Ang tao, nag iiba ang pananaw sa buhay habang tumatanda.. nagiging kuripot! (or ako lang yon). Hindi ako inggitera pero sino bang hindi macucurious kapag madalas ka makakita ng pagkain sa Facebook diba?! Unang papasok sa isipan mo, "Ano kaya lasa nito?!". So para matigil na, si Fluffy nilibre kami ng La Lola sa Eastwood.
We ordered 6pcs Churros Clasicos with Chocolate dip and 6 pcs ChocoChurros (Churros dipped with Dark Chocolate). Nakalimutan ko ang price parang nasa Php400+ ata.. mahal noh?! hahaha again, mahal na para sa isang kuripot na tulad ko ang ganyang halaga. Kung nung dalaga ko, kiber kiber lang sa price, ngayon kelangan ayusin ng mabuti ang pagba-budget. Una naming tinikman ang ChocoChurros, hindi ko nagustuhan, makunat at dugyot sa kamay. Try nyo nalang kung nacucurious din kayo baka magustuhan nyo, iba iba naman kase taste nating lahat. Ang Churros Classic naman, sobrang malinamnam, crunchy sa unang kagat then soft sa loob ng bibig. Hindi naman ako nag sisi na sana pala puro Classic nalang inorder namin kase baka hindi rin ako tumigil kakasabi kay Fluffy na "ano kaya lasa nung ChocoChurros" hahaha.
Sa mga hindi pa nakaka try kung meron man na late bloomer tulad ko, mas masarap yung Churros Classic, yung bagong hango sa lutuan.
Ang tao, nag iiba ang pananaw sa buhay habang tumatanda.. nagiging kuripot! - Agree! haha
ReplyDeleteLate bloomer din mey. Kung hindi pa nangibang-bansa hindi makakatikim ng churros. Chos! ^_^
Admin, if not okay please remove!
ReplyDeleteOur facebook group “selfless” is spending this month spreading awareness on prostate cancer & research with a custom t-shirt design. Purchase proceeds will go to cancer.org, as listed on the shirt and shirt design.
www.teespring.com/prostate-cancer-research
Thanks
Kumusta na..salamat sa pagiging bahagi sa walong taon ng blog ko..thank you....isa ka sa pinapasalamatan ko....
ReplyDeleteHappy 8 years......
dropping by :)
ReplyDeletenaka relate lang din kuripot din kasi ako :)
keep on blogging :)
Nakatikim lang din ako dahil nilibre ako. Di kaya ng bulsa ko ang La Lola.
ReplyDelete