Wednesday, March 9, 2011

Ilocos Trip: Vigan



Ilocos Trip part 1 : Laoag

Hayz tagal ko naging hiatus, paumanhin at ngayon lang uli ako nakapag update ng blog. Eniwei, ikukwento ko senyo ang pagbisita ko sa Vigan. Day one padin naman pero after Laoag, bumyahe kagad kami sa Vigan. Umabot din ng mahigit dalawang oras bago nakarating sa Ilocos Sur. Around 7pm ng makarating kami sa landmark na Library. Humingi kagad ng mapa ng lugar para hindi maligaw.





Malamig sa Laoag pero mas malamig sa Vigan, siguro dahil gabi na kaya ganun. Nakakapanibago dahil wala ng masyadong tao sa kalye, unlike syempre dito sa Manila 24 hours may mga nakakalat na tao at nagsisi byahe papasok sa mga trabaho. Naisipan muna namin puntahan yung tutulugan namin, ang Casa Teofila. Nag wash lang ng mukha, nagpalit ng damit at iniwan ang mga bagahe tapos diretso Calle Crisologo, ang sikat na kalye sa Vigan.

Well anong oras lang yan, siguro mga bandang alas otso pero kami nalang ang naglalakad sa street na yan. Meron pang mga bukas na tindahan pero nag aayos na sila para magsara. Mga natatamad na silang sagutin yung pagtatanong namin ng presyo, siguro excited na sila makauwi sa bahay. Nawalan na kami ng ganang mamili, kaya tumingin tingin nalang.


Nafifeel ko nadin ang gutom, sabi ko sa kanila ayoko kumain sa Mcdo or Jolibee, syempre gusto ko matikman ang luto sa Ilocos. Naghanap kami ng karinderia or kahit anong makakainan. Meron daw dun street dining pero kaasar much lang akala ko mumurahin nakakaloko, fine dining din sya.. sa kalye lang nakalagay ang mga lamesa at upuan. Sa bagay may point din naman, street dining.. asa kalye ang pagkain pero expensive much ang presyo.



Finally, after kakalakad ng kakalakad, nakahanap kami ng karinderia pero pa close narin sila. So, madaliang init ng ulam at madaliang kain din ang ginawa namin. Medyo bitin parang hindi sumabit sa lalamunan ko yung kinain ko. Inorder ko gulay, nakalimutan ko inorder nila, buti yung mga boys hindi nabitin sa food, siguro likas na matakaw lang talaga ko.



Pagkatapos kumain, lakad lakad uli hanggang makita namin ang mga fast food like Jolibee, Mcdo, Chowking at iba pa. Nagpa picture muna kami sa Vigan Cathedral, sa labas lang kase gabi na sarado sila.

Dito kami nagtagal sa maliliit na .... na..... hindi ko maalala kung ano tawag jan sa mga yan.. napagkatuwaan ni Mapanuri at Blogingpuyat.. nagpektyuran sila ng nagpektyuran.. astig ni Blogingpuyat hindi manlang nangatog sa lamig, kaming matataba nanginginig na sa kahit naka jacket.. dinadaan lang ata nito sa tawa yun ginaw.

Hindi ko mapigilan, bitin talaga yung kinain ko, hindi ko natiis nagpabili ako kay fluffy ng large fries, burger at coke sa jabeee..

After ng konting kwentuhan at kainan.. aik ako lang pala kumain uli.. ayun after kwentuhan, bumalik na kami sa Casa Teofila dahil maaga pa kami magsisigising kinabukasan para sa lakad namin sa Baluarte.. Kuwento ko sa next entry ko.. pwamis.. next week yun next entry ko..

19 comments:

  1. wooooooooooooooow.


    Base.

    ehehehe. si bloggingpuyat ang may immunity sa lamig. :D

    heheh, buti na lang may jabi para sa instant tomjones

    ReplyDelete
  2. haha ambilis bu-mase! haha

    benta ung picture ni blogging puyat.. dinadaan sa tawa ang lamig!.. haha

    ReplyDelete
  3. labet! ang ganda ng vigan kapag gabi, galing ng shots.. si bloggingpuyat ang tourguide nyo, ang may hawak ng mapa.. hehe..

    ReplyDelete
  4. @whattaqueso: sya si Diego.. ang lalakeng lakwatsero!..

    ReplyDelete
  5. may nakalimutan ka yata? asan na ang resibo? hahaha!!!

    ReplyDelete
  6. Pagkatapos kong mabasa ang post mong ito, bigla kong na-miss ang Vigan. It has been years since the last time I visited it. Siguro ibang-iba na ang itsura ngayon. Sana ay makabalik ako.

    ReplyDelete
  7. diba dyan shinoshoot yung scenes ng panday? hehe....i will be in vigan this may..yeee excited!!! mas naengganyo akong pumunta with what I just saw here, nyehe

    ReplyDelete
  8. Ayan nag-update ka na ulit :), buti ka pa nakapunta na ng Ilocos, ako puro plano na hindi natutuloy ;)

    ReplyDelete
  9. yay vigan,,gustong gusto kong pumunta jan,,
    likey ko ung first photo ang ganda ng pagkakakuha~~
    napadaan detei~~~gandang gabi~

    ReplyDelete
  10. Naku bigla ko na miss yung nakain kong empanada jan. Sweet longganisa yung palaman.sarap!

    ReplyDelete
  11. romantic talaga sa Vigan! Ganda pag gabi!

    ReplyDelete
  12. @khantotantra: ikaw.. ikaw na ang magaling bu-mase.. hehehe.. apir!

    @jeff: sobrang mabenta tlga ang picture ni BloggingPuyat.. bilib padin tlga ko.. hindi manlang nag chill sa lamig..

    @WhattaQueso: uu si Bloggingpuyat ang laging my hawak ng mapa..

    ReplyDelete
  13. @PinoyAdventurista: Astig! saludo ako sayo.. nakita mo kung ano ang kulang sa blog ko.. hehehe.. sige next time may resibo na uli

    @Nortehanon: Ako din nung tinatype ko tong entry ko.. namiss ko din bigla ang Vigan

    @Send0: Nakaka excite naman pupunta ka sa Vigan nitong May.. kainggit sana makabalik din ako uli.. ganda ng Vigan kapag gabi..

    ReplyDelete
  14. @Lakwatsa De Primera: Tagal ko ding hindi nakapag update ng blog ko medyo busy lang sa work.. sana matuloy na yun plano mong makapunta sa Ilocos.. as in maeenjoy mo tlga sya..

    @Unni: Salamat.. Abang abang ka lang ng promo sa CebuPac.. as in sulit tlga..

    ReplyDelete
  15. @Anney: mas naenjoy ko yung empanada sa kalye lang binebenta kesa yung empanada sa prang resto.. mas malasa yung binebenta lang sa kalye ^_^

    @Pinoy Boy Journals: uu astig sa Vigan kapag gabi.. nakaka miss ang Ilocos

    ReplyDelete
  16. @mapanuri: hahaha! ang benta at bakit diego? ang lalaking lakwatsero..

    ReplyDelete
  17. couz, gusto ko din pumunta dito sa Vigan. nice pics. pang-WOW Philippines. Nakaka-hikayat ng bongga :)

    ReplyDelete
  18. wahahaha..diego the explorer daw, e sakin nakatoka ang mapa kaya yun.

    ReplyDelete
  19. @Whatta Queso: hello bossing buti at napadaan ka dito.. hehehe..

    @BubblyMind: Hello insan *hugs* salamat sa pagdalaw sa blog ko..

    @bloggingpuyat: DIEGO!.. hehehe.. bagay lang

    ReplyDelete