Monday, November 22, 2010

Bitin na Kwento


Last Saturday, my pinuntahan kami ni fluffy sa Malate. My hinanap lang kami, tapos diretso sa Doroteo Jose. Malamang itatanong nyo kung ano inasikaso namin, sa susunod malalaman nyo din, bibitinin ko muna kayo.


My gusto kase ako ipakita kay fluffy, nagustuhan naman nya yung place, bago lang kase sila 2 yrs palang. Gustong gusto ko talaga yung place, sana maging maayos ang lahat.

Sobrang bitin ba? Sa susunod promise..

Friday, November 12, 2010

First Date sa Starbucks


Nung nasa Eastwood pa kame nagwowork, pinakilala sakin ni Marinela si Gloria Jeans. Nung una kamustahan lang kami ni GJ hanggang sa nabaliw ako sa kanya. Araw araw ko na sya binibisita simula nun, na parang hindi ko kayang tapusin ang buong araw hanggat hindi ko sya nadadaanan bago umuwi ng bahay. Sa sobrang kabaliwan ko sa kanya, dumudukot ako ng buto ng kape sa gilid ng cashier at ikikiskis sa panyo para hanggang nasa byahe naaamoy ko ang halimuyak nya. Kapag wala ng bango ang buto ng kape, isosoli ko kinabukasan. baet ko noh..

2 years ago, napromote kame ni batang bibo mrs romantiko at fluffy sa trabaho. Tinawag naming Thursday group ang bagong pagkakaibigan naming apat. eww corny ba?! Malamang, nagtataka kayo bakit naging apat eh tatlo lang kami napromote, xmpre isingit nadin natin ang aking besplen na si mr. romantiko. Uy, nakangiti si sanchor!

Unang nagkadebelopan si besplen romantiko at si bibong bata, kaya ngayon sya na si mrs. romantiko na besplen ko nadin. Madalas kami kumain ng pizza, hati hati kami sa bayad. at laging lugi ako kase isang slice lang nakakain ko palage! At doon nagstart ang pagiging close namin ni fluffy, dahil sya kumakain ng second slice ng pizza ko. Minsan nag eexperiment kami ng makakain, kahit ano lang basta makapag bonding kaming apat. Aktuali, date date-an ni mr. romantiko at bibong bata yun chaperon kami ni fluffy. LOL

Madalas ng tumatambay si fluffy sa cube ko, parang kabuti na susulpot sa gilid at bigla din mag spirit mode dahil tulog na. Nagkaron pa kami ng shift na sabado na kaming dalawa lang ang tao sa opis nagkukwentuhan, Kuwentuhan lang naman buong gabi hanggang umaga... pero... pero.. hindi pa kami nadedebelop sa isat isa kase taken sya dat time at taken din ako.

After 2 years,... so, nitong taon yun.. lilipat na kami ng opisina at mamimiss namin ng bonggang bongga ang Eastwood kaya ang mga nalalabing araw todo sulit kami. Niyaya ako ni fluffy mag Starbucks, tumanggi ako nagpakipot ako dahil tutyal lang ang umiinom ng kape dun. Inisip ko, mamimiss nya ang Starbucks kaya todo aya sya eh may Starbucks din naman sa Medical City. Nakatatlong aya sya sakin, sabi ko next na aya nya papayag nakong samahan sya makipag date sa kanya..

Sakto, sweldo namin niyaya uli ako ni fluffy na samahan sya makipag date sa Starbucks. Nagmumuni muni pa kami habang naglalakad dahil sinusulit na namin ang view sa Eastwood. Nang makarating sa Starbucks, umorder ako ng chocolate chip frappuccino sabay abot ng bayad. Humirit si fluffy dahil sya nag aya libre nya ko, natuwa naman ako dun kase libre. Nagkwentuhan muna kami nagpa-cute muna sa isat isa habang inaantay ang order namin. Biglang my naaninag kami sa gilid, si mr. and mrs romantiko nakasilip samin. Hala huli kami! Si mr. and mrs romantiko ang unang nagbigay ng malisya sa unang pagtambay ko unang date namin sa starbucks. Sa mga sumunod na araw, nagbago ang kilos ni fluffy, biglang nagkaron ng sweetness sa katawan.

Nakalipat na kami sa bagong opisina, nagsimula ng ayain ako makipag date kumain sa labas ni fluffy pero hindi ko nirereplyan. Pero kapag niyaya nya ko mag Starbucks sa Medical City sumasama ako.. nyahahahaha.. adik lang! Feeling close na kase ako kay Starbucks, naaapreciate ko na ang kanyang halimuyak. Pati si Goldilocks, naging ka close ko din ng di oras, lagi akong binubulaga sa locker ko.

Napapadalas na ang pagtambay namin pero hindi padin nahahalata ng ibang kaopisina. Si mr. and mrs. romantiko tahimik lang,..

Sa Starbucks din ako unang ninakawan ng halik ni fluffy.. not only once, and not twice.. but... aktuali hindi ko mabilang sa dami.. reaction ko.. deadma.. KJ ko lang.. pero kinikilig ang gaga

Galing din kami sa Starbucks ng sinabihan nya ko ng iloveyou.. sinagot ko sya ng iloveyoutoo pero hindi ko pa sya sinasagot sa lagay na yun.. gusto ko lang sabihin para alam nya kung ano din nararamdaman ko pero hindi pa kami.

Kung pano ko sya sinagot,... kami nalang ni fluffy nakakaalam nun.. mambitin daw ba.. hahahha..
Hindi ko na ilalagay dito sa entry ko kase ang title ng blog ko, First Date sa Starbucks... eh hindi ko naman sya sa Starbucks sinagot..

Thursday, November 11, 2010

Starbucks 2011 Planner


Eto na naman at hindi magkanda ugaga ang mga pipol sa paligid ligid dahil out na naman ang Starbucks Planner. Nag start ata nung November 4 kaya kahit saan ako lumingon may humihigop ng kape, malamig o mainit. Kahapon nagtataka ako bakit si mrs romantiko nangongolekta ng order sa Starbucks at syempre dahil nagkukuripot ako kaya hindi ako naki join, inshort KJ ako kahapon. Dahil medyo slowness ang aking mind, ngayon ko lang naalala na adik nga pala sya sa planner. Si mrs romantiko ang naging inspirasyon ko para mag blog ngyon!

17 stickers daw ang kelangan at merong 3 covers ang planner: Cool Clean Stainless Steal, Maroon Velvet Fabric at Stained Dark Wood Panels. Hindi kase ako mahilig sa planner pero dahil sa matulungin ako, nakikijoin ako dati sa pagpuno ng stickers. Ngayon kaya, magiipon nadin ba ako ng stickers para magkaron ako ng sarili kong Starbucks 2011 Planner para maging IN din ako or tutulong nalang ako magkaron ng stickers ang mga friends ko para Christmas gift ko nalang sa kanila. hehehe..

Wednesday, November 3, 2010

Ocean Adventure Subic


Matagal pala kong hindi nakagawa ng entry, paumanhin, medyo naging busy lang.. busy-busyhan.. hehehe..

Kung maaalala nyo pinakilala ko si fluffy sa family ko ng icelebrate ang birthday ko. 1 month na at xmpre icecelebrate naman namin ang aming monthsary.. ayieeeeeeeeee.. *blush*. Kakaiba kami mag celebrate, kung ang iba, gusto nila masolo ang isat isa.. ibahin nyo kami! Gusto namin icelebrate ang first month namin kasama ang mga importanteng tao sa buhay namin, xmpre ang family namin. Ibang level na itech..

Napag desisyonan namin na pumunta ng Ocean Adventure sa Subic. Mababaw lang naman kaligayahan ko eh, basta magbonding bonding lang at ma-enjoy namin ang lakwatsahan. Gusto ko makita ang sea lion at dolphin (parang bata lang talaga).

Hindi ko ineexpect na sobrang layo pala ng pupuntahan namin. Pinaka dulo ng Subic, at dahil hindi kabisado ni fluffy ang lugar ilang beses kami naligaw. Kawawang fluffy napagod kaka drive.


Nakakain na si fluffy nsa Xtremely Xpresso Cafe kaya sinuggest nya na jan kami kumain. Medyo may kalakihan daw ang servings dito.


Eto yung parang counter nila sa harap, maganda ang ambiance Cafe' na parang Bar na may touch ng 70's ang lugar.


Ice Tea ang inorder ni mommy, nanay at Gladys.



Eto naman ang inorder ni Imbet, Blue Lemonade ata tawag dito.
Eto ang inorder namin ni fluffy, Strawberry Lemonade. Nakakacurious, lemonade pero blue, diba dapat yellow or green? wala lang napaisip lang ako.

Menu nila sa counter


Eto ang BIG BEN pizza sakop buong lamesa. Thin and crunchy ang crust and hindi sya dry unlike sa mga ibang naglalakihang pizza, na kinulang ng sauce or kokonti lang ang toppings. Pizza nila malasa and nakakabusog talaga.

Eto ang order ni mommy, Creamy Carbonara. Sabi ni mommy nung una amoy weird daw, siguro dahil sa cheese, pero nasarapan sya. Hindi sya nakaka umay dahil nakadikit sa noodles yung sauce nya. Pang dalawahang tao yung pasta nila kaya kalahati lang nakain ni mommy at tinake out namin yung natira. Pag uwi sa bahay, infairness hindi sya napanis kahit sa tagal ng byahe namin.

Eto ang order ni nanay, nakalimutan ko itanong kung ano lasa pero sa tingin ko masarap sya.

Nakalimutan ko name nitong inorder ko parang seafood pasta at xmpre spicy. Hindi ko din naubos tong pasta dahil pangdalawahan sya. Tinake out din namin ang tira, yung kay mommy hindi napanis, eto napanis pagdating sa bahay... sayang..
Eto ang order ni Gladys, hindi ko din natanong kung ano lasa.


Dito kami pinaka na surprise sa order ni Imbet. Namili sya ng pinaka mahirap bigkasing pangalan ng menu at ang pinaka kakaiba talaga. Excited sila makita kung ano itsura ng food at kung ano ang lasa. Nang ihatid sa table namin ordinaryong meat balls lang pala. hehehe..



Kay Fluffy, baby backribs BBQ. Kasing lasa ng sa RACKS.


After namin kumain, nagmadali na kaming bumalik sa sasakyan dahil 1:45PM na. Ang alam naming start ng show ay 1PM, inshort, late na kami. Nakarating kami sa Ocean Adventure ng 2PM

Naikuha namin ng discount si Gladys, sinabi naming 10 yrs old palang sya kahit 14yrs old na sya. Sayang din yung discount. Adult Php 500 Child Php 420.
Una naming dinaanan ang Souvenir shop. Bumili kami ni mommy ng dalawang malinggit na dolphin para sa kanya at pasalubong ko kay Mrs. Romantiko.

Paglabas namin ng shop, bumungad kagad samin ang napaka gandang view. Sobrang relaxing ng view, sobrang nakaka tanggal pagod at stress.

Medyo may kainitan nga lang dahil tirik na tirik ang araw pero mahangin kaya hindi kami masyado pinagpawisan. Hindi namin maiwasang hindi mapatingin sa view sa sobrang ganda.
Dito kami nag enjoy, ang galing ng trainor ng sea lion dahil napapatawa nila lahat ng audience nila. Sakit sa tyan ang killer smile ng sea lion, sinong hindi mabibighani sa kanya.. hehehe.. Simula ng show hanggang ending, naka smile pati ang mga audience, kudos sa trainor ni simba.


Last na pinanood namin ang mga dolphin, grabe tuwang tuwa din dito ang mommy ko kase noon pa nya gustong makakita ng dolphin sa personal. Parang ako lang mommy ko, isip bata.. hahahaha.. Pero medyo bumabagsak na mata ko dito, eh pano, 24 hours nakong gising dahil galing pa ako ng trabaho.


Sobrang memorable ng first monthsary namin ni fluffy dahil hindi lang kami ang nagenjoy pati ang family nya at ang mommy ko. Sarap mag road trip, sana maulit uli kahit magkandaligaw ligaw basta masaya ang lahat. apir*