April 11, 2010
May kasunduan kami ni payat na sa susunod na sweldo nya ay ililibre nya ako ng marasap na ice cream or dessert na ipopost ko sa blog ko. Dapat sa Makati kami pupunta para sa part 2 ng Gelatissimo pero sabi ni payat mas maganda kung iba muna ang ipost ko.
Pumunta kami sa Trinoma para maghanap ng makakainan and nakita namin ang Five Cows.
Medyo nahirapan kami magdecide ng oorderin dahil lahat mukhang masarap sa picture.
Meron akong nakitang kakaiba pero medyo may kamahalan sya. Ang FLAMING ALASKA at SMORES.
Unang sinerve ang Smores at syempre pinikturan namin ito.
Smores Php 100 Melt in your mouth toasted mallows a top a hefty serving of chocolate smothered chocolate ice cream in graham butter cookie crust
Si payat gusto magpakuha ng picture kasama ang smores
Then biglang pinatay ng waiter yung ilaw at kinalembang ang baso. Nagtataka kaming lahat bakit kelangan patayin ang lahat ng ilaw nila at tawagin ang attention ng lahat ng customers. Hmmm.. nakaka curious.. tapos nilapag sa tabi namin ang kakaibang puting icing.
Tinanong kami ng waiter na nasa harapan namin kung ready na ba kami sa aming makikita at biglang sinindihan na ng apoy ang maliit na stainless na baso.
Naririnig namin sa paligid ang mga nagbubulungan na ibang customer na nahihiwagaan kung bakit may apoy. Binuhos na ang apoy sa ice cream.
Hinayaang mag apoy ng ilang seconds ang white icing
At ayan na ang resulta ng Flaming Alaska. :D
Flaming Alaska Php 275
Home made sponge dome filled with assorted ice cream cookies, nuts and frosted with swiss merengue.
Nagpapicture kami ni payat kasama ang dalawang ice cream na inorder namin.
Hanggang sa susunod na blog uli..
Sarap! Nakakain na rin ako dito. :) Da best! :D
ReplyDeleteang mahal naman ng ice cream na yan hahaha... hmmmm matry nga!! hehehe
ReplyDelete