Simula ng ma hold-up ako sa Tayuman, never nakong nag jeep papasok ng opisina. Ginagawa ko nalang LRT - MRT tpos bus papuntang Pasig. Nataon pang rush hour ang bagong sched, so walang option kundi magtyagang makipag siksikan sa MRT. Siguro makakapag jeep nalang uli ako kapag nawala na yung trauma at kapag totally naka recover na. Pasensya na hindi ko maikukwento senyo ang naexperience ko masyadong traumatic. Ayoko ng balik balikan ang nangyari dahil baka hindi na naman ako makatulog.
Parusa at dusa makipag siksikan sa loob ng MRT, siguro naman alam ng lahat yan. Bugbog at sakit ng katawan pagkatapos ipagsiksikan ang katawan makalabas lang ng pinto ng train. Yan ang araw araw na nararanasan ko at nararanasan ng lahat ng sumasakay dito. After two weeks, nasanay narin ang katawan at utak ko, alam ko na kung saan ako pupwesto at kung pano makalusot at mailabas ang katawan. Kanina, meron akong katabing senior citizen, kung titignan ang itsura nya parang kaka 60 lang nya dahil mukha pa syang malakas. Or baka sinabi lang nyang senior sya. Sa Cubao sya bababa pero nakapuwesto sya malapit sa pasukan at labasan ng pinto. Nanggaling kami sa Taft Avenue, nakapuwesto ko malapit sa kanya. Pagdating sa Magallanes eto na ang rumaragasang mga tao na gustong makapasok sa loob ng train at gustong makauwi na sa mga kanya kanyang tahanan. Nagalit si senior citizen, bakit daw sya binunggo ng mga tao, walang respeto daw sa matatanda dapat VIP sya dahil matanda na sya pero anong ginawa ng mga tao binunggo sya. Hindi ko alam kung maaawa bako sa matanda dahil nabunggo sya or maaasar dahil ginagamit nya yun pagiging senior nya at dahil nakaharang sya. At hindi ko maintindihan eh kung bakit kase gusto nya ipagsiksikan ang sarili nya sa harap ng pinto kung alam naman nyang daanan ito ng tao. To think MRT eh talagang dagsa lahat ng tao dito.
Pagdating sa Ayala, mas lalong dagsa ang mga tao, merong babaeng napakapit sa bakal (nakalimutan ko tawag dun basta yun kapitan na bakal para maibalance ang katawan) at hindi sinasadyang natamaan ang balikat ni senior. Nagtatatalak si senior hindi na naman daw sya nirespeto at binunggo na naman sya, may nag offer ng seat pero anong ginawa nya sinigawan nya. Kanina pa daw sya nakatayo at walang nag ooffer ng seat kung kelan na sya nalalamog tsaka lang maiisipan daw nung nakaupo na tumayo. Tinanggihan nya at parang napahiya yun babaeng nag offer at nag kunwaring natutulog nalang. Hindi naman natin masisisi ang mga tao sa loob ng train kung magkakabunggo bungguan dahil sobrang liit ng space. Kelangan magpasensya nalang para lahat makarating sa mga paroroonan.
I have nothing against dun sa senior citizen, naiintindihan ko sya dahil maiksi na ang pasensya nya, i have nothing against din dun sa mga taong nakikipag siksikan dahil naiiintindihan ko din sila dahil gusto na nilang makauwi sa mga tahanan at yun iba naman ay papasok palang sa opisina tulad ko. Naturete lang talaga ko sa pagiging nagger ni senior, siguro dahil hindi ako sanay sa ganun dahil ang magulang ko at mga kapatid ko eh hindi nagger. Mom ko is senior citizen nadin, naexperience nadin nyang mabunggo sa loob ng LRT dahil siksikan. Tumatayo mom ko at inooffer ang seat kapag my buntis na nakatayo. Tumatayo ang mom ko kapag my nanay na may kargang bata. Nagtyatyagang mag balance ang mom ko kung sa tingin nya ay may mas nangangailangan ng seats at hindi nya ginagamit ang pagiging senior nya. Ayoko sanang icompare pero yun lakas ng mom ko ay parang lakas lang din nung senior na katabi ko kanina.
Nang dumating na sa Ortigas station, nag excuse ako sa kanya ng matino dahil ayokong matalakan din nya, pero anong ginawa nya, hindi padin sya matinag at parang tila pinaglalaban padin ang pwesto sa tabi ng pinto. Dahil ako ang mas bata at malawak ang pang unawa sige na nga at parang nasa mission impossible na umilag ilag sa mga nakaharang sa pinto at isa na sya dun para lang makalabas ng train.
Matagal nakong nag LRT1 at LRT2, merong designated na seats for the elders at pregnant woman sa bandang harap ng train. Ang pagkakaalam ko meron din sa MRT, ang tanong... bakit hindi sya pumwesto dun sa bandang harap kung saan sakayan ng mga senior citizen at bakit nakapwesto sya sa huling pinto ng para sa mga babae. Eh galing kami sa Taft at sabay sabay kaming pumasok bakit hindi sya nakipag unahan makaupo at pumwesto kagad sya sa harap ng pinto. Wala lang, naisip ko lang... bad ba ko?
ang puso mo teh!
ReplyDeletedapat kinantahan mo yung matanda ng...
Maari bang, maari bang umusog-usog ng konti
Hatihati dahil masyadong masikip ang upuan
At kung iyong kausapin, ako nama'y hindi maselan
At payag matabihan, umusog lang, umusog ng konti
ay naker... kung ako yun.. tinalakan ko yun at tinarayan. pag hindi madaan sa bait, daanin sa pagsusungit. :D
ReplyDeleteDo not wori, mrt rin ko araw araw. Mas ok pa nga minsan sa mga boys. hindi sila dun grabe magtulakan, there are still gentlemen in the world. ehehe..May mga ganyang tao tlga, lalo nga ung oldies, hindi mo sila masisi hindi mo rin sila maintindihan.. hay. aniwei, I feel for you kc kung hindi ka sana na holdap hindi ka rin mag sa sacrifice sumakay sa mrt at makasalamuha ang ganyang ugali ng tao...
ReplyDelete