Thursday, July 14, 2011

Serenitea



Nothing beats a morning cup of coffee to start your new day lalo na kapag ang mahal mong asawa ang kumuha nyan sa vending machine. Nakakatuwa asawa ko, pagdating na pagdating ko sa cube may nag aantay ng malamig na kape este mainit na kape sa lamesa. (lumamig na kakaantay sakin, pasensya na traffic sa crossing). Maraming puwedeng pagpilian kung anong coffee ang gusto mo sa office namin, unlimited yan at take note.. it's free! Never ko tinikman yung ibang timpla ng kape, hindi ko iinumin yan kapag hindi cappuccino. Meron ding mocha pero kumukulo tyan ko, pinagsamang milo at nescafe lang naman yun.


Marunong naman ako tumikim ng tea, bumibili ako dati ng milk tea ng lipton. Two box nga binili ko before, naubos ko yung isang box, yung second box hinayaan kong maexpired. Hahaha ewan.. nasawa ako bigla. Hmmm naki-uso lang naman ako eh, biglang naging IN kase ang milk tea nang magkaron ng commercial.


Now may bago.. It's called Serenitea, it's the new tea in town. Sabi nga nila It's not your ordinary tea. Yan ang pinagkakaguluhan ng mga tea lovers ngayon.





Isang araw, seryoso kaming nagte-training ng inalok kami ng aming directres kung gusto namin ng tea. Syempre it's an honor na alukin ka ng isang director sa opisina noh, boss sya ng boss ng boss ng boss mo, ganun sya ka generous. Actually, karamihan ng mga bossing namin dito eh mga generous, mga mahihilig manlibre ng food. The way to your peoples heart is through their stomach.. TOMOH! Kaya lahat kami dito happy ang tyan.. happy ang body.. happy ang mind.. happy ang heart.


Oorder daw kase ang mga bossing ng Serenitea baka daw gusto namin and sagot ng director namin. Nung una mga pakunwari pang nahihiya pero syempre nacucurious kami dahil lahat kami first time matitikman yang bagong IN na yan. Inorder namin ni Fluffy, Mango Yakult. I know right! alam ko reaction nyo.. anong lasa nun?! with a big question mark in the face.. Actually, nacurious din kami kaya yang kakaibang yan ang pinili namin.





Mukhang enjoy na enjoy naman ni Fluffy yun lasa. Infairness, masarap sya, naubos ng asawa ko yang malaking yan at isama pa pati yung akin. Kalahati lang nainom ko then i give up, like what i've mention earlier, i'm a coffee drinker.


Alam ko curious kayo kung lasang Yakult ba or mas lasang Mango, sasagutin ko yan. Malalasahan naman yun Yakult pero mas strong yung Mango. Naglalaban yun tamis at asim parang last taste yun asim. Yun pearl or sago malambot na manamis namis, but i'm not a fan of sago feeling ko kase istorbo sya sa paglunok kelangan pang nguyain. Kapag oorder nga ako ng taho hindi ko pinalalagyan ng sago.


Kudos sa nakaisip nitong bagong flavor nato, malamang ito ang best selling flavor nila.


10 comments:

  1. parang nakita ko na yan sa mall. di ko lang matandaan kung sa megamall.

    ReplyDelete
  2. Ang natikman ko pa lang na flavor e yung passion fruit yakult. Ako naman di mahilig sa milk tea. mas gusto ko mga fruity flavors.

    ReplyDelete
  3. @khantotantra: sa rob manila ko nakita yan.. malamang meron nadin nyan sa megamall

    @anney: sige one time try ko yung passion fruit yakult.. baka ma-enjoy ko yun taste.

    ReplyDelete
  4. ilang beses ko na nakita yung Serenitea sa Rob whenever I attend worship but I haven't tried it yet, this Thursday i will kill my curiosity because of this post! it looks yummy! =)

    ReplyDelete
  5. hahaha basta ako nag-enjoy sa Manggo Yakult...refreshing na okay ka pa tyan...hehehe

    ReplyDelete
  6. so ironic pero sa TM where all coffee/softdrinks/juices are free - jan pa ko natuto mag TEA. nakakataba kasi ang mga drinks sa pantry. switch tuloy ako sa herbal teas. haha

    ReplyDelete
  7. PANSALT, the low-sodium salt from Finland, is now available in the Philippines. PANSALT is the tastier & healthier way to salt. With PANSALT, you can avoid and better manage hypertension and its unwanted side-effects such as heart attack, stroke, kidney disease, among others. PANSALT has also been approved as an organic food ingredient by the European Commission. Make that switch to PANSALT NOW!!! For more information, visit www.pansalt.ph or contact (02) 531-4881/ 0917-811-SALT (7258).

    ReplyDelete
  8. Gusto ko lang mag-comment kasi nakita ko tong Milk Tea even though ang tagal na netong post na to WAHAHA! Mahal ang Serenitea, marami-rami dyang Milk Tea na mura sweaar pero masarap! Hahahaha K share lang ;)

    ReplyDelete
  9. @MC: Yes, i would suggest you should try it hehehe kase ako kapag nacurious hindi ako mapakali promise.

    @Chyng: hahaha.. sa totoo lang hindi ako umiinom ng softdrinks..ang weird nga.. super duper free..

    ReplyDelete
  10. @Tine Yeah: Hehehe.. libre lang kase yan kaya natikman ko.. true maraming milk tea na mas mura..

    ReplyDelete