Monday, October 24, 2011

Serenitea - OKINAWA MILK TEA



Hindi ito ang unang beses na iba-blog ko ang Serenitea. Yun first entry ko ay Serenitea - Mango Yakult na hindi ko nagustuhan ang lasa dahil maasim sya promise. Well walang masama kung bibigyan ko ng second chance diba, so this time ayokong mag experiment at ayokong mang hula ng kung ano ang masarap so tinanong ko yung nasa counter kung ano ang best selling tea nila. Sinuggest ang Milk Tea Okinawa Crystal and Pearl, large and 100% Sugar P105.



Infairness masarap ang Okinawa, hindi sya lasang damo, hindi maasim, hindi mapakla, hindi lasang pabango at hindi lasang bulaklak. Medyo nagbabago na pananaw ko sa tea, kung dati coffee person ako ngyon medyo nagiging tea person nadin. Hindi ko pa nata-try yung ibang flavor pero sinuggest sakin try ko din daw yun Winter Melon. Sige promise next time ita-try ko din yan. Sa ngayon wala akong picture ng Serenitea dahil nanenok celphone ko sa Tayuman. Bawi ako next time.



*update*


as promise ayan nilagyan ko na ng picture para hindi na mahirapan mag imagine kung ano itsura.. hihihi.


Tinry ko nadin sa wakas ang Winter Melon, hindi ko na ginawan ng bagong entry kase... kase wala lang.. my connection naman kase dito sa entry kong to kaya inupdate ko nalang..


Winter Melon, hindi ko alam kung namali lang ng binuhos yung gumawa ng drinks ko or talagang walang kinaibahan ang lasa ng Okinawa sa Winter Melon. Pero imposible kase nakalagay "MELON" kaya ineexpect ko malalasahan ko ang melon flavor. Hayz hayaan ko na nga lang.. try ko nalang orderin uli yan para mapatunayan ko kung mali lang talaga yun ineexpect ko at talagang magkalasa ang Okinawa at Winter Melon.



4 comments:

  1. nice. :D

    pero mas feel ko matatamis na drinks at kape. :p

    pero try ko yung yakult plebor something.... mas okay daw lasa nun. ewan ko lang

    ReplyDelete
  2. ano ba tong serenitea na ito at ang dami kong nababasa sa fb?
    isa na namang FAD?

    ReplyDelete
  3. bakit wala akong nakitang ganon inumin nung pumunta nasa Okinawa ako?

    ReplyDelete