Wednesday, March 16, 2011

Ilocos Trip: Baluarte ni Chavit


Maagang nagsigising dahil nag aantay na sa labas ang trike na inarkila ni Mapanuri. Medyo pricey yung presyong binibigay samin na service P80 per hour. Dalawang trike ang kukunin dahil hindi kami kasyang apat sa isa lang. At pano kapag nag enjoy kami sa Baluarte at naisipang magstay ng 2 hours syempre iba pa yung oras ng byahe. Mahal sya for me parang presyong taxi na dito sa Manila.




Welcome to Baluarte, dahil maaga kami, wala pang masyadong tao kundi mga care taker. Impeyrnes, natuwa ako at libre ang entrance at mabilis pa ang wi-fi, sosyal!

Unang bumungad ang Ostrich, sobrang tuwa ko naman dahil hindi nakakulong mga animals dito. Parang kong stalker habol ng habol para magpapicture.

My bayad magpa pektyur sa Parrot pero nalimutan ko na kung magkano, apat kaming nagpa pektyur ambag ambagan. Medyo stiff ako, nakakatakot matuka sa mukha.

Napagkatuwaan ni Fluffy at Mapanuri yung mga Dinosaur sa background. Kunwari hinahabol daw sila. Lakas mag trip lang.. tsk tsk tsk.. hahaha..


Mahangin at malamig sa Baluarte pero feeling ko nanhina ako sa haba ng nilakad ko, or dahil mataba ako kaya mabilis ako hingalin. But nwei, nagstart na naman ako magdiet kaya next na dalaw ko jan hindi nako manghihina. Last na pinuntahan namin ang mga kulungan ng tiger, isang lalaki at isang babae. Nakipag kwentuhan ang tatlong kasama ko sa care taker ng mga tiger habang pinaliliguang ang mga to. Ako naman naka tulala sa labas, nagtatanggal ng hingal. After namin pektyuran ang mga tiger, madaliang baba dahil my iba pa kaming pupuntahan.

Sa susunod naman ang kuwento sa Pagudpud..

24 comments:

  1. makaka base ba ako?



    base!!!!

    yung tiger ba di naka-cage?

    parang iskeri kung nakawala on wild yan like the ostrich. :D

    anliit nung pony.

    ReplyDelete
  2. Wee! galing! ganda naman dyan... sarap mamasyal ah... hehehhehehehe

    ReplyDelete
  3. wow, ang sarap naman ng lakwatsa mo ateng... hindi nakakulong ang mga hayop, buti ung tigre nakakulong hehehe.. ang kukulit ng pictures nyo hihihi...

    kamura naman ng tryke jan.. 80 lang, sito sa aming eh 150K may prangkisa na heheh.. joke lang po


    maraming salamat nga po pala sa pagdaan nyo palagi sa bahay at sa inyong komento.. nakakainspred tuloy magsulat

    magandang araw po..

    ReplyDelete
  4. hehe ganda ng pictures!
    masaya din tlga pag mahaharot ksama mo! =)

    ReplyDelete
  5. ang kulit ng second installment.:D ang cute ng donkey, pde bang sakyan yan tapos magpakuha ng pic?

    ReplyDelete
  6. Uy namiss ko tuloy ang Ilocos =) glad to hear na wala pa ring entrance fee =) at improving, may wifi na =) =)

    ReplyDelete
  7. nakakainis, baket kaya d ko nakita yang tigers? :(
    love the 2nd to the last shot. hihi isa ang Ilocos Sur sa mga nagustuhan kong trips, sarap kase tumambay sa Vigan paggabe

    ReplyDelete
  8. malandi yung pony.. parang may head dress.. haha

    ReplyDelete
  9. Ganito pala sa Baluarte ni Chavit, kala ko meron lang syang alagang tiger, ang cute nung parrot, black, red and white pa lang nakikita ko, sulit na rin kahit may bayad.

    ReplyDelete
  10. nakakatuwa namn mga pictures nyo lalo na yung sa dinosaur! hehehe!

    ReplyDelete
  11. @khantotantra: yup naka cage yun tiger, kata-cute sila kc mas malaki pa ata sila sakin...

    @Xprosaic: Da Best sarap mamasyal jan kase sobrang lawak and pagala gala lang yun mga animals

    @ISTAMBAY: sobrang enjoy kapag makukulit ang mga ksama sa lakwatsahan..

    ReplyDelete
  12. @Chyng: Hello Chyng *hugs* Sobrang enjoy ako kase sobrang ang gugulo ng mga kasama ko

    @The Gasoline Dude: Astig ang Baluarte noh! apir*

    @Whatta Queso: Siguro ikaw bossing puwede sumakay kc payat ka eh.

    ReplyDelete
  13. @kalokang Pinay: UU nagulat kami may wi-fi at impeyrness, mabilis ang net nila.

    @thepinaysolobackpacker: Ganda ng Vigan sa gabi, sarap mag muni muni. Yun mga tiger asa tuktok yun mga cage nila.

    @Jeff: Hahaha, babae ata yun pony kaya ako inisnob

    ReplyDelete
  14. @lakwatsera de primera: Sobrang sulit kase andaming animals and free entrance sya :)

    ReplyDelete
  15. @anney: hehehe napag katuwaan namin yun dinosaurs

    ReplyDelete
  16. sayang! di ko yan napuntahan nung pumunta ako ng Vigan in 2005... maybe sa next visit nalang... hehehe!!!

    looks like you had a great time huh!!! cool!

    ReplyDelete
  17. Nakakatuwa kasi naalala ko rin mga lakad namin sa Ilocos dati. Naipost ko rin sya sa blog ko at masarap balik balikan actually ang Ilocos! Wait ko ang kwnto mo sa Pagudpod!

    ReplyDelete
  18. ang ganda naman dito. ang ganda ng blogelya mo. dahil jan, epafollow kita!

    ReplyDelete
  19. @Pinoy Adventurista: Yup we really had a great time.. visit mo yan mag eenjoy ka din..

    @Dorm Boy: Sobrang enjoy ang Ilocos. sige.. next entry Pagudpud na pwamis! hehehe

    ReplyDelete
  20. @Arvin U. de la Peña: yup, nakakamiss na nga kagad ang Ilocos

    @Rome: salamat sa pagfollow ^_^

    ReplyDelete
  21. Baka next year makabisita uli kami ng ilocos. Di ko na nga makita yung mga ibang pics namin jan kailangn na ng mga bago. hehehe!

    ReplyDelete
  22. I really hope the management of Baluarte, as well as the tourists, come to realize that they should be more sensitive to the plight of the dwarf horses. The Baluarte offers free carriage rides by the dwarf horses to their detriment. Today, I witnessed a sight of exhausted and wounded dwarfed horses being whipped every 3 seconds so as to carry a load of an average of 3 adults at a quicker pace. Animals are not machines and people should be more aware of this. Attached is a photo of one of the wounded and very exhausted dwarf horses.

    http://img.photobucket.com/albums/v150/silvertootsies/IMG_0997.jpg

    ReplyDelete