Sunday, November 22, 2009

Johnny Rockets


October 28, 2009

Concert ni Jim Brickman kaya inaya ko si payat pumunta dito Eastwood. Nanggaling pa si payat sa Makati dahil dun sya nagwowork. Ako, dito lang naman ako sa IBM building. Past 8 na, Pilipino time nga naman at hindi padin nagsisimula gutom na kami ni payat. Libot libot muna kami naghahanap ng makakainan. Nakita namin un mga waiters and waitresses ng Johnny Rockets mga nagsisisayawan. Naaliw na naman kami ni payat at dali dali naming hiningi ang menu nila. Narinig naming tumutugtog na ang piano kaya naisip namin na bumalik muna sa concert at babalik nalang kami dito pagkatapos.

Hirap tumugtog si Jim Brickman dahil my technical problem daw ang piano sa harap nya. Humihingi sya ng technician para ayusin at makapag simula na sya. Ang sabi nun host eh the show must go on, ang sagot ni Jim this is not what i plan. Medyo iritado sya dahil ayaw tumugtog ng mabuti ng piano. Medyo nangalay na kami kakatayo at siguro dahil sa gutom, nagdecide kami ni payat bumalik sa Johnny Rockets.

Pagpasok namin diretso kagad kami sa gilid para ifeel ang malambot nilang upuan. Inorder namin yung #12 Burger Php 335 at Original Shakes Malts Strawberry Php215. Tinanong kami nun waitress kung gusto ba naming ipahati sa gitna yun burger, reaction ko: .. uy malaki ang burger nila.

Original Shakes Malts Strawberry Php215


Habang inaantay namin yun order namin, pumalakpak ang mga waiters and waitresses para makuha ang attention naming mga customers. Tumugtog ang jukebox at sinabayan nila ng sayaw. Nakakaaliw dahil pati managers nila kasama nilang sumayaw.. hahahaha..

Sinerve na samin ang Shake Malts Strawberry, nagtataka kami bakit my stainless na basong kasama. Pagtingin namin.. pang refill pala sya.. uy sosyal my refill na kasama. Sinunod na sinerve ang burger, hinati na nila sa dalawa at my kasamang ketchup na kinortehan nilang smiley, ang cute. Una naming tinikman ang shake, gravecious.. eto yung hinahanap kong lasa ng shake na dati kong natikman sa Pancake House sa Eastwood na hindi na nila maulit. Sobrang yummy and mouthwatering yun shake. Sabi dun sa napanood ko sa TV. igargle yun shake para maging strong yun taste. My pagka gross pakinggan pero tinry ko padin, shocks lalo syang naging mouthwatering.

I recommend na itry nyo yun shake nila, the best ang lasa. apir*

No comments:

Post a Comment