Tuesday, February 8, 2011

Ilocos Trip: Laoag


Medyo mahaba haba tong blog ko, pero wak mag alala, yun Vigan and Pagudpud gagawan ko ng separate na entry. Laoag muna to.

Last September nagkaron ng promo ang Cebupac. Kinontak lahat ni Mapanuri pero dalawa lang kami ni Blogging Puyat ang nag confirm na sasama. Si Bully Mapanuri nag asikaso sa booking at CC nya ang ginamit.

October binanggit ko kay Fluffy ang ilocos getaway naming 3 blogger. Hindi sya pumayag na ako lang mag isang babae, kelangan ko daw ng taga buhat ng gamit.. LOL joke lang hindi yun ang sinabi nya. Syempre sasama sya para magkasama kami sa 3 days 2 nights na lakwatsahan sa Ilocos.

Nakaka excite, first time kong makakasakay ng erpleyn! Gusto ko mafeel yung sinasabi nilang nakakalula, masakit sa tenga at yung lulundag ang tyan kapag umakyat at bumaba ang eroplano. weeeeeeeeeeeeeeeeeeh! An lakas ng loob pero sa totoo lang, mahilig ako mag aroskaldo sa sasakyan nung bata pa ko.. mahihiluhin kase ko. hihihi..



Bilis ng panahon, January na pala.. Ilocos getaway na.. yehey!.. Todo ngiti abot hanggang tenga, hindi puwedeng walang remembrance sa NAIA, ebidensyang nakapunta na.. Halatang first timer talaga.. hahahah
Late lumipad yung erpleyn, eh pano may queue, may inaantay pa. Kala ko sa lupa lang may genun genun.. meron din pala sa mga eyrport. Nag demo na ang mga flight attendant, ayan na pinapakabit na ang seat belt, excited much lang! Todo ayos pa ko ng pwesto, gusto ko mafeel ang paglipad, ayan na.. ayan na... weeeeeeeeeeeeeeeeeeeeh! Paglingon ko sa kanan, .. wenk naghihilik si Fluffy, KJ much lang! armpf!! sige na nga, naiintindihan kong puyat ka.. ayabyu Fluffy!

Dalawang beses nag U TURN ang erpleyn sa dagat, may pag ka OA ang pag U TURN nakaka takot na nakaka excite. Hindi ata maka landing yun eroplano meron pang naka park sa eyrport ng Laoag. Biglaang nagkaron ng turbulence, lalong nagising ang mga dugo ko sa katawan. Si Fluffy gustong matulog na naman, sabi ko "WAK ka Matulog!", exciting ito para kaming asa roller coaster! Wala akong nagawa, tinulugan parin ako ni Fluffy, sige na nga ako nalang makikiramdam sa turbulence. HMP!

Around 2:20PM na kami nakarating ng Laoag, wala kaming makitang tricycle buti nalang may nakaparadang jeep at merong kasabay pupunta sa bayan. P40 ang isa, yung layo ng binyahe from erport to St. William’s Cathedral eh kasing layo lang ng byahe ko ng madaling araw from Quiapo to Crossing Ilalim pero P19 lang pamasahe. Hindi naman ako kuripot pero napansin ko lang naman yun layo.


May kinakasal sa St. William's Cathedral, hindi kami nakapasok, sayang eto pa naman ang isa sa malaking cathedral sa bansa. Di bale may next time pa naman, sisiguraduhin kong babalik kami ni Fluffy sa Ilocos noh.



Ito ang Sinking Bell Tower, hindi rin kami nakapasok, parang walang entrance door nag sink na ata.



SARAMSAM Ylocano Restaurant


Ensaladang Bagnet P190 - locally known as Chicharon ng Ilocos. Lechong kawali naman kapag asa Manila. Kinain ko lang dito yung ensalada, takot kase ko ma high blood.
Poque Poque Pizza P160 - tomato sauce, egg, shallots, green onions and smoked eggplant. Mahilig ako sa inihaw na talong, lasang lasa yun smokey flavor.. Natuwa ako sa Chili oil, nakakaadik ang anghang!
Saramsam Pasta P120 - green and ripe mango, tomato, bagoong and onions. Impeyrness, lumabas namang masarap yung combinasyon, hindi sya masakit sa dila. Nagpasarap dito yung bagoong isda.
MUSEO Ilocos Norte Rukod Ken Bagting - malapit na mag close nung napuntahan namin.
Nagbayad kami ng entrance fee pero hindi ko na maalala kung magkano kase nagmamadali na kami at malapit na talaga sila mag close.
Hindi ko alam kung ano naisipan ni Fluffy magpapicture dito sa kalesa basta sabi nya kuhanan ko daw sya.. napaka masunurin ko lang noh?!
Eto ang nakakaloko,.. yung lumang radyo, gumagana pa.. Astig!! pero kahit anong pihit hindi lumilipat ng istasyon.. ang sikreto.. .............
May totoong radyo sa likod!.. buking!
After namin tignan yung mga nasa ibaba, umakyat naman kami at doon naman ang mga sample kagamitan sa makalumang bahay.
Ayan si BloggingPuyat.. feeling makaluma.. hiniram yung salakot..
Etong si mapanuri feeling malakas at kayang buhatin yung kariton,.. si Blogging puyat nainggit, kumuha ng sibat!
Ako naman feelingera din, feeling marunong tumugtog nitong.... nitong.... nitong... ano pangalan nito..? yung parang guitarang malaki..? Lyre ba ito..?
Sa susunod na entry naman ang VIGAN at PAGUDPUD.. hindi ko mapagkasya lahat dito.. buong araw ko tinapos tong entry na to..



25 comments:

  1. base!!!

    wakakk. parang kalabaw si mapanuri sa pagbubuhat ng kariton.\

    yung pizza parang ambastos banggitin. wakokokokokoko.

    sayangs. di ako nakasama, dapat pala nagpabook din me

    ReplyDelete
  2. @Khantotantra: ASTIG MO TALAGA!! laging ikaw una sa mga nagkokoment dito.. sayang talaga.. kaya next time sumama ka na huh.. sa hot air balloon sama ka..

    ReplyDelete
  3. waahhhhh!!! ang gaganda nung mga makalumang gamit!!!! sana pala sumama ako.. di bale, sa susunod na lakwatsa ng mga bloggers, sasama na ako.. :D

    ReplyDelete
  4. @khantotattoo: sa hot air balloon ba magsisipunta kayo..? alam ko sila mapanuri and spiderham pupunta

    ReplyDelete
  5. nagscroll ako ng mabilis sa pagkain na part, would only remind me how helpless i am nung punta ko jan.. hehe

    inferness, mas masaya pag may group na kasama, pag kulang pera mo, utang muna sa friend! =)

    ReplyDelete
  6. Ako din Chyng medyo natagalan ang tingin sa food :) laway mode!

    ReplyDelete
  7. Nice! i will also be visiting Ilocos norte in April. Solo trip ulit... thanks for sharing your experience..

    ReplyDelete
  8. nakakainggit...sarap naman ng gala nyo sa ilocos... isa yan sa gusto kong marating...

    ReplyDelete
  9. @Chyng: TAMAH! kase puro utangan ata ginawa namin dahil puro buo pera..

    @Lakwatsera De Primera: masarap yung Pizza.. promise!

    @Pinoy AdvenTurista: Ang swerte ng mga Ilocano, ganda ng Ilocos.. the best!

    @Moks: makakapunta ka din sa Ilocos.. abangan ang piso fare.. sulit yun..

    ReplyDelete
  10. haha ang SARAP ng PIZZA na yan!

    @khanto: buti ngan hindi ako nag itim kungdi magmumukha talaga kong kalabaw!.. :P POGING kalabaw.. haha yaan mo sa Iloilo maghahanap tayong adventure! :D

    ReplyDelete
  11. Ang sarap naman! HUling nakapunta ko jan e mga 5 years ago na yata. Gusto ko bumalik!

    ReplyDelete
  12. ang dami mong gala ate.. at laging ang dami kong gutom dito hehehe.. sarap sarap naman...

    happy trip po :)

    ReplyDelete
  13. teh sama naman ako sa next trip nyo hehehehhe

    pero parang ayaw ko maniwala na first time mo lang makasakay ng airplane

    ReplyDelete
  14. Nice. Gusto ko rin pumunta dyan.

    Just followed your blog Ang Babaeng Lakwatsera. hahaha. Ang haba ng pangalan. :)

    How do you want me to call you pala?

    ReplyDelete
  15. harp yata yung instrument na hawak mo. gusto ko ring magpunta ilocos at mag-food trip :D

    ayan gutom na naman ako...

    ReplyDelete
  16. @Jeff: nagke-crave ako ng pizza tuloy ngayon.. gusto ko yung smokey flavor din ng eggplant.. yumyum

    @Anney: Kami din sana makabalik.. ganda tlga sa Ilocos..

    @Istambay: Ako din madaming gutom,.. sarap kumain.

    ReplyDelete
  17. @Ewan: Swear, first time ko makasakay dun.. hihihi.. nag enjoy lang ako masyado kaya nde ako kinabahan..siguro sa sobrang excited makarating ng Ilocos.. ^_^

    @Dylan: Thanks for following, you may call me Gepay.. ^_^ I followed your blog din :)

    @Sikoletlover: hahaha HARP pala tawag dun.. hihihi.. salamat sa pag korek.. kc nde ko talaga alam pangalan nun eh

    ReplyDelete
  18. Apir! Mahilig din ako sa lakwatsa hahaha...pero lie low muna ako ngayon busy pa sa career hehehe...Ang ganda naman ng experiences mo hehehe...sana makapunta din ako jan pero ang layo lang kailangan talaga ng MARAMING oras para sa paggala jan hehehe...

    Unang beses!

    ReplyDelete
  19. ay pagkain drooling na naman ang batman..

    ReplyDelete
  20. mukhang maganda at ayos ang lugar na iyan na laoag.....abangan ko ang sa vigan naman..

    ReplyDelete
  21. @Jag: korek.. kelangan ng maraming oras kc bitin talaga. dae namin hindi napuntahan.

    @Empi: masarap yun pizza, until now nde ko makalimutan yun lasa

    ReplyDelete
  22. @KikomaxXx: nakakatakam ang mga pagkain.. maski ako kapag tinitignan ko yung mga pictures ng food.. nagddrool din ako

    @Arvin: siguro sa mga susunod na araw.. ippublish ko na yung vigan :D

    ReplyDelete
  23. dami mong followers ate gepay. danda rin ng mga blog entry mo mapapabasa ka talaga. nakakuha ako ng tip mula sa yo sisimplehan ko na rin mga blog ko

    ReplyDelete
  24. hi sis, nainspired ako s log mu.. help me please,, plan kc nman ng husband pmnta jan this sept 17, so ano ba uunhain na pnthan> ilocos sur kme ng sat then ilocos norte sa sunday?? help me pls :) thanks ;)

    ReplyDelete