Monday, February 14, 2011

Tutti Fruitti


Paumanhin at hindi ko muna ipa-publish yung Vigan and Pagudpud, sa susunod na araw nalang, pwamis!

Kahapon ang araw ng mga puso, pero hindi kami nakiuso ni Fluffy naubos ang datunges sa Hot Air Balloon chuva! Sa susunod iku-kwento ko senyo ang experience don.

Matagal ng may Tutti Fruitti sa SM San Lazaro pero dinedeadma ng lola mo dahil hindi kami close ng mga prutas. Ipakain mo na sakin lahat ng gulay kahit ampalaya, okra at kung ano ano pa wag lang prutas. Kahapon, sinamahan ako ni Fluffy bumili ng cake para sa traditional ek-ek namin ng aking motherdear, every valentines day bumibili ako ng kung ano ang bagong cake ng Red Ribbon. Sad to say naubusan ako ng Mocha Choco Crumble, wala ding Chocolate Heaven at Chocolate Marjolaine. Bumagsak kami sa Chocolate Mousse ang walang kamatayang peborit cake.


Going back sa aking story sa Tutti Fruitti bago pa mapalayo, pumasok kami sa loob at tinuro samin sa dulo ang mga paper cups. Gusto ko yung theme ng place, fruitting fruity talaga! Maaliwalas sa paningin, malamig sa mata.


P20 per Oz - Hindi ko alam kung mas mura ba sya or mas mahal pero eto ang sigurado, hindi tipid sa ingredients kase kayo ang magtatakal.



May 6 Flavors ng Yogurt: Blueberry, Taro, Chocolate, Almond, Original Tart and Fruitti Tutti. Napili ko ang Almond, si Fluffy nagdadalawang isip kung Blueberry or Chocolate pero bumagsak sya sa Chocolate. Nakakatuwa kase maraming choices ang puwedeng pagpilian at depende sa customer kung gano karami ang gusto mo ilagay. Puwede ding ilagay silang lahat sa isang cup. Bahala ka kung anong combination at mix ang trip mo. Sabi nga nila, kanya kanyang trip lang yan, walang basagan.



Next ang mga syrup, may Caramel, Chocolate Fudge, Chocolate, Strawberry, Blueberry at nakalimutan ko yung isa. Chocolate Fudge ang nilagay prehas ni Fluffy, puwede namang ibat ibang combination at mix pero baka pumangit ang lasa kaya isa nalang.


Sumunod naman ang mga prutas, pinili ko ang peach and mango. Maraming prutas pero hindi ko na pinalagay. Sa kanya naman Blueberry na hindi ko talaga trip at Coffee Jelly na hindi ko alam kung bakit yun napili nya. Meron pa sa kabila yung mga sprinkles pero hindi ko nakuhanan ng pictures.


Tan-ta-na-naaaaaaaaaaaan.. Ang resulta....



Chocolate Yogurt with Blueberry and Coffee Jelly with Chocolate Fudge Syrup P150 - Hindi ko nakita kung ilang Oz sya.


Almond Yogurt with Mango and Peace with Chocolate Fudge Syrup - P150 din!


TARA! kain tayo ng Yogurt!


20 comments:

  1. simpleng advertisment hahaha.. joke lang.. nakikita ko sa pics.. 150 na yung isang cup.. kung mura o mahal? waaaaaa.. ang mahal hahaha (pulubi much lng ang tambay eh)

    gandang araw po..

    ReplyDelete
  2. ang sarap naman nyan... for 150 pesos, ok na cguro... fresh fruits naman gamit nila eh... try ko nga yan minsan... =D

    ReplyDelete
  3. ang sarap naman nyan...

    ReplyDelete
  4. ay wala si khanto sa comments!?? hehe naunahan ko!.. :P

    Not really a fan of yogurt and chocolates geps.. pero kung walang choice at libre bakit hindi.. haha..

    regarding the cakes, bakit hindi Mango Bravo ng Conti's? :D

    ReplyDelete
  5. pip place. sorry naman, di ko naabutan nung nagpost sya eh. bka tulog pa ako.

    :D

    talagang kayo naglagay ng amount sa cups?

    ReplyDelete
  6. @ khanto, kami ang naglagay...magsawa ka sa dami tapos gugulatin ka sa presyo...parang ako nung bumili kami ready na ang 200 pesos for 2 tapos biglang 300 nyahahahaha pero the bottom line enjoy kami

    ReplyDelete
  7. natawa naman ako dun sa sinabi mo na mas gugustuhun mo pa mga gulay tulad ng okra at ampalaya kesa prutas :) pero parang ok yung combination nung Almond Yogurt with Mango and Peace with Chocolate Fudge Syrup, masarap ba?

    ReplyDelete
  8. @Istambay: ngayon na nag sync-in sakin.. may kamahalan pala sya..
    hahahaha

    @Pinoy Adventurista: uu fresh fruits and matamis yung mango and
    peach

    @KikomaxXx: Yup masarap sya ^_^

    ReplyDelete
  9. @Jeff: Malayo samin ang Trinoma and Greenbelt kaya RedRibbon nalang sa SM :D

    @KhantoTantra: Yup kami naglagay ng amount sa cup.. tsalap!

    @Tekamots: good to know nag enjoy ka *hugs*

    ReplyDelete
  10. @Arvin: Yup masarap.. yun nga lang nagdadalawang isip ako kung yogurt ba sya or ice cream kase parang hindi maasim

    @Lakwatsera de Primera: Yup masarap sya.. hehehe about sa gulay.. nun bata ako laging gulay ulam namin pero hindi kami napakilala sa prutas dahil poor lang kami before.. mahal ang prutas.. kamyas lang ang kilala ko dati.. ninenok pa sa kapitbahay na puno..

    ReplyDelete
  11. P150 lang? pwede na! compared sa iba na super konti lang pag P150!

    ReplyDelete
  12. wow.. sarap sarap.... belated heypibalentayms :)

    ReplyDelete
  13. Nasunukan ko na rin yan... ang ginawa ko lahat ng flavors nilagay ko... pinakamalasa yung choco sa akin then ang berries saka yung vanilla yung iba naman ok na... lol...hehehehhee

    ReplyDelete
  14. kamusta naman ang lasa nya teh?

    di naman ba nag alburuto ang tyan mo sa dami ng ingredients nya?

    ReplyDelete
  15. sana meron niyan dito sa bundok namin..katakam-takam ang mga imahe

    ReplyDelete
  16. @Chyng: Sabagay, pagkakatanda ko ang RedMango mahal.

    Midnight Driver: Belated hapi Balentayms din! ^_^

    Xprosaic: pansin ko din, malasa yun choco flavor.. gusto ko itry next time yun Blueberry

    ReplyDelete
  17. @Ewan: Masarap sya.. naaadik na din ako sa yogurt

    @Sendo: nakakatakam tignan ang mga pictures.. hihihi..

    ReplyDelete
  18. 150 pesosesoses??? super todong amount ng ice cream ang ilalagay ko un tipong unlimited height s taas hahaha!!.. nakaka tuloy laway nmn tignan ang mga pictures... =P~~

    ReplyDelete
  19. Okay ang mga trip nyo ng asawa mo ate. hehe. cool.

    Masarap ba?

    ReplyDelete