Monday, March 21, 2011

Ilocos Trip: Hidden Garden


After Baluarte, dito naman kami dinaan ng trike sa Hidden Garden. I don't know what to expect basta bahala na si Batman kahit saan mapadpad, ang importante masaya kaming apat. Hindi ko maintindihan kung Lilong at Lilang or Silong at Silang.. basta kayo na bahala kung ano pagkakabasa nyo jan. ^_^


Pagpasok namin, na caught ng mga wood sculptures ang attention ko pero may isa akong nagustuhan, etong nasa ibabang larawan. Napaka amo lang tignan ng mukha nung angel. Gusto ko sanang bilhin pero nakita ko ang presyo, may kamahalan pala ang wood sculptures kahit maliit lang. Para magkaron ng remembrance, ayan kinuhanan ko na lang ng picture.

Merong parang altar na puro Santo Niño ang nakakatuwa dito ay yung man made falls. Hindi nyo maaapreciate yung picture, mas maganda sya sa personal pwamis!


Meron donation chuva na puro perang papel, wala ata akong baryang nakita. May mensaheng "Dont throw it in the water", malamang kung itatapon nila sa tubig yun perang papel eh di lumutang lutang yan at madaling mabingwit at malamang isa kami sa namimingwit.. hihihi LOL juk juk lang po. Hindi naman namin gagawin yun kase nga donation yan para sa Santo Niño.


Isa pang nakakatuwa dito yung "Please use me properly" "Gets Mo?".. Hulaan nyo kung ano yan... hihihihi.. tan-ta-na-naaaaaaaaaaan.. actually hindi nakunan yun ibaba pero basurahan yan.

Nakakita kami ni Fluffy ng bench, syempre hindi puwedeng walang photo ops. Feeling "Lover's Bench" habang napapaligiran kami ng mga nag ku-kyutang bonzai, sweet sweetan ang posing.


Etong dalawa si Mapanuri at Blogging Puyat hindi ko alam kung anong trip! Naisipang maglaro ng spin the C2 bottle game. Hindi ko na inalam kung ano pinag uusapan nila basta gusto din nila ng photo ops habang finifeel ang upuang gawa sa clay. Malamig ba sa puwet yung upuan..? hmmm.. kase ang alam ko trip ng mga elephante ipintura yan sa kanilang katawan para malamigan ang kanilang balat.. wala lang bigla lang pumasok sa isip ko.. parang trivia lang.. hehehe..


Bago kami umalis ng Manila, lagi ko binabanggit sa mga kasama ko na hindi puwedeng hindi namin tikman ang empanada. Habang naglalakad, nagtanong ako sa isa sa mga care taker kung saan may masarap na empanada sa lugar. Sabi meron daw nagtitinda sa bandang entrance ng empanada, mega gora kami sa entrance at mega hanap ng empanada. Na-amaze ako sa laki ng size, pero hindi ko natripan ang lasa. Parang ilang days na sya naka display sa tindahan. Meron akong natikmang masarap na empanada, binili namin sa tabi ng terminal ng trike sa Laoag. Mas nagustuhan ko yung lasa kahit sa tabing kalye sya ginawa, mas malasa at kitang kitang bagong gawa at bagong luto. Mas malinamnam talaga at malasa ang sangkap. Sayang at hindi ko nakuhanan ng picture kase nagmamadali na kami pabalik ng airport baka maiwanan kami ng flight pabalik ng Manila. Paumanhin wala akong maipo-post na resibo kase hindi kami binigyan. ^_^


Pwamis sa next entry ko Pagudpud na. yihieeeeeeeeeee..

22 comments:

  1. nice naman! panalo ang mga dolyares... hahaha!!!

    ReplyDelete
  2. wow! gusto ko din jan. kaya lang ang layo.

    ReplyDelete
  3. uy, plano din namin ng wife ko na mag ilocos trip.. pwedeng makahingi ng mga ideas regarding iterenary? thanks!

    ReplyDelete
  4. di ako naka-base. wakokokokk.

    @MD, naks, mag iilocos kayo ng wifey mo. Naks.

    ReplyDelete
  5. musta ang wedding preparations? =)

    ReplyDelete
  6. Sa tingin ko mas maganda yung nasa harap ng man made falls kesa sa falls! O dibah?! hehehe! Sarap naman ng lakwatsahan na yan!

    ReplyDelete
  7. Paano ka napadpad dito kung hidden nga ang garden na to... ? Hahahaha....

    Nakikiraan lng po...

    ReplyDelete
  8. @Pinoy Adventurista: UU panalo yun mga dolyares.. halatang naka-ayos.. hehehe

    @rome: hello rome, medyo may kalayuan nga lang ang Ilocos pero the best jan.

    @MiDniGHt DriVer: wow mamamasyal kayo ni wifey.. si Mapanuri ang nag ayos ng itinerary namin.. si Chyng meron din itinerary ng Ilocos.

    ReplyDelete
  9. @Khantotantra: naku, anong nangyari sayo at hindi ka naka base..

    @Chyng: hello Chyng *hugs* Oks naman ang preparation, nakaka excite na nakaka-kaba.. hehehe

    ReplyDelete
  10. @Anney: aww! hehehe.. mas malinaw pala mata mo kesa sakin.. tomoh! mas maganda ang nasa harap ng man made falls.. hihihi

    @Frankie: tama, my point ka.. bigla nalang kami idinaan ng trike kaya nadiskubre namin ang hidden garden.. hehehehe

    ReplyDelete
  11. Wow! Hidden Garden, saan yan banda - super hidden hindi namin napuntaha, lol =)
    Looks like you guys had a blast, kakamiss lakwatsa with barkada...

    ReplyDelete
  12. @gepay: sabi ko kay rodem kunwari nag aargue kami, bigla ba namang nag spin the bottle!.. labo eh! :P

    ReplyDelete
  13. Ngayon ko lang narinig ang place na ito... parang hidden nga sya :) Will try to check out this place pagnakabalik. Thanks for sharing!

    ReplyDelete
  14. @Kalokang Pinay: sarap maglakwatsa kasama ang pamilya at barkada.. uu hidden sya hindi rin namin alam yan eh.. un trike driver lang nagturo samin..

    @Pinay Travel Junkie: hidden sya kase hindi sya mukhang garden sa labas..

    @Jeff: hahahaha.. baka gusto mag emote ni emo

    ReplyDelete
  15. "please use me properly gets mo?" palong palo ang sign na ito! :D ang saya naman ng paglalakbay mo! sana ako din mabigyan ng oras para maka larga at makapag lakwatsa ulit! :D

    ReplyDelete
  16. Wow. Gusto ko din pumunta dyan. Hihi. :D Sana makapaglakwatsa din ako!

    At btw, winner yung sign na "please use me properly gets mo". Hahaha. :D

    ReplyDelete
  17. ang sarap naman puntahan ng mga napuntahan mo na ateng.. kaya lang ang lalayo eh ...

    ang dmi mong lakwatsa hehehe...

    ingats po palagi

    ReplyDelete
  18. Tama ba ang nababasa ko na malapit nang ikasal ang babaeng lakwatsera :) Abangan ko ang Pagudpud post mo, one of my dream destinations

    ReplyDelete
  19. teh anong sinakyan niyo papunta dun?
    meh private plane ba kau? para kasing ginagawa niyo lang luneta ang norte eh! :)

    ReplyDelete
  20. Hi! found your blog thru mapanuri. ang kulit nung mga donation na yun. Ikaw na lang ang mahihiyang maghulog ng barya. hihihi!

    I also love wood carvings. Wag lang yung mga life size tapos nakalagay sa corridor. Sa background music naman may grand father clock na tutunog pagpatak ng alas dose. tapos mabubuhay ang carvings...tapos...

    hahah! takutin ba ang sarili.. Anyway thanks for sharing. Sana we could exchange links

    ReplyDelete
  21. @gepay - mas nakaemote naman si jeff sa pic na un.hahaha..
    gusto ko ulet ng empanadang mabigat sa tyan :D

    ReplyDelete