop padin ang panginginig ng katawan. Tuturukan na daw nila ako ng epidural, infairness tahimik padin ako kahit sobrang sakit na. Nahirapan sila sakin na ibaluktot, hindi nila makapa yun hinahanap nilang buto pero eventually sabi nila nakabit na nila yung dapat nila ikabit sa likod ko. Potek hindi tumatalab ang epidural, ramdam na ramdam padin ang sakit. Twice nila ko tinurukan, potek wala talagang talab.

11:00 PM mataas padin si baby ayaw bumaba. Dahil mataas padin ang BP, nag usap usap ang mga doctor na hindi na nila ko paiirihin. Tatawagin na daw nila si fluffy hubby para papirmahin ng waiver para sa pag payag nya ng emergency C-section. Pero dahil my finafollow silang process, 2:00 AM pa daw nila ko dadalhin sa OR.

2:00 AM nilipat nako sa Operating Room. Pagod, antok, hilo at hinang hina na dahil sa puyat at sakit ng tyan. Pilit pading dinidilat ang mata sa kagustuhang makita si baby and para iremind sa mga nurses and sa doctor na kunin ang camera kay fluffy hubby. Natatawa na nga sila dahil maka ilang beses ko inulit ulit sa kanila. Ang pagturok ng anesthesia dapat 5-10 mins lang daw tatagal, inabot ng isang oras pag pagturok sa likod ko. Naririnig ko mga usapan nila, naka limang palit ng karayom ang anesthesiologist. Yung pinaka malaki and mahaba yung naging compatible sa spine ko. Sobrang liyad ang likod ko, so kahit anong baluktot gawin nila ayaw bumuka ng buto.

3:00 AM sinimulan na nila ako itali and naglagay na sila ng kurtina sa harapan ko. Napipikit at naiidlip na ko sa pagod, ginigising ako ng anesthesiologist wag daw ako matulog para makita ko paglabas ni baby.

3:23 AM nakarinig ako, BABY'S OUT!! Lumingon ako sa kanan, nakita ko si baby nililinisan na nila then tinabi nila sakin para makita ko ng malapitan. Naiyak ako sa sobrang saya dahil mahahawakan, maaakap at makikiss ko na sya. Totoo pala na once makita mo na ang baby, mapapawi ang pagod, puyat at sakit, it's definitely worth it! Sobrang pasasalamat ko kay God na ligtas kami parehas at healthy si baby.

Monday, September 9, 2013

Baby's Movement at 8 months (video)


Most pregnant women lalo na kapag first time mom, mahirap malaman or masabi kung baby kicks or kabag yung biglang galaw sa tyan. Sabi nga ng OB ko parte ng paglilihi ang kabag dahil umiba ng puwesto ang bituka. Mararamdaman ang unang sipa pagdating ng 6 months lalo na kapag sobrang active si baby. Sabi ko kay OB 4 months palang may nararamdaman nakong sipa sa tyan. Nung una hindi makapaniwala si doctora kase it's too early to say na baby kicks yun. Pinakita ko kay doctora yun video na sumisipa si baby sa tummy ko. Kaya ang akala boy si baby kase nga sobrang active, sabi ng kaopismate ko wag daw magpakasiguro antayin ang ultrasound dahil sya napagkamalang boy dahil sobrang active din nya sa tyan. Isa ko sa maswerteng mom na nakakaramdam ng baby's movement dahil yung iba kelangan pang kausapin or mag antay ng 9 months bago maramdaman ang unang sipa. Tulad ng mom ko, sabi nya all the time tulog daw ako sa tyan nya at kelangan nya magpabalik balik sa doctor para malaman kung buhay pako dahil ni isang galaw wala syang naramdaman. Pinagbabasehan lang yun mahina kong heartbeat para malaman na okay pako. Yun sister ko sabi nya kelangan pa nyang mag antay at makiusap para maramdaman lang yun sipa or galaw ni baby. Sa ibang mom bilang na bilang sa kamay yung baby's movement sa 9 months na pinagbubuntis nila mga junakis nila. Ako, busog, gutom, tulog, busy sa work, nanonood ng TV nararamdaman ko si baby basta nakaupo or nakahiga. Kapag naglalakad like namimili ng gamit, nag gogrocey, behave sya feeling ko nga nag eenjoy sya maglakwatsa. Kakaibang feeling kapag nakikita at nararamdaman ko syang naglalaro sa loob ng tummy ko. Best feeling ever... 



Thursday, September 5, 2013

Philips Avent Feeding Bottle



As a first time mom, syempre marami akong hindi alam. Para makakuha ng mga advices, ideas and reviews, mahilig ako mag visit ng mga forums and blogs. Madalas din ako mag tanong sa mom, mother in law and sisters ko kung ano dapat bilhin and kung anong brand. Isa sa mga concerns ko ang feeding bottle, madalas napapabalita na wag basta basta bibili ng mga gamit ng baby lalo na sa tabi tabi dahil baka may lead content. Madalas advice sakin, sa mall ako bumili para siguradong safe. Nung tinanong ko mom at mga kapatid ko kung may particular bang brand na dapat kong bilhin na feeding bottle, wala naman daw. Merong mga murang feeding bottle worth less P200 na Dora, Spongebob, Hello Kitty and Barney. Dahil sa gusto ko talaga makasiguro, naghanap hanap ako ng topic sa mga forums about feeding bottles. Madalas mabanggit ang Avent, Chicco, Tommee Tippee and Dr. Brown. May nagbanggit din ng Farlin na pinaka murang feeding bottle.

SmartParenting, Female Network.. etc,.. puro AVENT ang sinasuggest yun nga lang expensive. Base sa mga reviews ang AVENT is made from BPA free polypropylene (PP) material for safe feeding and clinically proven to reduce colic. Tinanong ko mga kaopismate ko kung anong brand ng bottle ang gamit nila, AVENT daw subok na matibay tumatagal ng 3 yrs. Binanggit ko kay Fluffy ang presyo, sobrang nashock sya dahil P1000 mahigit ang bottle. Sabi nya na mag invest nalang kami sa ibang bagay baka may makita naman kaming mas mura at hindi praktikal bumili ng ganung kamahal na bote. Inexplain ko sa kanya kung ano ang kinaibahan nito sa ibang feeding bottle hanggang sa naliwanagan sya. Tumingin tingin kami sa Mall, grabe P3000 mahigit pala ang starter kit natulala ako sa presyo pero dahil pursigido ako, hindi ko pinahalata kay Fluffy na nashock din ako. Madalas din banggitin sa mga forums na mas makakamura kung online bibilhin. I've never tried na bumili ng mga gamit online kase nakakatakot baka maglaho nalang ng parang bula yun pera. Naghanap hanap ako ng online seller na maraming positive feedback at gusto ko sana meet up ayoko ng shipping dahil baka mapapano pa yun produktong binili ko. May nakita akong online seller na ang meet up sa Lucky China town mall. Malapit lapit samin and trusted online seller naman base sa mga feedback. Inorder ko ang Philips Avent Infant Starter Set na may two 4 ounce bottles with slow flow classic nipples, two 9 ounce bottles with newborn classic nipple, pacifier and brush. Sa mall ang price nya is P3200, nabili ko lang sya ng P1400. Anlaking tipid at anlaki ng price difference, medyo alanganin si Fluffy baka daw fake yun nabili namin kaya nagsearch sya kung may fake ba  nito, sabi wala naman daw. Sabi ng mom ko kukulangin padin kami ng feeding bottle lalo na kapag malakas dumede ang baby. Need pa daw namin ng mga apat na 9 ounce feeding bottle. May nakita ko sa FB na may sale ang Mommymundo upto 70% Off. Sabi ko kay Fluffy kasama ang AVENT sa clearance sale baka makakita kami ng 9 ounce na mura.

August 16-18 ang clearance sale sa Mommymundo, may nagsabi na pumunta kami sa unang araw kase baka maubos or mabili na yun gusto namin, while supplies last lang daw yun. So first day gumora kagad kami ni Fluffy. Diretso sa booth ng AVENT, yun lang naman kase talaga pakay namin. Maraming tao sa booth, yun iba nag tatanong, yun iba naman talagang bibili. Isa ako sa sure buyer at una kong hinawakan ang Classic Cloudy Milk na 9 ounce 3 pcs. feeding bottle. Galing kami prehas ni Fluffy sa office, magulo ang buhok, walang pulbos at haggard na ang itsura ko. Tinatanong ko yung sales lady kung ilang discount at magkano yung discount price, abah abah abah, dinedeadma ako! Todo asikaso sya dun sa babaeng buntis din na katabi ko na may pagkasosyal, nakapustura, at maraming dinadampot na kung ano ano. Dadampot sya tatanungin nya kung magkano den ibabalik nya. Paulit ulit ganun lang ng ganun hindi mo alam kung bibili ba or pinapakita lang nya na afford nya lahat ng product ng AVENT pra lang mag yabang pro kapag narinig nya yun presyo binabalik. Nakailang beses ako nagtanong pero talagang deadma ang haggard kong beauty, titignan lang ako at babalik ang atensyon dun sa babaeng buntis na nakapustura at nag aantay na mag tanong uli sa kanya ng presyo. Mahina atang mag multi task si ateng, hindi nya masagot yun tanong ko na kung magkano ba yun hawak kong bote. After 15 minutes, binalik lahat ng babaeng buntis na nakapustura lahat ng dinampot nya at iniwan ang booth, hay sa wakas aasikasuhin nako ni ateng sales lady. Naku naubos lang ang laway mo kakasabi ng presyo eh kung sinagot mo na ko kanina pa may napala ka sana kagad. Siguro dahil sa epekto ng pagiging buntis kaya maiksi ang pasensya ko, hindi naman ako dating ganito. 10% discount ang makukuha namin kung bibilhin ko yung 3pcs na Classic Cloudy Milk 9 ounce. Nakita ko yung 2 pc 9 ounce Pink Edition ang price is P1100 10% off kapag isa lang ang binili. Kapag dalawang box ng Pink Edition 30% ang makukuha namin. Mahina ako sa Math paki compute nalang P2200 yun dalawang box less 30% off yun discount. Sobrang happy, hanggang tenga ang ngiti at iba yung pakiramdam na naibili ko yung gusto kong bottle ni baby. Syempre hindi ko pa mabibigyan ng reviews kase hindi pa lumalabas si baby. Once na nagamit na namin dun ko mashe-share yung experience kung talagang sulit at anti-colic. Sige, hanggang sa muli...


Tuesday, September 3, 2013

Baby's Gender 3D4D Ultrasound

Napapanahon ata ngayong taon ang pagbubuntis. Kahit saan ka lumingon, sa LRT, MRT, sa antayan ng jeep, sa mall at kahit saan may makikita kang buntis. Uso?!! well, madami kaseng kinasal last year, kala kase magugunaw na ang mundo kaya ang mga magjojowa mga nagsipagkasalan na. Maraming nabuong baby nang Enero, pano ba naman maraming kinasal ng Disyembre. Dahil madaming okasyon at  party na inatenan ng Disyembre, Enero na nabigyan ng oras ang pag gawa ng baby. Masyado na bang malaswa tong pinagsasasabi ko? Paumanhin hahahaha.. 

Isa kami ni Fluffy sa naki uso or naki-IN sa pagbubuntis, Enero din nabuo si baby. Dito sa office andami kong kasabayan, ika nga.. masyado kaming talamak hawa hawa ata. Madalas kaming mag grupo grupo o magkumpol kumpulan para mag share ng mga experiences, symptoms and ng mga Do's and Don'ts. Dumating sa point na yung ibang mga kasabayan ko at yung ibang nauna pako magbuntis, nalaman agad ang gender ni baby. Sabi sa mga binabasa ko about pregnancy, as early as 18 weeks pwede mo na malaman lalo na kapag boy. Yung mga kasabayan ko, 20 weeks palang alam na nila. Aaminin ko, sobrang nakakainggit kase wala pang advice from my OB kung pwede nako magpa ultrasound. Hindi ko na natiis, kinausap ko na si doctora para itanong kung kelan nya ko bibigyan ng request, sagot sakin 28 weeks para sure na sure as in 100% sure ang gender... Sige na nga!!! Explanation kase kapag below 28 weeks mahirap madetermine kung Girl, kapag sa Girl lang naman nagkakaproblema kase parang kaseng itsura ng sa baby Boy sa ultrasound yung.. you know!.. 

26 weeks nako nung may nakita kong shout sa FB, nalaman nyang Girl ang baby nya at 23 weeks! Homay bakit ako kelangan mag antay n g two weeks para malaman kung Boy or Girl. Hindi ako mapakali, Linggo pa nun nag aalanganin kung susugod ba ko sa mall para magpaultrasound or mag aantay talaga na dumating ang 28 weeks. 2 weeks nalang talaga as in 2 weeks pero parang antagal tagal. Kinausap ko si Fluffy, sabi ko hindi ko na kaya kelangan ko na malaman gender ni baby baka hindi ako makatulog. Pag ka OO ni Fluffy sugod kami kagad sa Robinson's Manila. Nabanggit ko sa previous entry na sa Baby Ultrasound at InMyWomb lang may magandang feedback. Pagdating sa Baby Ultrasound, nagpa register kagad kami, tutal may nakasalang at nakapila pa, niready ko na sarili ko. Bumili kami ng waffle and matamis na buko shake para makipag cooperate si baby. Dahil naeexcite na kinakabahan, hindi ko malunok yun kinakain ko, binigay ko nalang kay Fluffy. Saglit lang kami nag antay after 30 minutes, it's my turn!!!

Hindi ko pala nabanggit na madalas sabihin na Boy si baby kase sa sobrang active nya. Sabi din ni doctora hinala nya Boy kaya hinanda ko na sarili ko. Gusto sana namin ni Fluffy Girl ang panganay para Daddy's Girl at para masarap bihisan. Pagpasok sa room, may malaking LCD sa harap, mahaba at kumportableng sofa, dim light at may relaxing background music pa. Sinimulan ng pahidan ng malamig na jell ang tyan ko, nakasmile yun assistant at yung mag uultrasound kaya medyo nabawasan yun kaba sa dibdib. Inuna nyang ipakita yun gender, Homaygowly IT'S A GIRL!!! Parang hindi ako makapaniwala, gusto kong ipaulit ulit sa kanya para masiguradong Girl pero nahiya naman ako. Hanggang sa pinakita na nya yung face ni baby. Homaygawd!! iba yung pakiramdam parang gusto kong maiyak sa tuwa. Yung ilong at bibig nakuha sakin pero yung hugis ng mukha kay Fluffy. Yung mata hindi namin alam kase nakapikit. Mahiyain si baby madalas takpan yung mukha. Kelangan pang kalabitin yung tyan ko para alisin yung kamay. Atleast nakaharap sya at kapag kinalabit tinatanggal talaga nya. Sabi nung assistant maswerte na kami at hindi kami pinabalik or pinalakad muna ng 30 minutes para lang sumunod si baby. Tuwang tuwa si hubby kase andaming nagsasabing kamukha nya si baby. Sige oks lang, mag iiba pa naman itsura nyan, sana kapag nagdalaga sya ako naman ang kamukha para fair!! hahahaha..

Naku nakalimutan kong banggitin na ang kinuha kong package yung GOLD Php 3,300 para may kasamang video. Eto nga pala yung sample picture ni baby :)



Sunday, June 2, 2013

J.Co Dount

Nung nauso ang KrispyKreme nag antay ako ng isang taon, take note isang taon bago bumili ng donut sa kanila. Nakakatamad kaseng pumila ng pagkatagal tagal ng dahil lang sa curiosity tapos isang donut palang umay ka na. Last year ko pa nababalitaan tong J.Co Donut, ansabe aabutin ka muna ng dalawang oras bago ka makakalapit sa cashier. Parang hindi ko nabalitaan yung ganitong eksena nung panahong sikat ang KrispyKreme at GoNutsDonuts. Isang branch palang naman kase last year ang meron sila, kaya nag antay antay lang muna na dumami at magkaroon ng malapit lapit as bahay. Sa ngayon meron na silang pitong branches, feeling ko Trinoma ang malapit ng konti samin.

Nung nakaraang linggo, habang nagbabrowse ng facebook ng makita ko ang Alcapone. Mahirap pigilan ang cravings ng buntis, kung noon kaya ko magtiis, ngayon promise nahirapan ako. Ayoko maging tulo laway ang anak ko paglabas, kelangan sundin ang cravings. Ginising ko si fluffy at pinagmadaling maligo para maagang makauwi. Iniisip ko palang ang byaheng gagawin namin papuntang Trinoma, feeling ko pagod na pagod nako. Nang papaalis na kami, nakakaramdam nako ng katams feeling ko pagod na kagad ako palabas palang ng pinto. Pero eto na, baka magalit si Fluffy kapag kinancel ko pa.

Hay, hindi ako nagkamali papunta palang ng Trinoma dusa na, isang oras at kalahati kase ang byahe simula bahay papunta dun. Nang makarating pinagtanong kagad kung saan ang J.Co, tinuro kami sa baba malapit sa parking. Feeling ko dugyot nako sa sobrang init ng mall, hello aircon magparamdam ka asan ka ba naligaw? Sa dami ng tao hindi ramdaman ang aircon napakalagkit sa pakiramdam. Mas lalong dusa ng sobrang init ng bugang hangin ang sumalubong ng malapit na sa J.Co donut, walang kinaibahan pagpasok sa loob. Brownout ba sa Trinoma at walang ka aircon aircon, grrrrrrrrrr. At isa pang pamatay ang sumalubong sakin, ang sobrang habang pila hanggang pintuan. Napa susmaryosep ako sabay sapok sa noo sa nakita ko. Basang basa na panyo ko sa sobrang init, nagdadalawang isip tuloy kung itutuloy paba ang cravings baka himatayin ako sa pila at init, feeling ko hindi nako makahinga. Buti nalang nakita ng guard na malaki ang tyan ko, itinuro kami sa isa pang cashier na walang pila. Para pala sa senior at buntis yung kabilang cashier, hay thank God mapapabilis ang paglabas namin dito. Inorder ko Set A and B 2 Dozen para matikman lahat Php 550 at dali dali kaming naghanap ng malamig na lugar. Hanggang nakarating kami sa foodcourt ng Landmark, yun lang ang lugar na hindi crowded at nakakahinga kami ng maluwag at kahit papano malamig.


Hindi ko alam kung ano ang Set A at Set B jan sa dalawang box na yan. Prehas may two pieces na Alcapone. Dalawang donut lang kinain ko den give up na. Paumanhin sa ibang gustong gusto tong donut pero para sakin nakaka umay sya. Siguro dahil buntis ako at iba ang panlasa kaya hindi ko sya nagustuhan.


Kinain ko yung Alcapone at yung Green na may almonde.  Hindi ko na inalam kung anong flavor ng mga nasa box at kung anong flavor nung Green na may almonde na kinain ko. Hindi ako interesado dahil hindi nako uulit. (again paumanhin, buntis kase ako kaya ibang panlasa at siguro dahil disappointed ako sa init sa mall naapektuhan ng emosyon ang pagkain ko).


Yung natirang donut binigay ko sa mom ko at sa family ng brother ko. Hindi ko na inalam kung nagustuhan nila sa sabrang pagod ko papuntang mall, paghahanap ng malamig na lugar at pauwi ng bahay. Lesson learned, wag ipilit magpagod ng dahil sa curiosity lalo na't buntis, humingi nalang ng pabor at magpabili para ma enjoy ang cravings.



Wednesday, May 29, 2013

3D4D Ultrasound

20 weeks and 4 days na si baby, yey nakaka excite. 5 weeks and 3 days nalang magiging 26 weeks ka na,  hindi nako makapag antay na ipa 3D4D kita baby. Gusto na namin malaman kung ano ang gender mo. Okay lang kung babae or lalaki, ang importante ay healthy and strong ka. Madalas kami magtalo ng daddy mo kung sino magiging kamukha mo at kung sino ang mas malapot ang dugo. Sana kapag pina ultrasound ka namin, gising ka para malikot ka. Wag mo kami tatalikuran huh, pakita mo ang maganda mong smile :) kung bungisngis ka, mana ka sa daddy mo. Kung tahimik ka lang at walang kibo naku mana ka sakin. Mas gugustuhin ko nang mag mana ka sa daddy mo sa pagiging bungisngis para lagi kang masaya at active. Undecided pa kami kung saan ka namin ipapa ultrasound, kung sa InMyWomb, Face2Face, BabyUltrasound Company or TopHealth. Gusto ko kase yung may video, hindi ako makukuntento kung picture lang, bitin yun.

Sabi nila sa InMyWomb, masyadong mahal at pababalikin ka pa para makuha ang video. Walang malapit na InMywomb sa bahay, nakakapagod bumyahe sa MOA wala pa tayong sasakyan baby nagiipon palang si daddy.

Sa Face2Face meron sa SM San Lazaro pero pangit ang feedback ng mga nakapag try na dun. Wala daw pasensya yung nag uultrasound at parang robot lang na gagawin yun trabaho at hindi man lang nagsasalita or ieexplain kung ano ginagawa mo sa loob ng tyan ko. Ayoko ng ganun baby, baka mag away lang kami nun nag uultrasound. Meron din daw sa SM North, puwede nadin medyo malapit lapit, LRT den jeep. Maganda ang feedback, mahaba ang pasensya nung nag uultrasound.

Sa TopHealth meron din sa SM San Lazaro, mura at maganda naman ang feedback. Yun nga lang maraming nagpapa schedule everyday. Pero ita-try ko padin mag inquire para malapit lang sa bahay.

BabyUltrasound Company, meron sa Robinson Manila at SM North. Maganda daw  ang facilities, yun palang ang feedback na nakukuha ko.

Hay baby andaming nagsasabi makikita naman daw kita ng personal bakit hindi pako makapag antay kesa gumastos ng ultrasound mo. Ang gusto ko lang ay may maipakita sayo kung ano itsura mo nung nasa tyan pa kita para my remembrance ka.

Mahal na mahal ka namin ng daddy mo, pinag hahandaan na namin ang future mo.


Tuesday, May 7, 2013

Ang Paglilihi

Unang pumapasok sa isip ko kapag sinabing naglilihi, maganang kumain at laging naghahanap ng food. Sabi ng mga kapatid ko, pinaglihi  ako sa dinuguan. Akala ko joke joke lang pero totoo pala. I asked my mom pano nya nasabing dun nya ko pinaglihi at kung bakit sa maitim na ulam pa, ayan tuloy ang kulay ko malayong malayo sa kanila. Sabi ni mommy, mahirap pigilan ang buntis kung yun yung natipuhan nyang kainin. I remember pa nga ang sabi nila isang linggong ulam ng mommy ko ang dinuguan. Lagi sya nagpapaluto sa lolo ko. Ang kapartner ng dinuguan eh softdrink na coke, ganun din.. maitim din yun. Malayo kulay ko sa kanila pero buti nalang hindi ako gaanong kaitiman.

January this year nagplano ko magpapayat dahil nagdaan ang December, alam nyo naman.. karamihan ng tao lumolobo ng Disyembre at isa ako don. Ayokong mabigla kaya dahan dahan ang excercise, lakad lakad lang sa Celadon Park ng isang oras then uwi na. Hindi ko trip mag jogging, nauubusan ako ng hininga at feeling ko ambilis ko mapagod.

February 7 ng umaga naglalakad ako papuntang sakayan ng bus bigla nalang out of nowhere naisipan kong dumaan sa Mercury. Isang pregnancy test lang binili ko, nagbabakasakali lang naman. Baka excercise ako ng excercise tapos meron na palang baby sa tyan ko. Pagdating na pagdating sa bahay, walang pahinga pahinga nagtest kagad ako.. BOOM! dalawang linya ang lumabas. Hindi ko maexplain yung naramdaman ko nung nakita ko yung dalawang linyang yun. Aaminin ko, umiyak ako sa tuwa, isang taon kaming nag antay. November 2011 kami kinasal at buong 2012 kami nag antay. Kapag my nagtatanong kung bakit hindi pa kami bumubuo, ang laging sagot: " Ibibigay ng Diyos yun sa tamang panahon " , " In God's Time ". Pero ngayon eto na sya, pero medyo nagdoubt padin, isang test lang binili ko kaya ayoko muna itext si Fluffy. Pagdating ng mom ko sa bahay, kalmado kong sinabing positive yun test. Tuwang tuwa si madir finally magkaka apo na sya sakin. Kinalat ko sa sahig yun pregnancy test para pagdating ni Fluffy makikita nya kagad. Pagdating ng gabi, pagkauwi ni Fluffy nakita nya kagad yun kinalat kong PT. Tinanong nya ko kung totoo ba yun, sagot ko hindi ko alam. Napatakbo tuloy sya ng di oras sa Mercury para bumili pa ng isa. Nagtest uli ako at dalawang linya uli ang lumabas. Umiyak si Fluffy ng makita ang result, tumawag kagad sa kanila para sabihin ang magandang balita. Tuwang tuwa mga biyenan ko dahil unang apo nila si baby.

Nagpacheck up kagad kami para makasigurong totoo ang result ng PT. Sinabi ng doctor na 1 month na si baby. Naexcite ako iniisip ko kung ano ba mapaglilihihan ko at kung anong prutas ang ipapahanap ko kay Fluffy. Basta wag ko daw sya paghanapin ng prutas na kaimposiblehan tulad ng prutas na my buto pero ang ipapahanap ko sa kanya eh walang buto, yun mga ganung tipo ba. Third week ng February, dito na nagsimula ang paglilihi na hindi ko inakalang ganun pala.

Nagsimula na yung hilo, mabilis mapagod at eto ang pinaka matindi.. ang magtawag ng uwak ng buong araw. Sabi nila morning sickness so ibig sabihin sa umaga lang dapat mangyari yun pero sakin 24/7. Kahit tulog, gigising lang para sumuka. Matinding challenge yung nasa opisina, may kausap na kliyente tapos mapapatakbo sa CR para lang magthrow up. Pagbalik sa kliyente ubos na energy para makipag usap, naubos na sa CR. Sabayan pa ng spotting na ayaw tumigil. Sobrang selan ng aking pagbubuntis. Pero titiisin ko ang lahat ng yan para kay baby. Madalas na ang pag absent hanggang sa pinagpahinga na ng 2 weeks ng doctor para matigil ang spotting. Buong araw nakahiga sa bahay, walang ganang kumain, walang laman ang tyan kundi tubig at buong araw sumusuka ng laway, kapag tumayo para pumunta ng CR sobrang hinang hina at walang energy. Nag aalala ako kase walang nutrients na nakukuha si baby dahil wala akong kinakain. Sobrang wala talaga kong gana kahit anong tikman ko feeling ko weird ang lasa. Kahit tubig sakin may lasa. Anlaki ng binagsak ng timbang ko, medyo nag alala yun doctor. Pinayagan nya kong kumain ng ice cream, halo halo at kung ano ano pang malalamig na pagkain pangtanggal suya ata yun. Tinanong ko si doctora kung hanggang kelan tong paglilihi, ang sabi nya hanggang 4 months. Antagal naman hindi ba pwedeng hanggang 3 months lang yung pagtatawag ng uwak, nakakaubos energy. Tinanong nya ko, ano gusto mo.. naglilihi oh hindi naglilihi? Napaisip ako, mas gugustuhin ko ng naglilihi kase ibig sabihin buntis ako kesa yung hindi naglilihi dahil walang baby. Happy narin at naexperience ko yun dahil may naisheshare ako sa mga ibang buntis at nakaka relate sa mga ibang nagbuntis na nakaranas din ng naranasan ko. Naranasan kong magtawag ng uwak sa CR ng SM, dito sa opisina at ang pinaka matindi sa V.Mapa sa ibaba ng LRT station, nakakahiya daming pipol.

Ngayon 4 months na si baby, unti unti ng bumabalik yun sigla ko sa pagkain. May araw na weird yun panlasa at walang ganang kumain pero may araw din na sobrang gana naman. Nabawasan na din yun pag throw up, napipigilan ko na sya. Naeexcite nadin kaming malaman kung ano gender nya, ok lang kung lalaki or babae, ang importante samin ni Fluffy ay healthy sya at walang problema.