Siguro naman naaalala nyo si pachuchay, ang aking pinakamamahal na D40. Nag 2 years na nga pala sya nung March. Wala akong gift kay pachuchay pero si fluffy meron. Bumili sya ng tripod na pinangalanan naming trayton. Ang sabi nga ni Chyng, tripod is a couple's bestfriend kapag dalawa lang kyong naglalakwatsa at para hindi na kung saan saan pinapatong ang camera.
Nung my trayton na kami, parang meron padin kulang. After namin ma-set up si trayton at si pachuchay, kelangan pa namin magtimer, tumakbo at pumose.. medyo nakakapagod at halata sa mga pictures na nagkukumahog ang nagset ng timer. Naisipan namin ang remote para hindi na kami takbo ng takbo.
Kanina isang text lang kay brotherdear, after 2 hours hinatid sa bahay ang remote ni pachuchay. Hanggang tenga ang ngiti ni fluffy, ansarap pagmasdan. Yun nga lang pinuyat nya ko kakasample nya ng picture, kahit nakapikit nako, sige padin sa kaka try sa remote. But nwei, okay lang kahit puyat basta masaya kami dahil hindi na nagiisa si pachuchay. Meron na syang trayton at meron na syang remote pero hindi ko alam kung ano ipapangalan ko kay remote. hayz.. bahala na..
sa susunod ang plano naman ni fluffy, bumili ng prime lense. naaadik na ata si fluffy kay pachuchay. buti naman at nagkakasundo sila at nagkagaangan ng loob.
naks. sana may remote din ang digicam. may tripod na ang aking si tordie. ahahaha.
ReplyDeletebasta masaya ako sa mga hobbies natin...basta humanda ka Prime Lens... i love you basta ikaw basta maging masaya ka ok ako
ReplyDeletekakabili ko lang din ng tripod at remote pero minsan nag se self timer pa rin ako pero 5 shots. hahahah! Pag tamad lang pumindot at gusto tuloy tuloy ang shots.
ReplyDeleteNice tripod with remote planning to buy one for my boyfriend.For nice photo shoot of us.
ReplyDeleteang saya naman nito. :D dati basta me gadget ka oks na... ngayon para mas kumpleto dapat me gadget din ang gadget. :)
ReplyDeletenice naman. ano nga bang ipapangalan mo sa remote?
ReplyDeleteNice. How much ang bili mo sa remote teh? Bibili rin ako para sa slr ko para maksali naman ako sa pictures ehehehehh.
ReplyDelete:) PLease Follow my blog too if you can..
Tama kailangan ng tripod para makasali sa piktyuran hehehe. Ako sa mga family events laging wala sa picture kasi ako ang taga-kuha. Sige, pag-iipunan ko na rin yang tripod. How much yang tripod na nakuha mo?
ReplyDeleteTripod is a must talaga! Without it wala siguro kaming pics magkasama ni papa Erick sa mga holidays namin. May name ka na ba para kay remote? Haha, aliw naman ako may name ang mga gadgets mo! Talagang part of the family =)
ReplyDeleteHaha parang mga tao talaga ah ehehe
ReplyDeleteAno kaya magandang pangalan ng remote? Hmm.. =P