Wednesday, May 29, 2013

3D4D Ultrasound

20 weeks and 4 days na si baby, yey nakaka excite. 5 weeks and 3 days nalang magiging 26 weeks ka na,  hindi nako makapag antay na ipa 3D4D kita baby. Gusto na namin malaman kung ano ang gender mo. Okay lang kung babae or lalaki, ang importante ay healthy and strong ka. Madalas kami magtalo ng daddy mo kung sino magiging kamukha mo at kung sino ang mas malapot ang dugo. Sana kapag pina ultrasound ka namin, gising ka para malikot ka. Wag mo kami tatalikuran huh, pakita mo ang maganda mong smile :) kung bungisngis ka, mana ka sa daddy mo. Kung tahimik ka lang at walang kibo naku mana ka sakin. Mas gugustuhin ko nang mag mana ka sa daddy mo sa pagiging bungisngis para lagi kang masaya at active. Undecided pa kami kung saan ka namin ipapa ultrasound, kung sa InMyWomb, Face2Face, BabyUltrasound Company or TopHealth. Gusto ko kase yung may video, hindi ako makukuntento kung picture lang, bitin yun.

Sabi nila sa InMyWomb, masyadong mahal at pababalikin ka pa para makuha ang video. Walang malapit na InMywomb sa bahay, nakakapagod bumyahe sa MOA wala pa tayong sasakyan baby nagiipon palang si daddy.

Sa Face2Face meron sa SM San Lazaro pero pangit ang feedback ng mga nakapag try na dun. Wala daw pasensya yung nag uultrasound at parang robot lang na gagawin yun trabaho at hindi man lang nagsasalita or ieexplain kung ano ginagawa mo sa loob ng tyan ko. Ayoko ng ganun baby, baka mag away lang kami nun nag uultrasound. Meron din daw sa SM North, puwede nadin medyo malapit lapit, LRT den jeep. Maganda ang feedback, mahaba ang pasensya nung nag uultrasound.

Sa TopHealth meron din sa SM San Lazaro, mura at maganda naman ang feedback. Yun nga lang maraming nagpapa schedule everyday. Pero ita-try ko padin mag inquire para malapit lang sa bahay.

BabyUltrasound Company, meron sa Robinson Manila at SM North. Maganda daw  ang facilities, yun palang ang feedback na nakukuha ko.

Hay baby andaming nagsasabi makikita naman daw kita ng personal bakit hindi pako makapag antay kesa gumastos ng ultrasound mo. Ang gusto ko lang ay may maipakita sayo kung ano itsura mo nung nasa tyan pa kita para my remembrance ka.

Mahal na mahal ka namin ng daddy mo, pinag hahandaan na namin ang future mo.


Tuesday, May 7, 2013

Ang Paglilihi

Unang pumapasok sa isip ko kapag sinabing naglilihi, maganang kumain at laging naghahanap ng food. Sabi ng mga kapatid ko, pinaglihi  ako sa dinuguan. Akala ko joke joke lang pero totoo pala. I asked my mom pano nya nasabing dun nya ko pinaglihi at kung bakit sa maitim na ulam pa, ayan tuloy ang kulay ko malayong malayo sa kanila. Sabi ni mommy, mahirap pigilan ang buntis kung yun yung natipuhan nyang kainin. I remember pa nga ang sabi nila isang linggong ulam ng mommy ko ang dinuguan. Lagi sya nagpapaluto sa lolo ko. Ang kapartner ng dinuguan eh softdrink na coke, ganun din.. maitim din yun. Malayo kulay ko sa kanila pero buti nalang hindi ako gaanong kaitiman.

January this year nagplano ko magpapayat dahil nagdaan ang December, alam nyo naman.. karamihan ng tao lumolobo ng Disyembre at isa ako don. Ayokong mabigla kaya dahan dahan ang excercise, lakad lakad lang sa Celadon Park ng isang oras then uwi na. Hindi ko trip mag jogging, nauubusan ako ng hininga at feeling ko ambilis ko mapagod.

February 7 ng umaga naglalakad ako papuntang sakayan ng bus bigla nalang out of nowhere naisipan kong dumaan sa Mercury. Isang pregnancy test lang binili ko, nagbabakasakali lang naman. Baka excercise ako ng excercise tapos meron na palang baby sa tyan ko. Pagdating na pagdating sa bahay, walang pahinga pahinga nagtest kagad ako.. BOOM! dalawang linya ang lumabas. Hindi ko maexplain yung naramdaman ko nung nakita ko yung dalawang linyang yun. Aaminin ko, umiyak ako sa tuwa, isang taon kaming nag antay. November 2011 kami kinasal at buong 2012 kami nag antay. Kapag my nagtatanong kung bakit hindi pa kami bumubuo, ang laging sagot: " Ibibigay ng Diyos yun sa tamang panahon " , " In God's Time ". Pero ngayon eto na sya, pero medyo nagdoubt padin, isang test lang binili ko kaya ayoko muna itext si Fluffy. Pagdating ng mom ko sa bahay, kalmado kong sinabing positive yun test. Tuwang tuwa si madir finally magkaka apo na sya sakin. Kinalat ko sa sahig yun pregnancy test para pagdating ni Fluffy makikita nya kagad. Pagdating ng gabi, pagkauwi ni Fluffy nakita nya kagad yun kinalat kong PT. Tinanong nya ko kung totoo ba yun, sagot ko hindi ko alam. Napatakbo tuloy sya ng di oras sa Mercury para bumili pa ng isa. Nagtest uli ako at dalawang linya uli ang lumabas. Umiyak si Fluffy ng makita ang result, tumawag kagad sa kanila para sabihin ang magandang balita. Tuwang tuwa mga biyenan ko dahil unang apo nila si baby.

Nagpacheck up kagad kami para makasigurong totoo ang result ng PT. Sinabi ng doctor na 1 month na si baby. Naexcite ako iniisip ko kung ano ba mapaglilihihan ko at kung anong prutas ang ipapahanap ko kay Fluffy. Basta wag ko daw sya paghanapin ng prutas na kaimposiblehan tulad ng prutas na my buto pero ang ipapahanap ko sa kanya eh walang buto, yun mga ganung tipo ba. Third week ng February, dito na nagsimula ang paglilihi na hindi ko inakalang ganun pala.

Nagsimula na yung hilo, mabilis mapagod at eto ang pinaka matindi.. ang magtawag ng uwak ng buong araw. Sabi nila morning sickness so ibig sabihin sa umaga lang dapat mangyari yun pero sakin 24/7. Kahit tulog, gigising lang para sumuka. Matinding challenge yung nasa opisina, may kausap na kliyente tapos mapapatakbo sa CR para lang magthrow up. Pagbalik sa kliyente ubos na energy para makipag usap, naubos na sa CR. Sabayan pa ng spotting na ayaw tumigil. Sobrang selan ng aking pagbubuntis. Pero titiisin ko ang lahat ng yan para kay baby. Madalas na ang pag absent hanggang sa pinagpahinga na ng 2 weeks ng doctor para matigil ang spotting. Buong araw nakahiga sa bahay, walang ganang kumain, walang laman ang tyan kundi tubig at buong araw sumusuka ng laway, kapag tumayo para pumunta ng CR sobrang hinang hina at walang energy. Nag aalala ako kase walang nutrients na nakukuha si baby dahil wala akong kinakain. Sobrang wala talaga kong gana kahit anong tikman ko feeling ko weird ang lasa. Kahit tubig sakin may lasa. Anlaki ng binagsak ng timbang ko, medyo nag alala yun doctor. Pinayagan nya kong kumain ng ice cream, halo halo at kung ano ano pang malalamig na pagkain pangtanggal suya ata yun. Tinanong ko si doctora kung hanggang kelan tong paglilihi, ang sabi nya hanggang 4 months. Antagal naman hindi ba pwedeng hanggang 3 months lang yung pagtatawag ng uwak, nakakaubos energy. Tinanong nya ko, ano gusto mo.. naglilihi oh hindi naglilihi? Napaisip ako, mas gugustuhin ko ng naglilihi kase ibig sabihin buntis ako kesa yung hindi naglilihi dahil walang baby. Happy narin at naexperience ko yun dahil may naisheshare ako sa mga ibang buntis at nakaka relate sa mga ibang nagbuntis na nakaranas din ng naranasan ko. Naranasan kong magtawag ng uwak sa CR ng SM, dito sa opisina at ang pinaka matindi sa V.Mapa sa ibaba ng LRT station, nakakahiya daming pipol.

Ngayon 4 months na si baby, unti unti ng bumabalik yun sigla ko sa pagkain. May araw na weird yun panlasa at walang ganang kumain pero may araw din na sobrang gana naman. Nabawasan na din yun pag throw up, napipigilan ko na sya. Naeexcite nadin kaming malaman kung ano gender nya, ok lang kung lalaki or babae, ang importante samin ni Fluffy ay healthy sya at walang problema.