Nung una pinagpapasensyahan ko pa sila pero sinagad nila ko. Ayoko sanang gawin to dahil alam kong possible makasira ng buhay tong iba-blog ko pero sinisira din nila buhay ko sa pamamagitan ng pang aabala nila sakin at pagpapasakit ng ulo.
History:
10 or 11 years na tong plan na gamit ko sa Globe. 5 years na nasa sister ko yung number then after graduating from college pinamana sakin ng sister ko yun line. 2006 binigay sakin ng sister ko yung libreng phone and yung line ng Globe. Since then we were trying na matransfer sakin yun ownership nung plan. Ang requirements "DAW": Valid photo of my sister, valid photo of me, proof of billing or statement of account and authorization letter from my sister. Ilang beses namin pinrocess yan and laging hindi naaapprove. Reason..? reason nila bulok, hindi daw nila mahanap yun requirements na sinend ko or binigay ko. at kung ano ano pang reason ang binibigay nila. Kesyo hindi na daw recent yun proof of billing (kahit recent lang at fresh na fresh pa sa Smart telecom center na katabi lang ng Globe center sa Mall) kesyo malabo yung pagkaka scan ng picture. Hindi makita yung pirma sa ID at kung ano ano pang kabulukan ang pinagsasasabi nila. Hanggang sa gumiveup nalang kami ng sister ko, narindi kami.
Reason namin kung bakit gusto namin itransfer sa name ko yun line, kase kapag nag oover charge sila or biglang my lumalabas sa bill ko na gumamit ako ng internet kahit hindi naman eh yaw nila iprocess yun request ko dahil hindi daw ako yung owner. Kapag ang sister ko naman ang tumawag, ayaw din nila iprocess dahil hindi daw yun sister ko ang gumagamit.. eh sino gusto nyo tumawag para iprocess yan..? pinalalabas nilang wala kaming option at choice kundi bayaran yun internet usage na hindi ko naman ginamit at pinakinabangan.
We tried so many times na sabihin sa kanila na ipapa-cut nalang yun line at gustong gusto na namin ipa cut tlga yun line and hindi na namin gagamitin yung sim. Requirements daw: authorization letter (again!) or tumawag lang sa hotline nila. Ilang beses kami tumawag pero pinadadalhan padin kami ng billing statement at laging nagdidisappear yun record sa kanila na tumawag kami ng sister ko para ipa cut yun line. at pinalalabas pa kaming sinungaling dahil wala daw silang record na pinapacut namin yun line. laging iba ibang agent nakakausap namin at iba iba din ang sinasabi nila. pakshiyet lang diba.
Anong petsa na! 2011 na, until now my problema padin kami sa pagpapa cut ng line. Ayaw nila ipatransfer sa name ko yung plan. Ayaw nila icut yun line, paiba iba sila ng statement. paiba iba sila ng process. paiba iba sila ng mga pinagsasasabi.. Siguro hindi lang naman ako ang nakaranas nito sa customer service ng Globe. Mas gugustuhin ko pa nga customer service ng Smart never sumakit ulo ko sa Smart Bro ko. Kapag nawawalan ako ng internet connection, pumupunta kagad sila sa bahay after an hour at chinecheck yun computer ko. At tatawagan pa nila ko to ask kung okay ba yun service na binigay nila at fix na daw ba yun net. as in never ako nagkaproblema sa Smart.
Sa ngayon hindi ako makapag isip pa dahil sobrang init ng ulo ko, dami ko reklamo sa service ng Globe. Hindi ko maisip ngyon dahil sobrang sama ng loob ko dahil anlaki na naman ng bill ko kahit hindi ko naman ginagamit yun internet.
Sana makarating tong blog ko sa management nila.
Eto nga pla names ng mga nakausap kong agent nila this year:
(Not sure kung binibigay ba tlga nila ang mga real names nila or binabago nila para hindi sila maputukan)(nakalimutan ko na names nungibang agent na nakausap ko
Myla ###### - na walang pakialam problema ko daw to ayusin ko daw! pakshiyet lang na customer service diba
Ken ###### - na nagsasabing wala daw kaming record sa kanila
David #### - na nagpromise na aasikasuhin yun pagtransfer ng ownership wag lang ipacut yun line. Twice nako nagsend ng requirements wala padin at sabi ng ibang agent walang record na may ganung usapan.
Ralph ####### - na nagpromise na wala din akong magiging problema sa transaction ko dahil nilagay nya na ako na ang authorize user ng number pero sabi ng ibang agent walang nakalagay sa record na ako na ang authorize user ng plan.
CJ ###### - na nagsabing wala silang narereceive na requirements ko (kaya nagsend ako ng pangalawa pa)
Now habang ginagawa ko tong blog ko, may tumawag sakin Meg ##### iinvestigate daw nya yung concern ko. Sabi ko punong puno na kami and gusto na talaga namin ipa cut and tong Samsung Galaxy Mini willing akong isoli dahil naka iphone 2G ako.. kahit 2G lang yun IPHONE padin yun.. Meg nafifeel ko naman na concern ka, sana matuloy na ang pagcut ng line.. pagod na talaga kami.
Pasensya na talagang mainit ulo ko.. emosyon na hindi mapigilan. paumanhin sa mga makakabasa
(Tinanggal ko na last name nila, ayoko naman forever nakabandera name nila sa blogosphere) baka magulat sila kapag sinearch nila name nila kay google biglang bumulaga yun title at yun name nila at maging sikat.. wag na!
balita ko nakarating na sa QA management ng Globe tong blog ko.. idedelete ko tong entry ko after 2 weeks.. ayoko naman din kasing maging forever nakapost tong mga names nila sa internet.. sobrang sama lang tlaga ng loob ko and kapag naghahanap ako ng manager or supervisor.. sagot sakin.. sila daw ang last line of support.. hayz..
ReplyDeleteang daming ganyan sa Pinas, pero pagdating sa bayaran walang requirements,agad agad silang tatanggap ng pera...kaya smart bro rin gamit ng misis ko eh
ReplyDeletekasalanan nila yan weh.. yaan mong nakapost yan.. so that they will do their job the next time around..
ReplyDeleteglobe support nga naman. dami din reklamo sa service nila. bayaan mo lang nakapost yan ng makarating sa management nila, hehehe..
ReplyDeleteI would suggest kung may twitter ka na itweet mo na lang yung concerns mo. Not necessarily mentioning any names if you're not comfy with that (hashtag mo lang para makarating).
ReplyDeleteThey should repay you sa lahat ng binayad mo na hindi mo nagamit & of course apologize. They are wrong & they need to improve their customer service.
Hope it all get sorted soon... Xoxo
panget talaga ng globe! buti lumipat na ako dati pa :)
ReplyDeletekahit sang company parati namang ganyan ... wla kasi nasasampulan .... buti nalang merong blogging community .
ReplyDeletehuwag mong edelete ang post na ito.....
ReplyDeletePlease do not delete this post.
ReplyDeleteKung meron silang ginagawa to even improve their customer service, their loyal customers would see / feel it. Either Globe doesn't know where to get help on this big problem or Globe simply refuses to. Either way, they are sure to lose money and it's because of their bad decisions.
I currently have a problem with Globe and it's been a month of calls and NGAYON PA LANG nila naiintindihan ang concern ko. Comprehension pa lang parang aso na kausap mo. They need to change their service attitude.
@ALL: wala pong pinuntahan ang reklamo ko sa globe.. kahit sinend sa QA nila lahat ng info ko. Now pinagmumulta nila ko ng P10,000 dahil nag decide ako na ipa cut nalang. kasunduan namin nun last agent na hindi nila ko sisingilin ng penalty dahil ang reklamo ko ay service nila at hindi ako ang my problem. pero ayan lagi nila kaming sinisingil
ReplyDeleteGanun din prob ko ngayon. Parang engot yung TSR nila na sumagot sa akin. Kasi nawalan ako ng internet connection after consecutive power failure and yung effect ng bagyong "pedring" dito sa lugar namin sa visayas. Tumawag nga ako kasi umaasa ako ng repair service to check kung ano talaga ang problem ng internet connection ko. Sa haba haba ng usapan sinabihan lang ako ng seek local technician baka computer ko daw yung may prob, na feeling ko naman hindi since tinry ko sa ibang pc di talaga madetect yung internet service nila. Marami pa to. For short, ang daming alibi, di na lang magpapunta dito ng tao para makita yung sitwasyon. Magcoconclude na agad. Hanep naman talaga. So maghihintay na lang ba ako? Loyal pa naman ako sa globe. Nadisappoint talaga ako. Pag Di talaga to naayos ipapaterminate ko na account ko. Sayang kasi ang bayad. Umaasa kang maaayos, mukhang balewala. Anong ba ang mission and vision ng company na ito? o baka di lang talaga natrain nga maayos ang mga tao nila. I know Globe is good company. Pero nagkaka bad image din minsan dahil sa mga employees nila. GLOBE kung makakabasa kayo nito. SANA naman improve nyo customer service niyo. Kasi kami nagbabayad in exchange na dapat alert din kayo kung may repair service na issue. Papuntahin naman sana mga tao niyo. Kasi trabaho nyo naman yun if may technical concerns. Visit the area. Do not conclude!
ReplyDeleteWas just on the line with their useless CSR named 'Claus Pampico' if that's really a name. Was on the line for 30 minutes, para kang nakikipag-usap sa isang walang utak na robot. Did not even pass the call to a supervisor as what I've requested. To think I was following up an issue that was not resolved for 3 weeks, just rolled-over 4 times. How can these people gain respect for themselves or even have the satisfaction, nag-aral nga sa kolehiyo, natutong mag-ingles nang napaka-trying hard magkaroon ng twang, inutil naman.As a CSR, being able to resolve an issue should be the endpoint, Di lang yung paulit-ulit na parang gago na "I apologize; if that's your opinion, I can't do anything about it". Kaya Di umaasenso. Nakakapag-ingles, yun Lang .
ReplyDeleteGLOBE CUSTOMERS SERVICE KAKAUSAPIN KA LNG PERO WALA NAMAN SILA ACTION NA GINAGAWA SA CONCERN MO!GANYAN KA BURAT LAHAT NG MGA TAGA GLOBE!!!!!PAG NAGBAYAD KA ANG TAGAL BAGO MA UPDATE KELANGAN MO PA SILA TAWAGAN PARA DAW MA POST YUNG PAYMENT, DI BA KAGAGUHAN NA NAG BAYAD KA NA SA GLOBE BUSINESS CENTER KELANGAN MO PA DAW ITAWAG SA MGA STUPID CSR NILA PARA DAW MA POST!!!!! I' AM CALLING THE ATTENTION OF NTC TO CHECK AND INVESTIGATE GLOBE!! DAHIL SA MGA KAPALPAKAN NILA!!!!
ReplyDeleteMga outsource ang naghahandle ng customer service ng globe kaya ganyan yang mga yan
ReplyDelete