Malapit lang kami prehas ni payat sa Quiapo pero hindi namin alam ang eksaktong lugar ng Ma Mon Luk kaya pinagtanong pa namin. Habang naglalakad kami sa bangketa ay bumungad samin ang malaking karatula at bigla akong napa smile.
Pag pasok namin ay nagulat ako andaeng taong kumakain at walang available na table. Sabi ko kay payat, wow kahit sobrang lumang luma na nitong lugar na to andae padin kumakain. Habang nag aantay ng matatapos ng kumain ay tinignan ko muna ang buong paligid. Andaeng nakapaskil sa wall nila puro mga newspaper na naka frame, mga recognitions and kung gano kasarap ang pagkain. Isa pa sa napansin ko ay sobrang napag iwanan na talaga ng panahon ang kainan, luma na ang mga silya nila at hindi ko na idedetalye pa ang iba. Nalungkot ako bigla sa nakikita ko dahil parang napapabayaan nila ang lugar pero bilib ako sa mga customer dahil talagang suki sila.
Nakaupo din kami sa wakas pero sa may malapit sa lutuan ng siopao. Grabe sobrang init, para kaming asa sauna. Summer pa naman ngyon at walang hangin na pumapasok galing sa labas dahil natatabunan ng mga tyangge. Yun ceiling fan nila parang nung panahon pa ng kastila at sobrang hina. Hindi talaga kami inaabot ng hangin pero sige ayos lang basta matikman lang namin ang pagkain.
Umorder kami ng isang special siopao Php 55, dalawang special Mami Php 95, isang coke Php 25 at tatlong special siopao na balot pasalubong.
Hinatidan kami ng apat na basong tubig kahit umorder kami ng coke at maya maya ay kasunod na ang mga order namin.
Medyo may kamahalan ang special Mami nila nung unang tingin ko sa sinerve saming bowl ng noodles. Pero nung natikman ko na ang sabaw at ang laman ng mami ay naintindihan ko na kung bakit ganun ang presyo nila. Sobrang naguumapaw sa laman at hindi nakakabitin ang noodles. Sulit naman pala ang binayad namin dahil masarap ang mami.
Isa lang ang inorder namin ni payat na siopao kase nakita namin na malaki ang siopao na sineserve nila. At hindi kami nagkamali, malaki nga sya at pwedeng hatiin sa dalawang tao kung mahina lang kumain. Napansin ko sa siopao nila ay medyo brownish ang color ng bun at hindi tulad ng nakikita ko sa 711 at Chowking na sobrang puti ng bun.
Hinati na ni payat ang siopao at nilagyan ng sauce. Grabe sobrang malinamnam kahit bun palang ang nakakagat ko. Hindi tulad ng siopao ng iba na lasang papel or walang lasa ang tinapay. Tama nga ang mommy ko, sobrang sarap ng siopao nila at hindi mahahanap sa iba ang lasa. Buti nalang at umorder ako ng dalawang siopao pa pasalubong sa mommy ko at miryenda ko na din. At may pasalubong din si payat sa mama nya.
Kung mapapansin nyo ay andaeng tissue na nagkalat sa lamesa namin. Eh pano sobrang init na parang sauna ang lugar dahil walang kahangin hangin talaga. Nagkataon na walang dalang panyo si payat. Ang sabi ay kaya hindi nila pina aircon ang lugar kahit noon pa ay dahil magiiba ang lasa ng noodles. Mas masarap daw ubusin ang mami at siopao ng mainit dahil kapag may aircon malamang asa kalagitnaan palang ng pagkain eh malamig na ang mga ito. May point nga naman sila.
Eto ang pinabalot naming siopao na dinagdagan nila ng maraming sauce.
Eto kami ni payat pagkatapos kumain sobrang pawis sa init ng panahon at dahil walang hangin na pumapasok sa pinto at walang bintilador.