Friday, November 27, 2009

Meralco Christmas Exhibit

November 20, 2009

Pumunta kami nila mcdoh, jim at payat sa Meralco para ifeel ang magandang ambiance sa compound nila. Pwedeng pumasyal ng libre at isama ang buong pamilya.


ang malaking Belen sa harap ng building ng Meralco. Tignan nyo kung gano ako kaliit sa picture.


Makikita nyo sa likod ko yun malawak na compound na kinatatayuan ng Belen at mga iba pa nilang display para sa exhibit. Napaka ganda ng view sa Meralco.


Ang malaking sheep.

Monday, November 23, 2009

New Moon: Jacob Black


November 21, 2009

Last Saturday naka schedule kami manood ng New Moon ni payat. Usapan namin 6:00 pm kami magkikita sa Robinson's Manila at dahil sa traffic prehas kami nakadating ng 6:15 pm. Dumiretso kagad kami kagad sa Midtown wing para bumili ng ticket. Asa escalator kami ng 3rd floor my natanaw kaming mahabang pila sa 4th floor, as in OA sa haba. Sabi ni payat, oh noh sana hindi pila sa New Moon yan. At nagdilang anghel si payat, pila nga sa sinehan hanggang gilid ng escalator.

Time ng New Moon sa Robinson's Manila

6:30 PM, 7:00 pm, 7:30 pm, 8:00 pm 9:00 pm at 10:00 pm

6:20 pm nakapila na kami para bumili ng ticket, sabi ni payat sana umabot kami para sa 6:30pm. Sabi ko kay payat malabo yun sa haba ba naman ng pila malamang ubos na ticket para sa 6:30. Nanalangin kami na sana umabot kami sa 7:00 pm para hindi kami gabihin ng uwi.

7:00 pm na 30 mins na nakakaraan at nasa gitna palang kami ng pila.

7:30 pm, 1 hour na kami nakapila sa wakas malapit na kami sa bilihan ng ticket.

7:45 pm, malabong umabot na din kami sa 8:00 pm sana may 9:00 pm pang ticket

Sa wakas, nakadating din kami sa dulo pagkatapos ng mahigit isang oras at pang 9:00 pm ang nabili naming ticket. Lumingon ako sa pila, sobrang haba padin hanggang malapit sa escalator. Malamang pang 10:00 pm na sila oh kaya balik nalang sila ng Linggo.

8:45 pm, pinapasok na kami sa loob ng sinehan. Seryoso lahat ng nanonood at iniintindi bawat eksena sa pelikula. Meron part dun na naghubad ng shirt si Jacob at maraming naghiyawan, isa na dun si payat.

Mas kinakikiligan na ngayon si Jacob, mas attractive na sya kesa kay Edward. Sabi nga ni payat dapat man lang nilagyan ng konting muscle si Edward. Ang sagot ko, meron ba namang vampire na biglang magkaka muscle ng dugo lang ang iniinom.. hehehe si payat talaga..

Bawat eksena ni Jacob nag hihiyawan mga tao, lalo na kapag ka eksena si Bella kinikilig mga teenagers and estudyante na kasabay naming nanonood sa loob ng sinehan. Parang mas gugustuhin ko pang sya nalang maging ka love team ni Bella kesa kay Edward pero hindi ko naman pwede baguhin ang storya ng libro.

17 years old lang si Jacob or Taylor Lautner sa totoong buhay. 30 lbs ang nirequired sa kanya para sa pelikulang New Moon. Mabigat na muscles yun.. Madalas daw nyang kainin eh meat patties, sweet potatoes and raw almonds. Puro protein talaga para lumaki ang kanyang body at magkaron ng packs.. gravecious!! :D I love you Jacob hihihi..




Sunday, November 22, 2009

Johnny Rockets


October 28, 2009

Concert ni Jim Brickman kaya inaya ko si payat pumunta dito Eastwood. Nanggaling pa si payat sa Makati dahil dun sya nagwowork. Ako, dito lang naman ako sa IBM building. Past 8 na, Pilipino time nga naman at hindi padin nagsisimula gutom na kami ni payat. Libot libot muna kami naghahanap ng makakainan. Nakita namin un mga waiters and waitresses ng Johnny Rockets mga nagsisisayawan. Naaliw na naman kami ni payat at dali dali naming hiningi ang menu nila. Narinig naming tumutugtog na ang piano kaya naisip namin na bumalik muna sa concert at babalik nalang kami dito pagkatapos.

Hirap tumugtog si Jim Brickman dahil my technical problem daw ang piano sa harap nya. Humihingi sya ng technician para ayusin at makapag simula na sya. Ang sabi nun host eh the show must go on, ang sagot ni Jim this is not what i plan. Medyo iritado sya dahil ayaw tumugtog ng mabuti ng piano. Medyo nangalay na kami kakatayo at siguro dahil sa gutom, nagdecide kami ni payat bumalik sa Johnny Rockets.

Pagpasok namin diretso kagad kami sa gilid para ifeel ang malambot nilang upuan. Inorder namin yung #12 Burger Php 335 at Original Shakes Malts Strawberry Php215. Tinanong kami nun waitress kung gusto ba naming ipahati sa gitna yun burger, reaction ko: .. uy malaki ang burger nila.

Original Shakes Malts Strawberry Php215


Habang inaantay namin yun order namin, pumalakpak ang mga waiters and waitresses para makuha ang attention naming mga customers. Tumugtog ang jukebox at sinabayan nila ng sayaw. Nakakaaliw dahil pati managers nila kasama nilang sumayaw.. hahahaha..

Sinerve na samin ang Shake Malts Strawberry, nagtataka kami bakit my stainless na basong kasama. Pagtingin namin.. pang refill pala sya.. uy sosyal my refill na kasama. Sinunod na sinerve ang burger, hinati na nila sa dalawa at my kasamang ketchup na kinortehan nilang smiley, ang cute. Una naming tinikman ang shake, gravecious.. eto yung hinahanap kong lasa ng shake na dati kong natikman sa Pancake House sa Eastwood na hindi na nila maulit. Sobrang yummy and mouthwatering yun shake. Sabi dun sa napanood ko sa TV. igargle yun shake para maging strong yun taste. My pagka gross pakinggan pero tinry ko padin, shocks lalo syang naging mouthwatering.

I recommend na itry nyo yun shake nila, the best ang lasa. apir*

Thursday, November 19, 2009

The Library



Nung nasa Adamson pako, tuwang tuwa ako kapag my magcoconcert sa school namin. Kadalasan galing sa Kapuso network ang mga artista. Pinaka inaabangan ang Alumni Home Coming dahil si Mamu ang nagdidirect at nag oorganize ng Show. Aaminin ko nung una hindi ko sya kilala dahil Kapamilya ako at bihira lang manood ng Kapuso. Kay payat ko nalaman na si Mamu ay director at handler ng mga ibang artista sa siyete. Si payat sobrang kapuso yan, nakikipag patayan pa yan para lang ipagtanggol ang paborito nyang Eat Bulaga. Hindi nga ako aware sa mga palabas ng Eat Bulaga at kung sino sino mga artista nila.

Nakaattend ako ng Alumni Home Coming nung 2006 kahit hindi pa ko graduate. Bago yun pinaka reunion ng saturday, merong concert ng mga artista ng biyernes. Tuwang tuwa si payat dahil puro mga taga Eat Bulaga ang mga artistang dinala ni Mamu. Si Wally, Jose at si Kimpi ang iilan sa mga artistang kilala ko. Naaliw ako kay Wally at Jose sa galing nila magpatawa dahil kasikatan ng pag iimpersonate ni Jose kay Bamboo nung panahon na yun.

Nung pinaka reunion na ng sabado, pinakilala si Mamu sa lahat ng tao na umattend ng Alumni. Nagpalakpakan ang lahat dahil andae nyang nagawa at naitulong sa Adamson. Nakakatuwa dahil hindi pala nagpabayad si Mamu sa hirap, pagod at puyat na ginawa nya para mapaganda ang show. Kinwento niya kung pano nabuo at nagsimula ang The Library. Nung nasa Adamson pa sya, madalas nyang tambayang ang library. Dahil sa my pagka maingay, madalas sya mapagsabihan ng mga librarian na wag sya maingay. At dahil dun, nabuo ang concepto na magpapatayo sya ng sarili nyang library na pwedeng magingay at walang magbabawal sa kanya.

Gusto ko makapanood ng show sa The Library, yun nga lang Bar yun malamang kelangan ko ng budget. College palang ako nun at kelangan magtipid dahil 100 lang ang baon ko. Sabi ko kay payat, kapag ako nagkatrabaho at my sweldo na, makakapunta din ako sa dun.

After graduation nagkaron kagad ako ng trabaho, yun nga lang sa gabi ang pasok ko. Bihira lang ako makasama sa mga bar and gimmicks kase kadalasan Friday gumigimmick ang mga kaibigan ko. Friday daw kase ang schedule para sa mga kaibigan at ka opisina. Saturday ang schedule para sa mga boyfriend at girlfriend. Sunday ay family day, pahinga at my pasok na kinabukasan.
Nakapunta na ako sa ibang bar sa Timog at lalo na dito sa Eastwood dahil dito ko nagtatrabaho. Nakapunta na ako sa Laffline at Klownz pero iniisip ko padin na sana makapunta ako sa The Library na kung tutuusin ay mas malapit samin.

After 3 years......

Sept 28, 2009 finally naging morning shift ang schedule ko, 8am to 5pm. Kelangan ko sulitin ang pagkakataong dahil panandalian lang ito.

October 17, 2009 Friday sinundo ko si payat sa Makati. Ang plano lang ay kakain kami pero wag sa Makati dahil mahal. Sabi nya sa Malate nalang baka my murang kainan dun or sa Robinson's Manila. Nasa jeep kami bigla nalang namin naisip na eto na ang pagkakataon para makapunta sa The Library. Excited ako dahil makakapunta na ako sa wakas.

Entrance fee is 200 at sa gilid kami pumwesto dahil ayaw namin ma-okray. Umorder kami ng calamares, chicken lollipop at onion ring. Usually sa mga bar small servings lang, pang pulutan lang talaga kaya tatlo inorder namin dahil hindi pa kami kumakain ng dinner. Nagulat kami sobrang big serving pala sila, pang 2-3 person ang isang order. Dalawa lang kami ni payat na uubos nun.

Nagsisimula na yun show nun pumunta kami, tuwang tuwa ako kay Wendy (Wendell daw real name nya) at lalo na kay thomas. Gustong gusto ko yun part na kapag my nagrerequest ng song lahat sila asa harapan at isa isa sila kakanta ng mga stanza. Tawa ako ng tawa kay Thomas walang ka effort effort magpatawa. Isa na sya sa mga stage comedian na favorite ko, una si Vice Ganda at second si Thomas.

Pangalawang punta namin Friday uli, na sad naman ako dahil wala si Thomas. Nag enjoy naman ako sa mga show ng mga bakla na mga naka costume. Kung saan saan sila sumusulpot papuntang stage, meron sa gilid, sa itaas nagugulat nalang kami bigla.

Friday na naman ngyon, parang nakakaaddik ang pumunta dun, tanggal stress at pagod talaga. Mamya hindi ako makakapunta dahil pupunta ako sa Meralco sa maraming Christmas lights. Di bale meron pang susunod na biyernes. :D

Stackers Burger


The Massive Php 208 plus 60 for soft drinks and Fries




Payat and i tried Stackers Burger last Monday Nov. 16, 2009, just out of our curiosity.
On their posters and menu, you will see a LARGE YUMMY burgers. We ordered The Massive for 208 plus 60 for soft drinks and Fries. We also ordered Strawberry shake kase parang yummy and mouth watering yun looks sa menu.

Isang Burger lang ang inorder namin kase SUPER LAKI ng burger sa PICTURE.

We waited for our orders medyo my katagalan ang pagse-serve nila. Natuwa ako sa drinks kase ang cute nun sticker sa harap. Yes, sticker lang sya na dinikit and infairness masyado syang madikit kase tinry ni payat na kutkotin and hindi sya nagtagumapay. hahaha..



Nun dumating na yun order, nakakaloka as in parang bulaga!! Bumulaga samin ang burger na nakanganga see picture below. i got disappointed kase iba yun sinerve nilang burger compare dun sa mga BIG burgers sa pictures. Nagkatinginan kami ni payat kase isa nga lang ang inorder namin at share pa kami. Di bale, my fries naman mabubusog nadin kami dun.


Syempre dagdag pampabusog, ininom namin ang panulak na inorder namin. Hindi ko trip ang maasim na Strawberry shake parang kasing asim ng Heinz Tomato ketchup na sawsawan ng fries namin. Binigay ko nalang kay payat yun shake at sakin nalang yun coke.



Over all: Masarap naman yun burger nila eh. Disappointed lang ako dahil maliit yun sinerve nila compare dun sa picture na OA sa laki :(


Wednesday, November 18, 2009

PetSociety race


My Pet Garutay won the race for the 3rd time yipee. I love Garutay!!


Ang daeng fans ng pet ko.. mwah mwah

MYSPACE HIT COUNTER

Iceberg's Eskimo BOB


San Miguel by the Bay is the new tambayan behind Mall of Asia. We were passing by along the sea-side when we saw Eskimo Bob. Another ice cream parlor owned by Iceberg. I remember Iceberg's Chocolate Spoon in Robinson's Manila. Hindi ko nagustuhan yun Chocolate Banoffee Split na inorder namin. Maganda yun presentation nila with the waffer pero hindi mouth watering yun ice cream (kanya kanyang panlasa lang yan).




I like the ambiance of Eskimo Bob. Napaka bright ng colors ng walls, combination of green and orange. Naaliw ako sa ceiling lamp nila, parang gusto ko magkaron ng ganun sa pasilyo ng bahay namin.. hahaha We ordered Ferrero Indulgence Sundae kase parang yummy sa picture. Well, it did not disappoint me. The presentation is good and it's very mouth watering. Gravecious, every time mareremember ko yun ice cream eh sobrang nagke crave ako na parang i want more. :D





Wendy's Spaghetti Party Pack


Sobrang love ko ang spaghetti na parang isang dehado nakakain ko kapag my handang red spaghetti sa mga party. Hindi ko trip spaghetti ng Mcdoh kase for me masyado syang dry. Hindi ko din trip ang spaghetti ng Jobee, hindi ko alam kung bakit. Nagustuhan ko lang ay yung sa Wendy's. Parang coke, sakto sa panlaso ko (kanya kanyang panlasa lang yan).What i like sa spaghetti nila, hindi overcook yun noodles and yun sauce sakto lang.


Sobrang bitin ang pang isahang spaghetti ng Wendy's, kaya umoorder ako ng dalawa at ako lang ang kakain. Now meron na silang Spaghetti Party Pack na good for 5-6 person DAW? hehehe. Kung ako at si payat ang kakain, good for 2 lang yan. Sarap!!


Chicken Mami House since 1958




On my previous blog, napuntahan ko na ang Wah Sun and Ambos Mundos, ang kilalang pinaka matandang restaurant dito sa Manila. Chicken Mami House is included on the list of oldest restaurants here in town. I thought located padin sila sa Binondo. I tried to search kung saan exactly sa Binondo, sadness matagal na pala silang nag close.

Pumunta ako sa Trinoma para maghanap ng Haagen Dasz. While walking near the Cinemas, it caught my attention. I don't know kung coincident ba or sadyang hinahatak ako ng paa ko papunta dun. Pumasok kagad sa isip ko, "my ma ipo-post na naman ako sa blog ko".

We ordered Binondo Chicken Mami and Pork honey siopao. Napaka fresh nun noodles and yun broth is so tasty.


Cover sa Menu nila


Binondo Chicken Mami



Counter nila


Pet Society




Matagal na kong Facebook addik but i've never tried playing PetSociety. If you will open my browser on my home computer,(Mozilla Firefox, Internet Explorer and Google Chrome) bubulaga kagad ang FaceBook dahil yun ang homepage ko. Hilig ko sa FB un puro luto ang ginagawa like Restaurant City and Cafe World. Dahil addik ang sister ko sa FarmVille and FarmTown, nakakahawa, naki addik nadin ako. Most of my relatives were Pet Society addics, so inaaccept ko yung mga invitations nila. One of my niece emailed me just to let me know na mamamatay na daw un pet ko si Garutay, kase hindi ko talaga sya nilalaro. Yesterday, hindi ko ma-open kahit anong games from Zynga. When i open Cafe World, based on their site they are doing some maintainance update. I tried to open FarmVille, they are fixing the bugs in receiving or accepting gifts. Badtrip talaga kase hindi pako nakakapag harvest. Well then, i have no choice but to try other games.

I open my account in Pet Society and nagulat ako, tambak na ng regalo and letters si Garutay at nilalangaw na sya. Hahahahaha.. I asked my officemate on how to play PetSociety kase nilalangaw na talaga si Garutay. She told me to get the soap inside the box and drag it to my pet. Hala tuwang tuwa yun pet ko, parang tanga na kinikilig habang sinasabunan sya. Nakunsensya naman daw ako kase parang isang taon ko ata sya hindi pinaliguan.

May parang tutorial kung ano mga dapat kong gawin.

1. Feed your pet:
I saw 3 apples sa chest box nya and binigay ko lahat. Kawawang Garutay gutom na gutom. Again, nakunsensya uli ako. Hahahaha
2. Clean your pet:
Well, yun ang unang una kong ginawa kaya my green check na sya
3. Play with your pet:
Hala, parang kinikilig na naman si Garutay sa pag catch ng ball
4. Add Furniture to your room:
Bagong renovate ang bahay namin sa Tondo and wala pang cabinets. Plan ko sa next sweldo eh makapag pagawa ng cabinets na maganda. Kaya naisip ko din kay Garutay na bilhan sya ng cabinet.
5. Dress your pet:
Todo bili ako ng magagandang dress. Naubos ata coins ko kakabili pra magmukha syang girl
6. Go outside:
Eto na, nagsisimula nang matutong maglakwatsa si Garutay. Panigurado, mahahawa to sa pagiging lakwatsera ko. Ayun sapul, nakahanap ng Cafe, ang paborito kong tambayan. Pati si Garutay pinamember ko para matutong tumambay.
7. Visit a Friend:
I need to visit 100 friends para magkaron ng trophy. Powtek pinagtyagaan ko maka 100 na dalaw. It's starting na, nagiging addik nadin ako.
8. Send a gift:
I bought 50 corns para ipamigay sa mga PetSociety Friends ko. WTF.. isa nakong markadong addik nadin
9. Run a race at Stadium:
I get frustrated kase laging 3rd placer ako. I make sure on my last two race mag first place ako and woalah!! twice ako naging first place!! not bad for first timers hahahaha.
10. Go to the food shop:
Eto na ang katakawan. Hilig ko ang food kaya pati si Garutay binilan ko ng madaeng madaeng food. Para hindi sya magutom
11. Go to the furniture shop:
Bumili lang ako poster sa wall, paubos na coins ko
12. Go to the clothes shop:
nag visit nalang ako kc prang i'm getting tired na
13. Go to the Mystery Shop:
Bumili lang ako ng mystery box na hindi ko alam kung ano use nya
14. Go phishing:
naka 5 beses ako nagbigay ng food, anak ng putakte, walang nahuling fish
15. Buy a flower seed:
Ayan namiss ko na uli ang FarmVille, sadness
16. Plant a flower seed:
Sira padin ang Farmville, nyemas talaga.
17. Wait until your flower grows:
Eto nagaantay padin

Well... they are right, nakakaaddik nga din ang Pet Society and i can say I'm one of them na.

MYSPACE HIT COUNTER