Wednesday, February 16, 2011

Mainit na Lobo pati Dugo..


First time ko pupunta sa Hot Air Balloon event kaya todo research kung anong oras dapat umalis sa Manila at ng kung ano ano pang detalye. Sabi sa mga blog na nabasa ko, mga blog entry last year, 3:30AM sila umalis ng Manila pero pagdating ng Pampanga, sobrang trapik at mahirap ng magpark. Yung iba nakapasok sa loob ng 8:00AM at pababa na ang mga balloons. Syempre ayoko mangyari yung ganun samin.. ang corny lang diba.

9:00PM Sabado ng maisipan naming matulog, at take note simula Biyernes pa kami gising.. as in! Sanay na ang body clock kapag sabado dapat 24 Oras gising ang katawan para makapag spend ng quality time sa mga minamahal. 1:15AM ginising ko si Fluffy para makapag prepare na, may baon kaming 2 Tortillos at tubig, kasama ang younger sister nya. 2:10AM umalis na ng Bulacan, excited much?!.. Nope, inaanticipate lang namin ang parking and trapik... huwaaat.. trapik..??! tomoh!.. madaling araw posibleng magkatrapik sa Pampanga dahil sa event.

Dumating kami ng 3:30AM, Shiyeeeeeeet.. buti nalang maaga kami umalis. OA as in OA andae ng nakapark na kotse at medyo trapik na sa parking lot. Isa pang OA, ang haba ng pila, OA talaga! Sobrang OA ba ng reaction ko..?? Hindi ko alam kung pano pa idescribe eh.. Nahilo at nahirapan kami kakanap ng dulong pila, paikot ikot. Iba ang pila ng ticket at ng entrance para sa may mga ticket.

4:30AM, Yes.. Isang Oras ang nakaraan.. bago kami nakapasok sa loob. Nakahanap naman kami ng magandang puwesto.. Hala! hindi namin naanticipate ang panglatag sa damuhan, unahan pa naman sa puwesto. Buti nalang maparaan si Fluffy, kinuha nya ang carpet ng tsikot para gawing upuan sa damuhan. Late darating si Mapanuri at SpiderHam kaya nag save kami ng puwesto para makapag set up sila ng tripod.

Malapit ng mag alasiyete ng mag start ang event, nahihiya pa kase ang araw lumabas sa ulap. Okay lang kahit late, wala pa sila Mapanuri at SpiderHam, para hindi nila mamiss yun simula.


Syempre hindi puwedeng walang Flag Ceremony, ayan simula na, wala padin ang dalawa.. medyo nawoworry na kami baka mahirapan kami iabot ang ticket at masayang ang datunges.

Nang magsimula ng mag set up ng mga balloons, biglang nagtakbuhan ang mga pipol sa likod at nandamba ng mga taong nakapuwesto sa harap. Yes may ganung bastusang nangyari parang stampede at muntikan pako makipag away. Remember nag save ako ng puwesto para sa tripod ng dalawang blogger na inaantay namin, at yung puwestong yun ay sakop ng carpet na nilatag namin. May dalawang lover na parehas nakapula at naka stripe na parehas mataba (woooops mataba din pala kami ni Fluffy.. hihihihi), ang biglang tumapak sa sinave naming puwesto. Inapproach ko ng mahinahon ang lalaki, "Excuse me, naka save po yang puwesto na yan para sa pag se-set up ng tripod". Sagot ni guy: "Okay sige" sabay sabi sa partner nyang babae "Lipat tayo may naka save pala dito. Sabi ni Babaeng bastos na maldita (paumanhin sa pagkaka deskrayb kay babae ewan, dahil sobrang gigil ko talaga sa kanya). "Pabayaan mo sila hindi naman sa kanila to!" May kataasan ng tono, sabay simangot, tumingin sakin at umismid. Sabi ko kay Fluffy, "Bi, awatin mo ko.. awatin mo ko.. bastos tong nasa gilid ko". Talagang pinarinig ko sa kanila, eh pano, kinausap ko sila ng matino tapos magtataas ng tono at hindi ko pa nagustuhan ang sinabi nung malditang babae. Sana sinabi nalang din nya na "Okay sige lipat kami kapag nakasingit kami sa harapan." Hayz.. habang nagkukwento ako parang tumataas uli dugo ko.. paumanhin, hindi naman ako war freak.. nakakapang init lang talaga ng ulo.


Nawala naman init ng ulo ko ng magtext na sila Mapanuri at SpiderHam. At wala nadin ang magjowa sa gilid namin.


27 Balloons ang lilipad dapat sa araw na yun pero 26 balloons lang ang nakarating sa itaas. Ang mga naunang lumipad ang mga normal na hugis ng lobo. Ang mga sumunod ay ang mga nagkukyutang mga balloons.


Tulad ng nabanggit ko, 27 balloons dapat ang lilipad at eto ang nag iisang hindi nakalipad.. ang trayanggulong lobo ng Smart. saan ka nakakita ng trianggulong lobo na lumilipad..? alam ko saranggola.. para lumipad dapat hugis triangle pero ibahin mo ang lobo..

Hindi na namin tinapos ang event, kung baga sa eskwela.. halfday lang ang inatenan namin. Bumyahe na kami papuntang SM para kumain. Syempre hindi puwedeng kaligtaan ang pektyur ng mga kinain namin.


At jan nagtatapos ang istorya ng Mainit na Lobo pati Dugo..

21 comments:

  1. weeee:p

    Base!

    Grabe naman pala sa pagka-OA ang haba ng pila balde sa mainit na lobo. 3:30am??? sobrang aga nun. tulog pa ang mga taba sa katawan ko nun. :p

    ReplyDelete
  2. ang saya naman ng lakwatsa nyo... teka kenny rogers roasters ba ang kinainan nyo sa SM? ahihihi! :D

    ReplyDelete
  3. wow naman.. sarap maka witness ng ganyan na live.. nga lang, dahil once in a blue moon, talagang dudumugin.. makukunsumi ka talaga..

    at talagang hindi mawawala ang pagkain hehehe..

    gandang araw

    ReplyDelete
  4. weee galing gusto ko atang sumakay dayn.. wahehhe

    ReplyDelete
  5. hindi naman mainit ang lobo~
    yung hangin ang mainit saka yung haring araw nung bandang alas diyes!

    ReplyDelete
  6. ang sarap siguro ng pakiramdam habang nasa itaas..

    ReplyDelete
  7. dapat sinampolan mo ung babaeng un, binantaan mo sana na "gusto mong maging kakulay ng nguso mo yang damit mo?..".. haha :P pero kung ako yun, tsk.. baka mag init rin ulo ko..

    @khanto: dapat pinagising mo sa amin yang mga taba na yan.. hehe :)

    ReplyDelete
  8. @khantotantra: astig Base ka na naman.. sa susunod gigisingin namin ang mga taba sa katawan mo..

    @Artiemous: tama kenny rogers.. sa SM san fernando ata un.. puno kase sa clark

    @Istambay: xmpre hindi puwedeng mawala ang pagkain.. masarap kumain.. hihihihi

    ReplyDelete
  9. @KikomaxXx: Ako din gusto ko din makasakay.. mahal kc eh..

    @Spiderham: I know.. nde mainit ang lobo.. taytol lang lang.. hehehehe..

    ReplyDelete
  10. @Arvin: uu malamang masarap ang feeling kapag nasa taas.. yun lula na exciting na ewan.. gusto ko din ma feel un.. yun nga lang.. mahal eh..

    @Jeff: pagtulungan natin gisingin si khantotantra sa susunod para makasama na sya satin..

    ReplyDelete
  11. "sigh' merong din kaming good ang bad moments dyan last year gaya ng drama sa parking lot, but na lang enjoy naman yung show kaya worth it na rin pagpunta, (wala din kaming dalang tent at panlatag, sa dyaryo lang humiga :)

    ReplyDelete
  12. sana hinampas mo sa girlet yung tripod! paak!

    taray ni jeff, nakazoom lens!

    ReplyDelete
  13. Asoos! mainit ang ulo pero may food trip sa huli! hehehehehehehehe... Inggit ako sa hot air balloon! hehehehehe

    ReplyDelete
  14. may nag-aya sa akin na pumunta kami dyan eh..kaso ang layo nmn..sayang...kaya ayun mall-ing na lng sabay lamon...wooahhh...

    ReplyDelete
  15. matagal n kong nktira s Angeles Pampanga pero never p ko nkadalo s hot air balloon event na yan, pero s mga shots nyo ngaun lng ako nanghihinayang n sana nkapunta ako pra mgkaroon ng remembrance s event n iyan..

    ReplyDelete
  16. walang pix nung nakaupo kayo sa damuhan katabi ung mga maldita? lolzz sana minsan makapanuod din ako nyan, lapit lang sa amin pampanga eh :)

    ReplyDelete
  17. kala ko naman teh nakasakay kau sa balloon...

    ReplyDelete
  18. panagarap ko din makapanood ng ganyan, at mag lakwatsa na din...

    http://pupsicle10.blogspot.com/

    ReplyDelete
  19. Woah! Bentang benta talaga ang Hot Air Balloon na yan kada taon. Ang dami nyo pala talagang pumunta dun. Lalo na ang mga blogger. Sana sa susunod na taon, magawi ako dyan.

    Warfreak ka pala. HAHAHA! First time ko dito. ;)

    ReplyDelete
  20. I've posted the sked of the Hot Air this year and have been encouraging people to attend, tapos ako d natuloy. toinks! :( ganda pala, mukhang mas madame nag-attend.

    ReplyDelete