Tuesday, May 7, 2013

Ang Paglilihi

Unang pumapasok sa isip ko kapag sinabing naglilihi, maganang kumain at laging naghahanap ng food. Sabi ng mga kapatid ko, pinaglihi  ako sa dinuguan. Akala ko joke joke lang pero totoo pala. I asked my mom pano nya nasabing dun nya ko pinaglihi at kung bakit sa maitim na ulam pa, ayan tuloy ang kulay ko malayong malayo sa kanila. Sabi ni mommy, mahirap pigilan ang buntis kung yun yung natipuhan nyang kainin. I remember pa nga ang sabi nila isang linggong ulam ng mommy ko ang dinuguan. Lagi sya nagpapaluto sa lolo ko. Ang kapartner ng dinuguan eh softdrink na coke, ganun din.. maitim din yun. Malayo kulay ko sa kanila pero buti nalang hindi ako gaanong kaitiman.

January this year nagplano ko magpapayat dahil nagdaan ang December, alam nyo naman.. karamihan ng tao lumolobo ng Disyembre at isa ako don. Ayokong mabigla kaya dahan dahan ang excercise, lakad lakad lang sa Celadon Park ng isang oras then uwi na. Hindi ko trip mag jogging, nauubusan ako ng hininga at feeling ko ambilis ko mapagod.

February 7 ng umaga naglalakad ako papuntang sakayan ng bus bigla nalang out of nowhere naisipan kong dumaan sa Mercury. Isang pregnancy test lang binili ko, nagbabakasakali lang naman. Baka excercise ako ng excercise tapos meron na palang baby sa tyan ko. Pagdating na pagdating sa bahay, walang pahinga pahinga nagtest kagad ako.. BOOM! dalawang linya ang lumabas. Hindi ko maexplain yung naramdaman ko nung nakita ko yung dalawang linyang yun. Aaminin ko, umiyak ako sa tuwa, isang taon kaming nag antay. November 2011 kami kinasal at buong 2012 kami nag antay. Kapag my nagtatanong kung bakit hindi pa kami bumubuo, ang laging sagot: " Ibibigay ng Diyos yun sa tamang panahon " , " In God's Time ". Pero ngayon eto na sya, pero medyo nagdoubt padin, isang test lang binili ko kaya ayoko muna itext si Fluffy. Pagdating ng mom ko sa bahay, kalmado kong sinabing positive yun test. Tuwang tuwa si madir finally magkaka apo na sya sakin. Kinalat ko sa sahig yun pregnancy test para pagdating ni Fluffy makikita nya kagad. Pagdating ng gabi, pagkauwi ni Fluffy nakita nya kagad yun kinalat kong PT. Tinanong nya ko kung totoo ba yun, sagot ko hindi ko alam. Napatakbo tuloy sya ng di oras sa Mercury para bumili pa ng isa. Nagtest uli ako at dalawang linya uli ang lumabas. Umiyak si Fluffy ng makita ang result, tumawag kagad sa kanila para sabihin ang magandang balita. Tuwang tuwa mga biyenan ko dahil unang apo nila si baby.

Nagpacheck up kagad kami para makasigurong totoo ang result ng PT. Sinabi ng doctor na 1 month na si baby. Naexcite ako iniisip ko kung ano ba mapaglilihihan ko at kung anong prutas ang ipapahanap ko kay Fluffy. Basta wag ko daw sya paghanapin ng prutas na kaimposiblehan tulad ng prutas na my buto pero ang ipapahanap ko sa kanya eh walang buto, yun mga ganung tipo ba. Third week ng February, dito na nagsimula ang paglilihi na hindi ko inakalang ganun pala.

Nagsimula na yung hilo, mabilis mapagod at eto ang pinaka matindi.. ang magtawag ng uwak ng buong araw. Sabi nila morning sickness so ibig sabihin sa umaga lang dapat mangyari yun pero sakin 24/7. Kahit tulog, gigising lang para sumuka. Matinding challenge yung nasa opisina, may kausap na kliyente tapos mapapatakbo sa CR para lang magthrow up. Pagbalik sa kliyente ubos na energy para makipag usap, naubos na sa CR. Sabayan pa ng spotting na ayaw tumigil. Sobrang selan ng aking pagbubuntis. Pero titiisin ko ang lahat ng yan para kay baby. Madalas na ang pag absent hanggang sa pinagpahinga na ng 2 weeks ng doctor para matigil ang spotting. Buong araw nakahiga sa bahay, walang ganang kumain, walang laman ang tyan kundi tubig at buong araw sumusuka ng laway, kapag tumayo para pumunta ng CR sobrang hinang hina at walang energy. Nag aalala ako kase walang nutrients na nakukuha si baby dahil wala akong kinakain. Sobrang wala talaga kong gana kahit anong tikman ko feeling ko weird ang lasa. Kahit tubig sakin may lasa. Anlaki ng binagsak ng timbang ko, medyo nag alala yun doctor. Pinayagan nya kong kumain ng ice cream, halo halo at kung ano ano pang malalamig na pagkain pangtanggal suya ata yun. Tinanong ko si doctora kung hanggang kelan tong paglilihi, ang sabi nya hanggang 4 months. Antagal naman hindi ba pwedeng hanggang 3 months lang yung pagtatawag ng uwak, nakakaubos energy. Tinanong nya ko, ano gusto mo.. naglilihi oh hindi naglilihi? Napaisip ako, mas gugustuhin ko ng naglilihi kase ibig sabihin buntis ako kesa yung hindi naglilihi dahil walang baby. Happy narin at naexperience ko yun dahil may naisheshare ako sa mga ibang buntis at nakaka relate sa mga ibang nagbuntis na nakaranas din ng naranasan ko. Naranasan kong magtawag ng uwak sa CR ng SM, dito sa opisina at ang pinaka matindi sa V.Mapa sa ibaba ng LRT station, nakakahiya daming pipol.

Ngayon 4 months na si baby, unti unti ng bumabalik yun sigla ko sa pagkain. May araw na weird yun panlasa at walang ganang kumain pero may araw din na sobrang gana naman. Nabawasan na din yun pag throw up, napipigilan ko na sya. Naeexcite nadin kaming malaman kung ano gender nya, ok lang kung lalaki or babae, ang importante samin ni Fluffy ay healthy sya at walang problema.

2 comments:

  1. hahahah. lam mo bang sa dinuguans din me pinaglihi, puto dapat pero sinawsaw pa sa dinuguans, ayun... khanto negrito ang labas. :D

    machachallenge si gian sa hahanapin mong foodies. hahaha

    congratumalations sa inyo ni tekamots :D

    ReplyDelete
  2. Naalala ko tuloy yung first trimester ko. Sobrang hirap na hirap akong bumangon at pumasok. Dahil di ako pwedeng palaging absent, palagi akong tulog sa biyahe. Hahaha. Pero unlike sa'yo, medyo nawalan ako ng gana. Kaya para kahit papano eh meron akong sustansya, pinainom ako ng Anmum ng bongga. Pero kapag umay na ako sa gatas, hinahalo ko sya sa pagkain ko. Madalas ito yung kinakain ko eh: https://www.anmum.com.ph/eat/chicken-and-potato-salad

    ReplyDelete