Friday, November 12, 2010

First Date sa Starbucks


Nung nasa Eastwood pa kame nagwowork, pinakilala sakin ni Marinela si Gloria Jeans. Nung una kamustahan lang kami ni GJ hanggang sa nabaliw ako sa kanya. Araw araw ko na sya binibisita simula nun, na parang hindi ko kayang tapusin ang buong araw hanggat hindi ko sya nadadaanan bago umuwi ng bahay. Sa sobrang kabaliwan ko sa kanya, dumudukot ako ng buto ng kape sa gilid ng cashier at ikikiskis sa panyo para hanggang nasa byahe naaamoy ko ang halimuyak nya. Kapag wala ng bango ang buto ng kape, isosoli ko kinabukasan. baet ko noh..

2 years ago, napromote kame ni batang bibo mrs romantiko at fluffy sa trabaho. Tinawag naming Thursday group ang bagong pagkakaibigan naming apat. eww corny ba?! Malamang, nagtataka kayo bakit naging apat eh tatlo lang kami napromote, xmpre isingit nadin natin ang aking besplen na si mr. romantiko. Uy, nakangiti si sanchor!

Unang nagkadebelopan si besplen romantiko at si bibong bata, kaya ngayon sya na si mrs. romantiko na besplen ko nadin. Madalas kami kumain ng pizza, hati hati kami sa bayad. at laging lugi ako kase isang slice lang nakakain ko palage! At doon nagstart ang pagiging close namin ni fluffy, dahil sya kumakain ng second slice ng pizza ko. Minsan nag eexperiment kami ng makakain, kahit ano lang basta makapag bonding kaming apat. Aktuali, date date-an ni mr. romantiko at bibong bata yun chaperon kami ni fluffy. LOL

Madalas ng tumatambay si fluffy sa cube ko, parang kabuti na susulpot sa gilid at bigla din mag spirit mode dahil tulog na. Nagkaron pa kami ng shift na sabado na kaming dalawa lang ang tao sa opis nagkukwentuhan, Kuwentuhan lang naman buong gabi hanggang umaga... pero... pero.. hindi pa kami nadedebelop sa isat isa kase taken sya dat time at taken din ako.

After 2 years,... so, nitong taon yun.. lilipat na kami ng opisina at mamimiss namin ng bonggang bongga ang Eastwood kaya ang mga nalalabing araw todo sulit kami. Niyaya ako ni fluffy mag Starbucks, tumanggi ako nagpakipot ako dahil tutyal lang ang umiinom ng kape dun. Inisip ko, mamimiss nya ang Starbucks kaya todo aya sya eh may Starbucks din naman sa Medical City. Nakatatlong aya sya sakin, sabi ko next na aya nya papayag nakong samahan sya makipag date sa kanya..

Sakto, sweldo namin niyaya uli ako ni fluffy na samahan sya makipag date sa Starbucks. Nagmumuni muni pa kami habang naglalakad dahil sinusulit na namin ang view sa Eastwood. Nang makarating sa Starbucks, umorder ako ng chocolate chip frappuccino sabay abot ng bayad. Humirit si fluffy dahil sya nag aya libre nya ko, natuwa naman ako dun kase libre. Nagkwentuhan muna kami nagpa-cute muna sa isat isa habang inaantay ang order namin. Biglang my naaninag kami sa gilid, si mr. and mrs romantiko nakasilip samin. Hala huli kami! Si mr. and mrs romantiko ang unang nagbigay ng malisya sa unang pagtambay ko unang date namin sa starbucks. Sa mga sumunod na araw, nagbago ang kilos ni fluffy, biglang nagkaron ng sweetness sa katawan.

Nakalipat na kami sa bagong opisina, nagsimula ng ayain ako makipag date kumain sa labas ni fluffy pero hindi ko nirereplyan. Pero kapag niyaya nya ko mag Starbucks sa Medical City sumasama ako.. nyahahahaha.. adik lang! Feeling close na kase ako kay Starbucks, naaapreciate ko na ang kanyang halimuyak. Pati si Goldilocks, naging ka close ko din ng di oras, lagi akong binubulaga sa locker ko.

Napapadalas na ang pagtambay namin pero hindi padin nahahalata ng ibang kaopisina. Si mr. and mrs. romantiko tahimik lang,..

Sa Starbucks din ako unang ninakawan ng halik ni fluffy.. not only once, and not twice.. but... aktuali hindi ko mabilang sa dami.. reaction ko.. deadma.. KJ ko lang.. pero kinikilig ang gaga

Galing din kami sa Starbucks ng sinabihan nya ko ng iloveyou.. sinagot ko sya ng iloveyoutoo pero hindi ko pa sya sinasagot sa lagay na yun.. gusto ko lang sabihin para alam nya kung ano din nararamdaman ko pero hindi pa kami.

Kung pano ko sya sinagot,... kami nalang ni fluffy nakakaalam nun.. mambitin daw ba.. hahahha..
Hindi ko na ilalagay dito sa entry ko kase ang title ng blog ko, First Date sa Starbucks... eh hindi ko naman sya sa Starbucks sinagot..

6 comments:

  1. ayyhiiii!!! *kilig*

    ReplyDelete
  2. ito pala ang history ng pinagmulan ng lahat..ayyhiii..ang sweet...





    ..ng kape sa starbucks :D
    hehehe..

    ReplyDelete
  3. At thanks to starbucks pala ang love story. How Mocha Frapuccino(sweet)!

    Wow, grats, madami ka na din followers. AT napansin ko puro boys ha :D hihihihihih.

    Mangolekta ka ba ng istiker ng starbucks?

    ReplyDelete
  4. Ayun, oh... Tapos magkakaroon niyan ng "How I Met Your Father". Ihanda mo na ang auditions mo para kay Barney, ha... Hehehe!

    Seriously, kakakilig at kakasaya ang story. Congrats ulit, sana ito na ang "happy ending" na hinahanap mo.

    Sa susunod, ihostage natin si Mr. Cupido para pagbigyan naman ako ng gago... Hahaha! Cheers! :)

    ReplyDelete