Tuesday, May 29, 2012

Chocolat - Deep Dark Chocolate Cakes


Mahilig ako sa cake lalo na pag Red Ribbon. Nahilig din sa Contis Manggo Bravo pero hindi nagtagal nasawa din at medyo may kamahalan kase. Lately pala nagre-research si fluffy kung saan ang next date na maraming cakes and pastries.

Kahapon nagcrave ako ng Buddy's Pancit Lucban na nilalagyan ng suka yun nga lang my iba daw kaming pupuntahan, next time nalang ang pancit Lucban. My surprise date pala sakin si fluffy sa may Burgos San Juan. Lately ine-explore namin ang San Juan, hindi naman kase kami taga jan kaya dumadayo lang. Madali lang naman pumunta sa Burgos, medyo naligaw lang pauwi dahil nahirapan hanapin yun F. Manalo papuntang Sta. Mesa.

Nag date kami ni fluffy sa Chocolat Deep Dark Chocolate Cake Store. Actually may apat silang branch, sa MOA na mas popular sila, sa Xavierville Ave, Sgt. Esguerra Ave at San Juan.


Inorder ni fluffy ang best seller nilang Death By Tablea P88 per slice and P700 ang whole. Hindi nagkamali ng inorder si fluffy, it taste so good and we like the bittersweet taste of it. And pahabol, this fabulous heavenly cake  melts in your mouth.

Inorder ko ang Blueberry Cheese Cake P120 per slice and P1140 ata ang whole. Medyo may kamahalan ang isang buo. Nabanggit ko sa previous entry na isa sa mga fave kong Blueberry Cheese Cake ay sa UCC na P202 per slice. Ngayon may katapat na sya, kasing thick at creamy pero hindi kasing mahal, dito nako ngayon sa Chocolat.


Umorder din kami ng MilkShake P80, Vanilla kay fluffy at Strawberry naman sakin. Hindi ko na ubos, ambigat sa tyan promise! Kalahati lang nainom ko den pinalipat nalang namin sa plastic cup para itake out.




Total bill namin P373, ayan nagpopost uli ako ng resibo. Paumanhin kung purple yung mga pictures, dahil kase sa ilaw nila yan.

17 comments:

  1. Napansin ko nga ang purple lights...hehe! kahit panira ang ilaw mukhang masarap parin... sarap ng dark chocolate kasi...

    ReplyDelete
    Replies
    1. hehehe.. uu medyo nahirapan ako palabasin yun totoong kulay ng milkshake.. nagiging purple..

      Delete
  2. chocolat, parang pelikula lang.. hehe Hi Gepay!!!! :) namiss ko tong blog mo! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. hehehe.. ikaw jeff na miss ko.. hehehe.. marami akong iba-blog natatambakan nako.. dami naming date ni fluffy lately..

      Delete
  3. my fave. try their chocolate carrot cake!! :D i also like the tablea cake and deep dark classic.

    ReplyDelete
    Replies
    1. wow nice.. sige try namin next time yung chocolate carrot cake.. and deep dark classic.. for sure babalik kami.. sarap cake nila.. =)

      Delete
  4. waaaaaa.... cheeeeeeese cake! nyamnyamnyam!

    ReplyDelete
    Replies
    1. kain tayo jan gelo.. tayo nila jeff, merck, ikaw, ako, si doc at si fluffy.. hehehe..

      Delete
  5. Swwet naman ni fluffy. hehe.. Death talaga name?

    ReplyDelete
    Replies
    1. hehehe... uu Death tlga name nun cake.. the best cake nila.. sarap!

      Delete
  6. Di ko pa na try ang blueberry cheesecake nila! Gotta try this!

    ReplyDelete
    Replies
    1. yup you should try it.. lalo na yun death by tablea sarap!

      Delete
  7. Hi, Nice post thanks for sharing. Would you please consider adding a link to my website on your page. Please email me back.

    Thanks!

    Randy
    randydavis387@gmail.com

    ReplyDelete