Naimbitahan kami ni payat sa isang restaurant para tikman ang pinagmamalaking chicken barbeque Inasal ng Capiz at Aklan. Marami ng naglitawang inasal sa tabi tabi pero may kakaiba daw sa inasal ng Chicken Ati-Atihan. Sige nga at matikman yan.. hmmmm...
Napaka accomodating ng mga tao, lahat sila naka smile para nga ganahan kumain ang mga taong pumapasok sa loob ng kainan.
Inorder namin ang house special nila ang Delicious Chicken Ati-atihan Php 86 at Pepsi Php 23. Oh diba bongga sobrang affordable ng menu nila. Then hinanap namin ang manager ng naturang kainan, si Ms. Meann.
Kaboom.. Ganda ng manager, winner!! ang swerte naman ng asawa na itago natin sa pangalang Wilbert.
Hinatid na ang order namin na Chicken ati-atihan at ang Pepsi. Kung mapapansin sa imahe sa ibaba ay makikita ang katas sa ilalim ng manok. Itsura palang sobrang nakakatakam at nakakagutom na.
Hindi ko mapigilan ang aking sarili at gusto ko sya kuhanan ng kuhanan ng litrato. Eto naman si payat, kalabit ng kalabit sakin dahil gusto na nya kainin un manok. Sige na nga at binigay ko na ang Go signal ko.
Pinaghalo ko ang katas ng manok at ang kanin ko para maging Chicken teriyaki rice.. Uhmmm Uhmmm.. yummylicious..
Tinawag kami sa may kusina para makita ang behind the scene ng pag gawa ng Sizzling Sisig with Egg sa halagang Php 95 (sobrang affordable tlga)
Ang nagliliyab at nag aapoy na sisig!! Sizzling na sizzling.. yummy
kung mapapansin nyo ay naguumapaw sa ingredients ang halo halo nila. As in special halo halo talaga. Sa dae ng sangkap hindi ko sila maalala lahat hahaha..
Eto lang ang aming binayaran. Salamat sa Special Sizzling Sisig with Egg at Special Ati-Buko Halo Halo. The Best ang lasa at sarap.
Hanggang sa susunod na Blogaboom uli..
Chicken Ati-Atihan
4/fr Victory Central Mall. Caloocan City
Kaboom!!! I wanna eat there as well... bonding tayo ng Team Bravo jan...
ReplyDeletePWEDE!!!.. nang maiblog na rin.. hehe :D nakakagutom gepz!
ReplyDeletesarap naman...sana pag punta ko may libre din...hehe
ReplyDeletesarap!
ReplyDeletenakakatakam
ReplyDeletesarap naman. sa victory mall sa may monumento ba yan?
ReplyDeleteopo sa monumento po sya.. :D
ReplyDelete