Nung nasa Eastwood pa kame nagwowork, pinakilala sakin ni Marinela si Gloria Jeans. Nung una kamustahan lang kami ni GJ hanggang sa nabaliw ako sa kanya. Araw araw ko na sya binibisita simula nun, na parang hindi ko kayang tapusin ang buong araw hanggat hindi ko sya nadadaanan bago umuwi ng bahay. Sa sobrang kabaliwan ko sa kanya, dumudukot ako ng buto ng kape sa gilid ng cashier at ikikiskis sa panyo para hanggang nasa byahe naaamoy ko ang halimuyak nya. Kapag wala ng bango ang buto ng kape, isosoli ko kinabukasan. baet ko noh..
2 years ago, napromote kame ni batang bibomrs romantiko at fluffy sa trabaho. Tinawag naming Thursday group ang bagong pagkakaibigan naming apat. eww corny ba?! Malamang, nagtataka kayo bakit naging apat eh tatlo lang kami napromote, xmpre isingit nadin natin ang aking besplen na si mr. romantiko. Uy, nakangiti si sanchor!
Unang nagkadebelopan si besplen romantiko at si bibong bata, kaya ngayon sya na si mrs. romantiko na besplen ko nadin. Madalas kami kumain ng pizza, hati hati kami sa bayad.at laging lugi ako kase isang slice lang nakakain ko palage! At doon nagstart ang pagiging close namin ni fluffy, dahil sya kumakain ng second slice ng pizza ko. Minsan nag eexperiment kami ng makakain, kahit ano lang basta makapag bonding kaming apat. Aktuali, date date-an ni mr. romantiko at bibong bata yun chaperon kami ni fluffy. LOL
2 years ago, napromote kame ni batang bibo
Unang nagkadebelopan si besplen romantiko at si bibong bata, kaya ngayon sya na si mrs. romantiko na besplen ko nadin. Madalas kami kumain ng pizza, hati hati kami sa bayad.
Madalas ng tumatambay si fluffy sa cube ko, parang kabuti na susulpot sa gilid at bigla din mag spirit mode dahil tulog na. Nagkaron pa kami ng shift na sabado na kaming dalawa lang ang tao sa opis nagkukwentuhan, Kuwentuhan lang naman buong gabi hanggang umaga... pero... pero.. hindi pa kami nadedebelop sa isat isa kase taken sya dat time at taken din ako.
After 2 years,...
Sakto, sweldo namin niyaya uli ako ni fluffy na samahan sya
Nakalipat na kami sa bagong opisina, nagsimula ng ayain ako
Napapadalas na ang pagtambay namin pero hindi padin nahahalata ng ibang kaopisina. Si mr. and mrs. romantiko tahimik lang,..
Sa Starbucks din ako unang ninakawan ng halik ni fluffy.. not only once, and not twice.. but... aktuali hindi ko mabilang sa dami.. reaction ko.. deadma.. KJ ko lang..
Galing din kami sa Starbucks ng sinabihan nya ko ng iloveyou.. sinagot ko sya ng iloveyoutoo pero hindi ko pa sya sinasagot sa lagay na yun.. gusto ko lang sabihin para alam nya kung ano din nararamdaman ko pero hindi pa kami.
Kung pano ko sya sinagot,... kami nalang ni fluffy nakakaalam nun.. mambitin daw ba.. hahahha..
Hindi ko na ilalagay dito sa entry ko kase ang title ng blog ko, First Date sa Starbucks... eh hindi ko naman sya sa Starbucks sinagot..
ayyhiiii!!! *kilig*
ReplyDeleteito pala ang history ng pinagmulan ng lahat..ayyhiii..ang sweet...
ReplyDelete..ng kape sa starbucks :D
hehehe..
At thanks to starbucks pala ang love story. How Mocha Frapuccino(sweet)!
ReplyDeleteWow, grats, madami ka na din followers. AT napansin ko puro boys ha :D hihihihihih.
Mangolekta ka ba ng istiker ng starbucks?
so sweet naman... =D
ReplyDeleteloveeeetttt!!!
ReplyDeleteAyun, oh... Tapos magkakaroon niyan ng "How I Met Your Father". Ihanda mo na ang auditions mo para kay Barney, ha... Hehehe!
ReplyDeleteSeriously, kakakilig at kakasaya ang story. Congrats ulit, sana ito na ang "happy ending" na hinahanap mo.
Sa susunod, ihostage natin si Mr. Cupido para pagbigyan naman ako ng gago... Hahaha! Cheers! :)