Thursday, February 3, 2011

Bag Of Beans


Pag nagse-search ako ng mga places na magandang puntahan or masarap na kainan isa sa mga nirerecommend ang Bag Of Beans. On our way to Caleruega Church, nadaanan namin to, maraming sasakyang nakapark sa harapan, sa gilid at yung iba eh waiting. In short, mabenta sya at dahil sa mabenta sya, syempre nakaka curious kung bakit. Napagkasunduan namin ni Fluffy na jan nalang kami magbe-breakfast kinabukasan.




Malawak ang lugar, hinati sa dalawa, isang buffet at isang oorder ka ng gusto mong kainin. Namali kami ng napasukan dahil sa kabila kami dumaan kung saan buffet ang kainan, tinuro ng waitress yung daan kung saan kami puwedeng umupo kung oorder lang kami, may lusutan naman.

Habang nag aantay ng order, nagpektyuran muna kami ni Fluffy. Dahil sa open na open sya, maraming puno at maraming ibon na nakadapo sa sanga ng mga puno. Syempre ang mga ibon ang bisyo sa umaga magkalat ng lagim, ayun sapul ang bag ni Pachuchay, buti nalang natalsikan lang ako at hindi ako ang sumapo.
Hot Chocolate P105 nirecommend ng waitress na orderin namin. Super Like ko yung mug ang cute ng disenyo. Masarap yung Chocolate drink pero sad to say hindi na sya hot nung sinerve, siguro dahil sobrang lamig sa Tagaytay. Pero nung tinignan ko yung mga coffee na sineserve sa ibang table, makikita mo yung usok factor na nagpapakitang bagong kulo. Pero okay nadin kase masarap Hot Chocolate nila na hindi Hot. Next time na balik namin, oorderin ko padin sya.



Seafood Pasta P325 - may fish, may buo buong tomato, may olives, green pepper at 2 garlic bread.. Ayos! Merong part na masarap at merong part na lasang pabangong ewan, hindi ko maintindihan, hinanap ko yung parang kakaibang lasa... AYUN.. may celery pala.. hahaha.. hindi ko trip lasa ng celery.

Nagustuhan ko yung order ni Fluffy, ang Roast Beef P320 - tender yung beef, panalo yung sauce na nagpasarap sa beef. Hindi ako mahilig sa mashed potato, mabigat sa tyan and nakakasawa, impeyrness nagustuhan ko yung version nila. Creamy and pinong pino, walang buo buong makakapa ang dila. Bumagay ang mashed potato sa sauce ng roast beef.


At ang resibo.... yung P85.50 tax ata.. or service charge



Marami kaming nadaanang nagbebenta ng mga halaman. Bumili ako 3 for P100.. Orange Gold, Yellow at Orange yung mga flowers. Pinaka nagustuhan ko yung orange gold, astig nung kulay sobrang papansin yung flower!



15 comments:

  1. BASE!!!

    wakakaka.

    hot choco na hindi hot. gusto ko yan. :p

    ReplyDelete
  2. waaaahhhh nakakagutom! ang tagal na yata yung huli kong inom ng hot choco...

    ReplyDelete
  3. eto ba yung sa may tagaytay? nadaan ko kasi last week from batangas, grabe ang daming tao! cause ng traffic! he he

    ReplyDelete
  4. Khantotantra: ASTIG! ikaw na naman ang una sa nagcomment..

    MOKS: nagke-crave nga uli ako ng hot choco parang gusto ko bumalik dun

    Pinoy Boy Journals: uu cause sya ng traffic kase waiting yung ibang sasakyan sa parking space..

    ReplyDelete
  5. first time ko po dito.. at akoy nagutom... ouch ang mahal ng food :)..

    gandang araw po..

    ReplyDelete
  6. benta din sakin yang roast beed with mashed potato! di ba jan yung famous cheesecake?

    ReplyDelete
  7. First time ko napadaan sa site mo, at pagkain ang tumanbad :) nagutom ako :)

    ReplyDelete
  8. Sarap namn ng kinain nyo! Ako naman mahilig sa celery. Na add na nga pala kita sa blog list ko. Thanks for following. Followed too!

    ReplyDelete
  9. @Istambay: uu medyo may kamahalan yung food.. nacurious kase kami kung bakit madaming tao kaya gora kami.

    @Chyng: hello chyng *hugs* not sure kung sa kanila yung famous cheesecake.. pero try ko magresearch and babalik kami ni fluffy ^_^

    ReplyDelete
  10. @Anney: buti nagustuhan mo celery.. ako talaga hindi ko ma-take ang lasa eh.. thanks for following ^_^

    ReplyDelete
  11. @Lakwatsa De Primera: Salamat sa pagdaan.. ako din nagugutom kapag binabasa ko blog ko eh.. heheheh

    ReplyDelete
  12. eto ang dahilan kung bakit laging traffic sa tagaytay tuwing linggo. :) nagtry ako dito pero hindi ko nagustuhan yung lasa ng pagkain :(

    ReplyDelete
  13. gusto ko yung orange gold na flower :)

    ReplyDelete
  14. @Arvin: sarap kumain ^_^

    @Artiemous: uu traffic dahil sa mga nagaantay makapag park

    @Sikoletlover: deadbol na yung mga flowers.. sinira nung pusa ng kapitbahay..

    ReplyDelete