Showing posts with label Caleruega Church. Show all posts
Showing posts with label Caleruega Church. Show all posts

Thursday, February 3, 2011

Bag Of Beans


Pag nagse-search ako ng mga places na magandang puntahan or masarap na kainan isa sa mga nirerecommend ang Bag Of Beans. On our way to Caleruega Church, nadaanan namin to, maraming sasakyang nakapark sa harapan, sa gilid at yung iba eh waiting. In short, mabenta sya at dahil sa mabenta sya, syempre nakaka curious kung bakit. Napagkasunduan namin ni Fluffy na jan nalang kami magbe-breakfast kinabukasan.




Malawak ang lugar, hinati sa dalawa, isang buffet at isang oorder ka ng gusto mong kainin. Namali kami ng napasukan dahil sa kabila kami dumaan kung saan buffet ang kainan, tinuro ng waitress yung daan kung saan kami puwedeng umupo kung oorder lang kami, may lusutan naman.

Habang nag aantay ng order, nagpektyuran muna kami ni Fluffy. Dahil sa open na open sya, maraming puno at maraming ibon na nakadapo sa sanga ng mga puno. Syempre ang mga ibon ang bisyo sa umaga magkalat ng lagim, ayun sapul ang bag ni Pachuchay, buti nalang natalsikan lang ako at hindi ako ang sumapo.
Hot Chocolate P105 nirecommend ng waitress na orderin namin. Super Like ko yung mug ang cute ng disenyo. Masarap yung Chocolate drink pero sad to say hindi na sya hot nung sinerve, siguro dahil sobrang lamig sa Tagaytay. Pero nung tinignan ko yung mga coffee na sineserve sa ibang table, makikita mo yung usok factor na nagpapakitang bagong kulo. Pero okay nadin kase masarap Hot Chocolate nila na hindi Hot. Next time na balik namin, oorderin ko padin sya.



Seafood Pasta P325 - may fish, may buo buong tomato, may olives, green pepper at 2 garlic bread.. Ayos! Merong part na masarap at merong part na lasang pabangong ewan, hindi ko maintindihan, hinanap ko yung parang kakaibang lasa... AYUN.. may celery pala.. hahaha.. hindi ko trip lasa ng celery.

Nagustuhan ko yung order ni Fluffy, ang Roast Beef P320 - tender yung beef, panalo yung sauce na nagpasarap sa beef. Hindi ako mahilig sa mashed potato, mabigat sa tyan and nakakasawa, impeyrness nagustuhan ko yung version nila. Creamy and pinong pino, walang buo buong makakapa ang dila. Bumagay ang mashed potato sa sauce ng roast beef.


At ang resibo.... yung P85.50 tax ata.. or service charge



Marami kaming nadaanang nagbebenta ng mga halaman. Bumili ako 3 for P100.. Orange Gold, Yellow at Orange yung mga flowers. Pinaka nagustuhan ko yung orange gold, astig nung kulay sobrang papansin yung flower!



Tuesday, February 1, 2011

Caleruega Church


April 2009 ang unang punta ko sa Caleruega. Nagbisita Iglesia at the the same time birthday ng pamangkin ko. Mahal na araw kaya walang katao tao sa simbahan at malayang malaya magpektyuran. Sabi sa nabasa ko noon, kapag ang mag bowa pumunta sa lugar nato, sila ang magkakatuluyan basta magpray lang ng mataimtim. Nagpray naman ako, at nagpromise na next na dayo kasama ko na ang bowa ko.


Oh diba obvious na obvious sa pektyur na tuwang tuwa ang mga pamangkin ko sa lugar. Relaxing ang place sobrang solemn and peaceful talaga. Sinong hindi maiinlove sa place sa sobrang ganda.

First time ni Fluffy mag drive papuntang Tagaytay, feeling nya super duper layo, eh pano ba naman taga Bulacan sya.. malamang malayo talaga for him. Naligaw ng onti, wooops hindi pala naligaw.. lumampas lang naman.


Almost two years na ang nakakaraan, syempre kelangan pa ba ulitin na may bowa nako ngayon..
Hahaha.. Hindi ko puwedeng palampasin, kelangan tuparin ang pangakong iniwanan sa simbahan sa tuktok ng burol. TanTaRaRaaaaaaaaN... Welcome to Caleruega. Closer To Nature, Closer To God.


Ayan, excite na excite ako that time, gusto ko pektyuran ng pektyuran si Fluffy. May nakalimutan nga pala kaming dalhin, "ANG TRIPOD". Mahirap pala kapag dalawa lang kami ang hirap magpektyur ng magkasama, kaya todo eport talaga.


Sunod sunod ang kasal, mahirap magpark at maraming tao sa simbahan. Mahirap humanap ng magandang anggulo, onti lang tuloy ang shot ng simbahan. Saglit lang kami, kase nasa labas na ang susunod na ikakasal.


Nagdasal kami ng taimtim, sya hindi ko alam kung nagdasal or nag wish. Madaliang pagdadasal, nag aayos na ang usherettes, andae ko pa sanang iwi-wish pero wala ng oras. Next time na lang imposibleng hindi ako babalik lalo na nainlove si Fluffy sa place.

Todo eport na naman sa pag pektyur, imagine.. kumuha ng basura, zesto na walang laman para pagpatungan ni Pachuchay at makakuha ng magandang anggulo. Oh diba, against the lights pero hindi tabingi ang kuha, kudos zesto pack na napulot sa daan! laking pakinabang!


Tuluyang nilibot na namin ang lugar bago abutan ng dilim, sayang naman ang pagpunta kung hindi maeexplore dabah. Nakisuyo na kami sa ibang nasalubong na pektyuran kami ni Fluffy, hindi kami makakita ng basura or ng puwedeng pagpatungan ni Pachuchay. Salamat nga pala manong sa pektyur nato. Pursigido nakong bumili ng tripod sa susunod.


Nakakatulala pagmasdan ang magandang tanawin. Gusto ko muna sana tumambay at magmunimuni, mag day dream, mag relax at mag isip ng mga bagay bagay pero nauubusan kami ng araw at oras dahil pa sun set na. Maganda sana kuhanan ng pektyur ang sunset pero next time nalang kelangan talaga makita ni Fluffy yung hanging bridge.


Mahaba habang lakarin ang ginawa namin, tumawid sa mga tawiran, may mga isdang nadaanan pero hindi ko na iinclude dito sa blog kase madilim na ang kuha. Dito ko nag enjoy sa hanging bridge. Nung 2009, may nasalubong kaming mga tupa pero ngayon wala baka mga nasa kulungan na sila.


Gift sakin ni Fluffy, T-shirt na may pangalan nya tapos sa ilalim pangalan ko. Terno kami yung kanya baliktad naman pangalan ko tapos pangalan nya. Cute dabah!


Isa pang gift sakin ni Fluffy, yung katulad nang hinipan ni JohnLoyd sa My Amnesia Girl. Kinaibahan lang yun kay JL maliit, yun akin malaki at kelangan malakas ang hangin para umikot. Natatawa sakin si Fluffy, habang bumabyahe kami papunta at pauwi hawak hawak ko yung rainbow na bilog tuwang tuwa habang umiikot sa lakas ng hangin.