Ang tao, nag iiba ang pananaw sa buhay habang tumatanda.. nagiging kuripot! (or ako lang yon). Hindi ako inggitera pero sino bang hindi macucurious kapag madalas ka makakita ng pagkain sa Facebook diba?! Unang papasok sa isipan mo, "Ano kaya lasa nito?!". So para matigil na, si Fluffy nilibre kami ng La Lola sa Eastwood.
We ordered 6pcs Churros Clasicos with Chocolate dip and 6 pcs ChocoChurros (Churros dipped with Dark Chocolate). Nakalimutan ko ang price parang nasa Php400+ ata.. mahal noh?! hahaha again, mahal na para sa isang kuripot na tulad ko ang ganyang halaga. Kung nung dalaga ko, kiber kiber lang sa price, ngayon kelangan ayusin ng mabuti ang pagba-budget. Una naming tinikman ang ChocoChurros, hindi ko nagustuhan, makunat at dugyot sa kamay. Try nyo nalang kung nacucurious din kayo baka magustuhan nyo, iba iba naman kase taste nating lahat. Ang Churros Classic naman, sobrang malinamnam, crunchy sa unang kagat then soft sa loob ng bibig. Hindi naman ako nag sisi na sana pala puro Classic nalang inorder namin kase baka hindi rin ako tumigil kakasabi kay Fluffy na "ano kaya lasa nung ChocoChurros" hahaha.
Sa mga hindi pa nakaka try kung meron man na late bloomer tulad ko, mas masarap yung Churros Classic, yung bagong hango sa lutuan.