Friday, July 9, 2010

Shark's Fin


Eto ang Lunch namin ng mom ko Shark's Fin and Fish Ball na may mukha na parang daga hihihi. Infairness, masarap ang shark's fin sa SM North. Php 59 for 10pcs syempre raw yan nung binili ko at pinrito nalang ni mommy.

Thursday, July 8, 2010

Jun Encarnation Salon


Dati ay uso ang mag pa relax ng hair pero may kamahalan sya. Ang maiksing buhok ay Php 500 at ang mahaba ay inaabot ng libo. Nauso ang rebond at nagmura ang relax, ngayon ay any length Php 500 nalang sya with cellophane treatment ng kasama. At ang rebond nag start sa Php 1500 kapag maiksi. Pinaka mahal na narinig kong rebond ay Php 8000 dahil hanggang bewang ang hair nya. Grabe hindi ko gagastusan ng ganung halaga ang buhok ko, papagupitan ko nalang bago ko mag pa rebond.

Unang rebond ko ay sa X-tenso at ang binayad ko ay Php 4000 kahit hanggang baba lang ng tenga ang hair ko. Kinagandahan naman ay sobrang lambot, shiny and silky ng hair ko. Tin-ry ko lang naman kung ano feeling ng naka rebond ang hair and masaya pala. Pero mabigat ang ganung halaga at matagalang ipunan sya. Second rebond ko ay sa Jun Encarnation na para makamura. Kasama ko nagpa rebond ang ate ko, Php 1500 any length with cellophane treatment ng kasama. Until now ay sa Jun Encarnation main branch parin ako pumupunta kapag magpaparebond ng hair.

Nagpasama sakin si payat sa main branch ng Jun Encarnation sa Tutuban para magpa rebond at naisipan kong magpicture picture para matanggal ang aking boredom.
Gusto ko yung ambiance at interior design ng lugar dahil very relaxing sa mata at pakiramdam.
Eto ang malaking flower display sa gitna ng parang lobby nila, at sa sobrang laki nya hindi mo matatanaw ang mga nakaupo sa couch sa kabilang side.


Eto si payat after lagyan ng chemicals sa buhok at matagal tagal na antayan dahil 4-5 hours ang rebond.


Tuesday, July 6, 2010

Cerealicious


Napanood ko sa Travel and Living ang Cerealicious sa Canada. Sila ang mamimili ng combination na gusto nila at sila na bahala kung gano karaming milk ang gusto nilang ilagay. Meron pa nga silang Cereal on the Go na parang Chinese style daw dahil kinuha nila ang konsepto sa rice in a box or noodles in a box ng mga Chinese.

Ang larawan ay galing dito the rest was taken by me.

Pinili namin ni payat ang dalawang my thumbs up. At makikita mo kung gano karami ang ilalagay nilang cereal sa malinggit na cup.


Ang inorder namin sa pagkakaalala ko ay Pirates at A Walk to Remember. Ipinangalan nila ang mga cereals nila sa title ng mga movies.


Titigan nyo maigi ang litrato sa ibaba at matatanaw nyo ang ice na may gatas at kakapiranggot lang ang cereals.


Actually masarap naman sya pero nakakadaya nga lang dahil yung cereals eh parang ginawang pantakip lang sa yelo sa ilalim. Mabibilang mo lang kung ilang piraso lang ang cereals na nilagay nila sa cup at mas lamang ang yelong may gatas. Sa naaalala kong napanood ko sa Travel and Living, ang Cerealicious sa ibang bansa, ang isang cup ay puno ng cereals at bahala ka na maglagay ng gatas. Inshort ay yung isang cup ay puro cereals lang at hindi yelo.


Pero dahil andito tayo sa Pinas parang kinuha nila ang concept sa halo halo sa kanto na mas lamang ang yelo kesa sa laman. Pero (biglang bawi) masarap naman sya.

Sunday, July 4, 2010

PNR train

Hindi ko makuhanan ng picture yung train sa sobrang bilis ng andar, lahat ng shots ay blurred. Ang larawan sa itaas ay galing dito, the rest of the pictures was taken by me.

Entry ko noong June 30, 2010 ang Pasig River Cruise kaya naisipan naming mag PNR naman.

Bumabagyo at bumabaha nung Lunes pero dahil malakas ang trip namin, bumyahe at sumakay parin kami ng PNR train. Taga Tondo ko kaya malapit lang sa Blumentritt station ng LRT at PNR.




Dumating kami ng 4:07PM at hindi namin nahabol ang 4:09 na schedule kaya inantay ang next schedule ng train ang 4:39PM.



Sa kabila ang antayan ng mga papuntang Divisoria kaya tumawid pa kami pagkabili ng ticket.


Sampung Piso ang ticket hanggang San Andres Bukid. Sabi ng Tita ko Kinse Pesos hanggang Sucat.


Eto kami ni payat habang nag aantay kase 30 mins pa ang bago dumating ang susunod na train, photo ops muna.



Sa may female area kami pumasok, ayaw namin makipag siksikan sa pang lalaking area. Napansin ko lang, puro lalaki ang mga nag aabang ng train, siguro takot pa ang mga kababaihan na itry ang bagong train. Sobrang lamig sa loob, malakas ang ulan kaya malamig ang buga aircon.


Meron guard sa tabi ng pinto para kapag may naligaw na lalaki sa entrance ng babae pinalilipat sa kabilang pinto. May sliding door sa gilid ni manong guard na pang separate sa pang babae at panglalaki. Yun nga lang hindi ko nakunan ng picture dahil takot ako sitahin at makuhanan ng cellphone.





Pag dating sa may Espanya walang masyadong sumakay pero pagdating ng Sta. Mesa kala mo may stampede at nagkakagulo lahat ng studyante sa pakikipag unahan na makahanap ng puwesto para makaupo.



At tulad ng nabanggit ko kanina, lahat ng naligaw na lalaki sa female area ay ipinalipat ni manong guard sa kabila. Pinadaan nya sa sliding door sa gilid ng kinatatayuan nya. Pero ang mga senior citizen na lalaki pinapaiwan at pinauupo sa bandang unahan.


Ang mga station na dinaanan namin ay: Blumentritt, Laon Laan, Espanya, Sta. Mesa, Pandacan, Paco at San Andres.



Tinry ko kuhanan ng picture ang train pero mabilis talaga hindi ako umabot kaya ang napicturan ko nalang ang mga payong ng ibang pasahero.



Para sa akin napaka convenient ng PNR train dahil pag pumupunta ko kela payat sumasakay ako ng LRT1 from Blumenttrit to Quirino Php 15. Tapos sasakay ng Jeep simula Quirino dadaan ng Simbahan at eskwelahan ng St. Anthony at palengke kaya sobrang traffic at aabutin ako ng siyam siyam bago makatawid ng Osmena highway. Pero sa train, asa Osmena na kagad. Ang dating 10-15 mins na byahe simula Quirino papunta kela payat 3-5 mins nalang. Astig ang bilis!!

Friday, July 2, 2010

Jonas Beef Pares


Noong bata pa ako ay madalas kaming may handa ng siopao at puto ng Jonas na ibat iba ang kulay kapag New Year. Pero biglang nawala ang tradition na ito dahil nagsara ang Jonas na binibilhan ng puto ng mommy ko. Akala namin ay nabura na sa mundo ang Jonas pero ito ay nagbalik at nagtayo sila muli ng bagong branches.

One time ay inaya ni abadski si payat kumain sa Jonas sa Boni. Andaya hindi nila ako sinama dahil malayo ang opisina ko sa kanila. Pero syempre hindi ako nagtampo dahil alam kong one day makakakain din ako dun.. wosus ang drama ko lang.

Matagal ko ng alam na may Jonas sa SM San Lazaro pero lagi ko nakakalimutan. Gusto ko itry ang pares nila dahil maraming umoorder dun ng pares to go.

4 days ako nakaleave at hindi pa included dun ang Sunday at Monday, so 6 days akong bakasyon sa bahay. Nagcrave ako ng pares at pinilit ko si payat na ilibre naman nya ako sa Jonas, tampu tampuhan kunwari dahil nakakain na sya doon.
Hinayaan ko nalang si Payat ang umorder kase ililibre nya ako. Eto ang patakas na pagkuha ko ng picture kase baka magalit yung babae, nakasimangot kase.

Diet ako diba, pero dahil gusto ko matikman ang pares, oks narin sakin ang may kanin at pipilitin ko syang ubusin. Ayon nga pala sa OurAwesomeplanet, ang ibig sabihin ng Pares ay beef na ipinares sa rice. At ang Jonas ang naka imbento o naka diskubre nitong pagkain na ito.
Simula ng nag brace ako dati ay hirap na ako kumain ng beef kahit ngyong na tanggal na sya ay bihira padin ako kumain nito dahil feeling ko matatanggal ang ngipin ko. Unless sobrang pinalambot ang beef na sobrang nilabog na malapit ng madurog. Pero ang beef ng pares ay sobrang lambot dahil slow cooked daw ang ginawa dito at niluto sa charcoal ng 12 hours, Astig!
At asusual ako na naman ang umubos ng tira ni payat kaya ako tumataba. Sa apat na araw na leave ko at dalawang off sobrang laki ng itinaba ko uli.

Wednesday, June 30, 2010

Pasig River Cruise



Nang mapanood ko ang movie ng I Miss You Like Crazy ni John Loyd at Bea ay nainggit ako at gusto ko maexperience ang pag sakay sa Ferry na sinakyan nila. Hindi puwedeng palampasin at kelangan maexperience ko din ang pagsakay dito para ma ilagay ko dito sa blog ko. Pero nawalan ako ng pag asa dahil parang walang may gustong sumama samin ni payat. Ayoko ng kaming dalawa lang ni payat ang sumakay doon dahil hindi kami parehas marunong mag swimming. Kapag nag si-swimming kami ay tinatawanan ako ni payat dahil langoy aso lang ang alam ko. Parang asong bundat nga daw (ouch!!).

Isang araw ay binigla ako ni bullyjepjep na sasakay daw kami ng Pasig River Cruise, shocks hindi ako handa at hindi ko dala si Pachuchay (ang aking dslr). Pero sige gora nalang at dala ko naman ang aking cellphone. Tinext ko si payat at sinabi kong sasakay kami sa ferry at tuwang tuwa si payat dahil another adventure itech.

Unang station na sinakyan namin ay Guadalupe at bababa kami sa Intramuros. Nagbabakasakaling makita ko ang mga bato ni Bea at makita ko ang lalaking nakasalamin sa may ilog na si John Loyd. At pupunta kami sa Baluarte ng Intramuros baka makita ko si Lolo na nang hula kay Bea. Wenk bigla akong kinorrect ni payat, hindi daw Intramuros yun kundi Paco Park. Sige na nga next time pupunta ako sa Paco Park bago ko sumakay sa Cruise uli baka makita ko si Lolo.

Tinawag na kami upang bumaba na dahil parating na ang Cruise. Nagpicture picture-an muna kami para syempre remembrance noh. Obvious naman sa mga ngiti namin na excited na kami makasakay sa Ferry.
Medyo may amoy pa ang Pasig River pero hindi na sya amoy pagka pasok sa ng cruise dahil aircondition ang loob nito. Medyo konti lang ang sakay nito siguro dahil may pasok sa araw na ito.

Eto ang istasyong pinanggalingan namin, ang Guadalupe at umaandar na ang ferry namin.

Kinunan ko ng picture ang dalawang kasama namin ni payat, si bullyjepjep at si bossing habang pinaguusapan nila ang mga station na dadaanan namin.
Sinabihan kami na puwede namin kuhanan ng picture ang ibang building except sa Malacanang, for security purpose daw at sinunod naman namin ito.

Nang pinanood namin ng mommy ko ang I Miss You Like Crazy ay nacurious kami parehas kung may Lambingan station ba talaga or imbento lang para sa movie. Kaya sobrang inabangan ko kung merong ganitong station at sobrang tuwang tuwa ako ng madaanan namin ito. Nag iilusyon na naman ako na makita si John Loyd, yiheeeeee *kilig*.
Pagkakitang pagkakita ko sa Lambingan station ay kinuhanan ko kagad ng picture at sabay text sa mommy ko para ipagmalaki na nakita ko ang station na ito (weird ko lang). hihihi.. Last station ay ang Mexico Intramuros station. Hindi ko na nakuhanan ng Litrato kase excited na ako makapunta muli sa Intramuros at makita ang dati kong tambayan, ang Baluarte San Diego. Ikwe-kwento ko sa susunod na entry ko.

Sunday, June 27, 2010

PopStar PizzaHut




Another bonding moment namin ng mom ko. Naisipan naming mag lunch sa Pizza hut at umorder ng PopStar pizza. Nacurious lang kami kung ano lasa.
While waiting for our order naisipan ko muna kunan ng picture yung place. Gusto ko ang bagong bihis ng Pizza hut dito sa Rob Mla dahil parang ambango nya tignan. Unlike before sobrang liit at sikip ng puwesto nila. Ngayon dim light padin naman pero hindi na tulad dati na sobrang dilim.
Sa pinaka dulo kami pumwesto ng mom ko kung saan makikita namin yung kitchen. Gusto namin makita ang mga order ng iba na dadaan sa harapan namin, wala lang trip lang namin.


Emo look daw sabi ng mom ko, aba sosyal ang kikay kikay lang ng aking mother parang teenager. Nakakatuwa ang mom ko kase parang kasing edad ko lang kahit malapit na sya mag senior citizen next year. (faktay binuking ko na naman sya)

Gusto ko yung sausage ng PopStar sobrang juicy and meron syang cheese dip pero hindi ko na nakunan ng picture. Hindi ako fan ng cheese dip kaya hindi ko sya masyadong di-nip. Pinaliguan ko ng hot sauce ang pizza ko dahil mas preferred ko ang spicy food. Gusto ko din yung green and red pepper nila, crunchy and sweet yung taste nya.

Tig dalawang slice lang kami ng mom ko then tinake out namin yung natira namin para pasalubong namin sa ate ko.