Sunday, August 16, 2009

Secret Recipe



Nagke-crave ako ng pasta and cake lately, kaya naghanap kami ng place were we can eat both. We saw a poster of Secret Recipe and base there mura lng yun food nila. Pagdating namin dun sa place, wala kaming mapuwestuhan sa sobrang dae ng tao. Pumwesto kami sa bandang dulo na hindi pa nililinisan yun table. Tinawag ko yun isang waitress nila para linisan yun table, yun nga lang sobrang busy sya kya we waited for 5 minutes bago sya nakalapit samin. Tinawag namin uli yun waitress pra hingin yun menu nila and it took 10 minutes bago nila naibigay. Napansin ko, isa lang ang nagseserve sa dami ng tao.

I ordered spaghetti with pumpkin soup and ice tea for P149. My mom ordered Lasagna with a bun, pumpkin soup, cake and ice tea for P199. Yun bagal ng pagbibigay ng menu samin eh tolerable pa pero yun tagal ng pagserve ng food hindi na, nakakapang-init ng ulo lalo na kung gutom na ang customer.

We waited for 10 minutes bago nila sinerve yun ice tea. After 15 minutes nagfollow up ako ng ibang order namin kase parang nakalimutan na kami. Then after follow up we waited another 5 minutes bago sinerve yun pumpkin soup. Medyo nangangalahati na yun soup bago hinatid yun spaghetti. After ihatid yun spaghetti we waited another 10-15 minutes for the lasagna. And take note, yun manager ang nagseserve at the same time sya yun nakapwesto sa cashier.

Nung nakakain na kami hiningi na namin yun bill kase mamimili pa kami ng mom ko. Medyo napahaba haba ang kwentuhan namin at napatingin ako sa relos ko.. hala 5pm na. Dumating kami sa Secret Recipe ng 2:30pm, then 5pm na kami natapos sa sobrang pagong ng service nila. Nakailang beses ako magfollow up sa bill namin. Siguro kung masamang tao lang kami, tinakasan na namin yun at hindi na kami nagbayad kase parang nakalimutan na nila yun table namin. Buti naman nun inabot ko yun payment eh mabilis nilang nasuklian yun P1000 ko.

Masarap sana yun food nila yun nga lang hihimatayin ka sa gutom sa sobrang pagong ng service nila. Pansin ko, isa lang ang nagseserve na waitress sa kanila and yun manager eh waitress din at the same time cashier. Hindi ko na nakuhang magreklamo or magalit kase baka kulang nga talaga sila sa tao. Either my problem sa management or kulang sila magpasweldo ng tao nila.


Pumpkin soup

Lasagna


Cake

Spaghetti

Friday, August 7, 2009

Barasoain Church


August 2, 2009 Sunday
Pumunta kami sa Malolos para dumaan sa Barasoain Church.

Excited ako na makikita ko uli ang isa sa mga oldest Church na itinayo nung panahon ng mga kastila. Pero medyo nalungkot ako nung parang nag iba ang itsura ng park sa harapan ng simabahan.

Medyo nanibago ako kase hindi yun yung naaalala kong church prang anlaki ng pinagbago. Siguro kase nirerenovate yun labas nya ginagawang modern yun place.
Naalala ko pa may wishing well sa gilid ng church near the museum, pero hindi ko na sya nakita. Siguro hindi ko lang masyadong nalibot yun place unless tinanggal nadin nila yun. Sayang sana i-maintain nalang nila to preserve the historic place kesa irenovate nila to look new and modern.





La Mesa EcoPark



Me and my college friends went to La mesa Eco Park. We don't have a car so we took a cab to get there. Our meter from Cubao to Fairview was only 120 but we gave manong additional 20 for a tip ;-)

The entrance fee is 50 pesos and syempre the entrance fee for boating, swimming and for the other outdoor activity was not yet included sa P50 na yan. hahahaha.. ano kayo sinuswerte.

The entrance fee for the Swimming pool is P80. If you will rent a boat for boating it's P100 and it's only for 30 mins. For the Butterfly farm, the entrance fee is P25.




The place is very quiet and relaxing. Sayang hindi ko dala si Pachuchay (DSLR), ansarap mag shoot ng mag shoot. I love to take picture of a tree, bihira nalang kase makakita nito sa city. Ginamit ko nalang yun iphone ko pra mag take ng pictures buti nalang maganda ang mga shots.


We went there on a regular day Wednesday so there weren't many people and just a few couples. Konti palang nalilibot namin, we get tired kagad because the place was so huge. It's a good thing na may prang kubo na pwedeng pahingahan. Actually it was for rent but because wala namang tao and walang makakakita, naki higa kami dun pra magpahinga.



Hindi pa namin nalilibot yun place when it started to rain. Badtrip sayang, we're planning to rent a boat pa naman and to see the butterfly farm. But still nag enjoy padin ako kahit saglit lang kami. Panigurado babalik kami jan and this time dala ko na si Pachuchay (DSLR)



FlapJacks part 2 ang pagbabalik




Bumalik kami ni Payat sa FlapJacks to try their other menu for breakfast. This time we ordered blueberry pancake 300+ for 3 pcs and Country Fried Chicken Steak 305 for 2 pcs.



I'm not a blueberry lover kaya hindi ko sya naapreciate. Sa 3 pcs na yun, pina wrap namin yung 2pcs na natira. In short isa lang nakain namin na pancake hati pa kami. After i uploaded the pictures sa Facebook account ko may mga nag comment, favorite daw nila yun Blueberry pancake. Well kanya kanyang panlasa lang naman yan.



Yung Country Fried Chicken Steak, masyadong dry yun rice nila and matabang yun breading. Napaka dull ng lasa nun food. Ewan ko ba bakit hindi namin nagustuhan yun food nila this time. Maybe masama ang gising nun chef and affected yung niluto nya. Because i remember the first time we went there, sobrang satisfied kami sa mga inorder namin.




Drinks, eto lang ang nagustuhan ko at isa sa babalikan ko dito, ang Oreo shake. Sobrang creamy nya and yummy. Isa lang inorder namin na drink kaya naghati kami dun sa shake and we're both happy na kahit papano my isang order na ok ang lasa.


Bagong Bihis ng Greenwich


Naisipan namin ni payat mag meet after shift to eat breakfast. Ewan ko ba nagke-crave ako ng Pizza Lasagna but sad to say karamihan ng PizzaHut na alam namin eh nirerenovate. We thought of Greenwich nalang sa Pedro Gil para meet halfway. We used to went there nung college pa kami, si payat unang nagdala sakin dun.


Before, badtrip ako sa itsura ng Greenwich kase parang napaka dirty and may odor yung mga tables. Eh pano parang hindi nilalabhan yung basahang gamit pampunas ng tables or bihira sila magpalit ng basahan.




Now, lahat ata ng branch ng Greenwich eh narenovate na. I like the new look, they look neat and smells good. hahahaha.. mas maganda na yung ambiance nila. Gusto ko yun parang sofa napaka comfy unlike before. Wala lang naisipan ko lang i-share.