Matagal pala kong hindi nakagawa ng entry, paumanhin, medyo naging busy lang.. busy-busyhan.. hehehe..
Kung maaalala nyo pinakilala ko si fluffy sa family ko ng icelebrate ang birthday ko. 1 month na at xmpre icecelebrate naman namin ang aming monthsary.. ayieeeeeeeeee.. *blush*. Kakaiba kami mag celebrate, kung ang iba, gusto nila masolo ang isat isa.. ibahin nyo kami! Gusto namin icelebrate ang first month namin kasama ang mga importanteng tao sa buhay namin, xmpre ang family namin. Ibang level na itech..
Napag desisyonan namin na pumunta ng Ocean Adventure sa Subic. Mababaw lang naman kaligayahan ko eh, basta magbonding bonding lang at ma-enjoy namin ang lakwatsahan. Gusto ko makita ang sea lion at dolphin (parang bata lang talaga).
Hindi ko ineexpect na sobrang layo pala ng pupuntahan namin. Pinaka dulo ng Subic, at dahil hindi kabisado ni fluffy ang lugar ilang beses kami naligaw. Kawawang fluffy napagod kaka drive.
Nakakain na si fluffy nsa Xtremely Xpresso Cafe kaya sinuggest nya na jan kami kumain. Medyo may kalakihan daw ang servings dito.
Eto yung parang counter nila sa harap, maganda ang ambiance Cafe' na parang Bar na may touch ng 70's ang lugar.
Ice Tea ang inorder ni mommy, nanay at Gladys.
Eto naman ang inorder ni Imbet, Blue Lemonade ata tawag dito.
Eto ang inorder namin ni fluffy, Strawberry Lemonade. Nakakacurious, lemonade pero blue, diba dapat yellow or green? wala lang napaisip lang ako.
Menu nila sa counter
Eto ang BIG BEN pizza sakop buong lamesa. Thin and crunchy ang crust and hindi sya dry unlike sa mga ibang naglalakihang pizza, na kinulang ng sauce or kokonti lang ang toppings. Pizza nila malasa and nakakabusog talaga.
Eto ang order ni mommy, Creamy Carbonara. Sabi ni mommy nung una amoy weird daw, siguro dahil sa cheese, pero nasarapan sya. Hindi sya nakaka umay dahil nakadikit sa noodles yung sauce nya. Pang dalawahang tao yung pasta nila kaya kalahati lang nakain ni mommy at tinake out namin yung natira. Pag uwi sa bahay, infairness hindi sya napanis kahit sa tagal ng byahe namin.
Eto ang order ni nanay, nakalimutan ko itanong kung ano lasa pero sa tingin ko masarap sya.
Nakalimutan ko name nitong inorder ko parang seafood pasta at xmpre spicy. Hindi ko din naubos tong pasta dahil pangdalawahan sya. Tinake out din namin ang tira, yung kay mommy hindi napanis, eto napanis pagdating sa bahay... sayang..
Eto ang order ni Gladys, hindi ko din natanong kung ano lasa.
Dito kami pinaka na surprise sa order ni Imbet. Namili sya ng pinaka mahirap bigkasing pangalan ng menu at ang pinaka kakaiba talaga. Excited sila makita kung ano itsura ng food at kung ano ang lasa. Nang ihatid sa table namin ordinaryong meat balls lang pala. hehehe..
Kay Fluffy, baby backribs BBQ. Kasing lasa ng sa RACKS.
After namin kumain, nagmadali na kaming bumalik sa sasakyan dahil 1:45PM na. Ang alam naming start ng show ay 1PM, inshort, late na kami. Nakarating kami sa Ocean Adventure ng 2PM
Dito kami pinaka na surprise sa order ni Imbet. Namili sya ng pinaka mahirap bigkasing pangalan ng menu at ang pinaka kakaiba talaga. Excited sila makita kung ano itsura ng food at kung ano ang lasa. Nang ihatid sa table namin ordinaryong meat balls lang pala. hehehe..
Kay Fluffy, baby backribs BBQ. Kasing lasa ng sa RACKS.
After namin kumain, nagmadali na kaming bumalik sa sasakyan dahil 1:45PM na. Ang alam naming start ng show ay 1PM, inshort, late na kami. Nakarating kami sa Ocean Adventure ng 2PM
Naikuha namin ng discount si Gladys, sinabi naming 10 yrs old palang sya kahit 14yrs old na sya. Sayang din yung discount. Adult Php 500 Child Php 420.
Una naming dinaanan ang Souvenir shop. Bumili kami ni mommy ng dalawang malinggit na dolphin para sa kanya at pasalubong ko kay Mrs. Romantiko.
Paglabas namin ng shop, bumungad kagad samin ang napaka gandang view. Sobrang relaxing ng view, sobrang nakaka tanggal pagod at stress.
Medyo may kainitan nga lang dahil tirik na tirik ang araw pero mahangin kaya hindi kami masyado pinagpawisan. Hindi namin maiwasang hindi mapatingin sa view sa sobrang ganda.
Dito kami nag enjoy, ang galing ng trainor ng sea lion dahil napapatawa nila lahat ng audience nila. Sakit sa tyan ang killer smile ng sea lion, sinong hindi mabibighani sa kanya.. hehehe.. Simula ng show hanggang ending, naka smile pati ang mga audience, kudos sa trainor ni simba.
Last na pinanood namin ang mga dolphin, grabe tuwang tuwa din dito ang mommy ko kase noon pa nya gustong makakita ng dolphin sa personal. Parang ako lang mommy ko, isip bata.. hahahaha.. Pero medyo bumabagsak na mata ko dito, eh pano, 24 hours nakong gising dahil galing pa ako ng trabaho.
Last na pinanood namin ang mga dolphin, grabe tuwang tuwa din dito ang mommy ko kase noon pa nya gustong makakita ng dolphin sa personal. Parang ako lang mommy ko, isip bata.. hahahaha.. Pero medyo bumabagsak na mata ko dito, eh pano, 24 hours nakong gising dahil galing pa ako ng trabaho.
Sobrang memorable ng first monthsary namin ni fluffy dahil hindi lang kami ang nagenjoy pati ang family nya at ang mommy ko. Sarap mag road trip, sana maulit uli kahit magkandaligaw ligaw basta masaya ang lahat. apir*
yay, sweetness! meet the family na agad.. ♥
ReplyDeletehonga, ang sweetness much lang. pamanhikan mode ang dating.
ReplyDeleteansasaraps naman ng foods. nakakatakam lalo na ung blue lemonade. nakakacurious. :p
kaaliw talaga ang mga sea lions at dolphins ng Ocean Adventure... Sarap din ng food nyo ah... nakaka-gutom... makapag-lunch na nga... hehehe!!!
ReplyDeletenamiss ko na tuloy ng mga food trips natin! :P hmmmm.. kelangan ng masundan! :P alam ko na next entry mo.. haha... tunog pakain sa manok! :P
ReplyDeleteWow. this adventure makes me envious. I want to go there!
ReplyDelete