Nagke-crave ako ng pasta and cake lately, kaya naghanap kami ng place were we can eat both. We saw a poster of Secret Recipe and base there mura lng yun food nila. Pagdating namin dun sa place, wala kaming mapuwestuhan sa sobrang dae ng tao. Pumwesto kami sa bandang dulo na hindi pa nililinisan yun table. Tinawag ko yun isang waitress nila para linisan yun table, yun nga lang sobrang busy sya kya we waited for 5 minutes bago sya nakalapit samin. Tinawag namin uli yun waitress pra hingin yun menu nila and it took 10 minutes bago nila naibigay. Napansin ko, isa lang ang nagseserve sa dami ng tao.
I ordered spaghetti with pumpkin soup and ice tea for P149. My mom ordered Lasagna with a bun, pumpkin soup, cake and ice tea for P199. Yun bagal ng pagbibigay ng menu samin eh tolerable pa pero yun tagal ng pagserve ng food hindi na, nakakapang-init ng ulo lalo na kung gutom na ang customer.
We waited for 10 minutes bago nila sinerve yun ice tea. After 15 minutes nagfollow up ako ng ibang order namin kase parang nakalimutan na kami. Then after follow up we waited another 5 minutes bago sinerve yun pumpkin soup. Medyo nangangalahati na yun soup bago hinatid yun spaghetti. After ihatid yun spaghetti we waited another 10-15 minutes for the lasagna. And take note, yun manager ang nagseserve at the same time sya yun nakapwesto sa cashier.
Nung nakakain na kami hiningi na namin yun bill kase mamimili pa kami ng mom ko. Medyo napahaba haba ang kwentuhan namin at napatingin ako sa relos ko.. hala 5pm na. Dumating kami sa Secret Recipe ng 2:30pm, then 5pm na kami natapos sa sobrang pagong ng service nila. Nakailang beses ako magfollow up sa bill namin. Siguro kung masamang tao lang kami, tinakasan na namin yun at hindi na kami nagbayad kase parang nakalimutan na nila yun table namin. Buti naman nun inabot ko yun payment eh mabilis nilang nasuklian yun P1000 ko.
Masarap sana yun food nila yun nga lang hihimatayin ka sa gutom sa sobrang pagong ng service nila. Pansin ko, isa lang ang nagseserve na waitress sa kanila and yun manager eh waitress din at the same time cashier. Hindi ko na nakuhang magreklamo or magalit kase baka kulang nga talaga sila sa tao. Either my problem sa management or kulang sila magpasweldo ng tao nila.
No comments:
Post a Comment