Showing posts with label Lakwatsa. Show all posts
Showing posts with label Lakwatsa. Show all posts

Sunday, December 13, 2009

World Bazaar: Bro, Ikaw ang Star ng Pasko


Maraming Christmas bazaar ang naglipana ngyon at isa na dito ang World Bazaar Festival. Eto ay isang alternatibong lugar na puntahan para makapamili ng gifts ngyong pasko.


Nag sama ang Worldbex at ABS-CBN para maisatupad etong Christmas Bazaar na nagsimula noong Dec 4 at magtatapos sa Dec. 16. Dito ay makakapamili ng murang toys, damit, accessories, perfume at kasangkapan sa bahay. Ang kikitain ng Worldbex at ABS-CBN ay mapupunta sa rehabilitation ng Ilog Pasig.

Syempre hindi ako magpapahuli, pumunta ako noong Dec. 8 para makapag contribute din sa nasabing project na rehabilitation.



Pag pasok namin ay bumungad kagad ang nag gagandahang halaman tulad ng poinsettia.


Nang nasa kalagitnaan na kami ay nakita naman namin ang Belen na sumisimbolo sa kapanganakan ni Jesus.


Ang mga magpaparticipate sa festial ay makakapamili ng murang regalo at the same time ay makakatulong sa project ng Kapit Bisig para sa Ilog Pasig.

Friday, November 27, 2009

Meralco Christmas Exhibit

November 20, 2009

Pumunta kami nila mcdoh, jim at payat sa Meralco para ifeel ang magandang ambiance sa compound nila. Pwedeng pumasyal ng libre at isama ang buong pamilya.


ang malaking Belen sa harap ng building ng Meralco. Tignan nyo kung gano ako kaliit sa picture.


Makikita nyo sa likod ko yun malawak na compound na kinatatayuan ng Belen at mga iba pa nilang display para sa exhibit. Napaka ganda ng view sa Meralco.


Ang malaking sheep.

Thursday, November 19, 2009

The Library



Nung nasa Adamson pako, tuwang tuwa ako kapag my magcoconcert sa school namin. Kadalasan galing sa Kapuso network ang mga artista. Pinaka inaabangan ang Alumni Home Coming dahil si Mamu ang nagdidirect at nag oorganize ng Show. Aaminin ko nung una hindi ko sya kilala dahil Kapamilya ako at bihira lang manood ng Kapuso. Kay payat ko nalaman na si Mamu ay director at handler ng mga ibang artista sa siyete. Si payat sobrang kapuso yan, nakikipag patayan pa yan para lang ipagtanggol ang paborito nyang Eat Bulaga. Hindi nga ako aware sa mga palabas ng Eat Bulaga at kung sino sino mga artista nila.

Nakaattend ako ng Alumni Home Coming nung 2006 kahit hindi pa ko graduate. Bago yun pinaka reunion ng saturday, merong concert ng mga artista ng biyernes. Tuwang tuwa si payat dahil puro mga taga Eat Bulaga ang mga artistang dinala ni Mamu. Si Wally, Jose at si Kimpi ang iilan sa mga artistang kilala ko. Naaliw ako kay Wally at Jose sa galing nila magpatawa dahil kasikatan ng pag iimpersonate ni Jose kay Bamboo nung panahon na yun.

Nung pinaka reunion na ng sabado, pinakilala si Mamu sa lahat ng tao na umattend ng Alumni. Nagpalakpakan ang lahat dahil andae nyang nagawa at naitulong sa Adamson. Nakakatuwa dahil hindi pala nagpabayad si Mamu sa hirap, pagod at puyat na ginawa nya para mapaganda ang show. Kinwento niya kung pano nabuo at nagsimula ang The Library. Nung nasa Adamson pa sya, madalas nyang tambayang ang library. Dahil sa my pagka maingay, madalas sya mapagsabihan ng mga librarian na wag sya maingay. At dahil dun, nabuo ang concepto na magpapatayo sya ng sarili nyang library na pwedeng magingay at walang magbabawal sa kanya.

Gusto ko makapanood ng show sa The Library, yun nga lang Bar yun malamang kelangan ko ng budget. College palang ako nun at kelangan magtipid dahil 100 lang ang baon ko. Sabi ko kay payat, kapag ako nagkatrabaho at my sweldo na, makakapunta din ako sa dun.

After graduation nagkaron kagad ako ng trabaho, yun nga lang sa gabi ang pasok ko. Bihira lang ako makasama sa mga bar and gimmicks kase kadalasan Friday gumigimmick ang mga kaibigan ko. Friday daw kase ang schedule para sa mga kaibigan at ka opisina. Saturday ang schedule para sa mga boyfriend at girlfriend. Sunday ay family day, pahinga at my pasok na kinabukasan.
Nakapunta na ako sa ibang bar sa Timog at lalo na dito sa Eastwood dahil dito ko nagtatrabaho. Nakapunta na ako sa Laffline at Klownz pero iniisip ko padin na sana makapunta ako sa The Library na kung tutuusin ay mas malapit samin.

After 3 years......

Sept 28, 2009 finally naging morning shift ang schedule ko, 8am to 5pm. Kelangan ko sulitin ang pagkakataong dahil panandalian lang ito.

October 17, 2009 Friday sinundo ko si payat sa Makati. Ang plano lang ay kakain kami pero wag sa Makati dahil mahal. Sabi nya sa Malate nalang baka my murang kainan dun or sa Robinson's Manila. Nasa jeep kami bigla nalang namin naisip na eto na ang pagkakataon para makapunta sa The Library. Excited ako dahil makakapunta na ako sa wakas.

Entrance fee is 200 at sa gilid kami pumwesto dahil ayaw namin ma-okray. Umorder kami ng calamares, chicken lollipop at onion ring. Usually sa mga bar small servings lang, pang pulutan lang talaga kaya tatlo inorder namin dahil hindi pa kami kumakain ng dinner. Nagulat kami sobrang big serving pala sila, pang 2-3 person ang isang order. Dalawa lang kami ni payat na uubos nun.

Nagsisimula na yun show nun pumunta kami, tuwang tuwa ako kay Wendy (Wendell daw real name nya) at lalo na kay thomas. Gustong gusto ko yun part na kapag my nagrerequest ng song lahat sila asa harapan at isa isa sila kakanta ng mga stanza. Tawa ako ng tawa kay Thomas walang ka effort effort magpatawa. Isa na sya sa mga stage comedian na favorite ko, una si Vice Ganda at second si Thomas.

Pangalawang punta namin Friday uli, na sad naman ako dahil wala si Thomas. Nag enjoy naman ako sa mga show ng mga bakla na mga naka costume. Kung saan saan sila sumusulpot papuntang stage, meron sa gilid, sa itaas nagugulat nalang kami bigla.

Friday na naman ngyon, parang nakakaaddik ang pumunta dun, tanggal stress at pagod talaga. Mamya hindi ako makakapunta dahil pupunta ako sa Meralco sa maraming Christmas lights. Di bale meron pang susunod na biyernes. :D

Friday, August 7, 2009

Barasoain Church


August 2, 2009 Sunday
Pumunta kami sa Malolos para dumaan sa Barasoain Church.

Excited ako na makikita ko uli ang isa sa mga oldest Church na itinayo nung panahon ng mga kastila. Pero medyo nalungkot ako nung parang nag iba ang itsura ng park sa harapan ng simabahan.

Medyo nanibago ako kase hindi yun yung naaalala kong church prang anlaki ng pinagbago. Siguro kase nirerenovate yun labas nya ginagawang modern yun place.
Naalala ko pa may wishing well sa gilid ng church near the museum, pero hindi ko na sya nakita. Siguro hindi ko lang masyadong nalibot yun place unless tinanggal nadin nila yun. Sayang sana i-maintain nalang nila to preserve the historic place kesa irenovate nila to look new and modern.





La Mesa EcoPark



Me and my college friends went to La mesa Eco Park. We don't have a car so we took a cab to get there. Our meter from Cubao to Fairview was only 120 but we gave manong additional 20 for a tip ;-)

The entrance fee is 50 pesos and syempre the entrance fee for boating, swimming and for the other outdoor activity was not yet included sa P50 na yan. hahahaha.. ano kayo sinuswerte.

The entrance fee for the Swimming pool is P80. If you will rent a boat for boating it's P100 and it's only for 30 mins. For the Butterfly farm, the entrance fee is P25.




The place is very quiet and relaxing. Sayang hindi ko dala si Pachuchay (DSLR), ansarap mag shoot ng mag shoot. I love to take picture of a tree, bihira nalang kase makakita nito sa city. Ginamit ko nalang yun iphone ko pra mag take ng pictures buti nalang maganda ang mga shots.


We went there on a regular day Wednesday so there weren't many people and just a few couples. Konti palang nalilibot namin, we get tired kagad because the place was so huge. It's a good thing na may prang kubo na pwedeng pahingahan. Actually it was for rent but because wala namang tao and walang makakakita, naki higa kami dun pra magpahinga.



Hindi pa namin nalilibot yun place when it started to rain. Badtrip sayang, we're planning to rent a boat pa naman and to see the butterfly farm. But still nag enjoy padin ako kahit saglit lang kami. Panigurado babalik kami jan and this time dala ko na si Pachuchay (DSLR)