Friday, August 20, 2010

Red Mango


Kapag nag vu-view ako ng mga picture sa Facebook, nagba-blog hopping, or nag vu-view ng avatar sa YM madalas my RedMango. Akala ko ice cream, frozen yogurt pala. Daming naglipanang yogurt ngayon, may nakita pa nga ako parang tutti fruitti sa SM San Lazaro. Sa sobrang curiousity, hinatak ko si payat pati mga ka officemates nya sa Trinoma. (Nagpakalayo layo pako, meron pala dito sa Eastwood, ang shunga shunga ko lang).

Dahil hindi mahilig sa yogurt mga repapips ni yatpa, hindi na sila sumama sa paghahanap. Sige lakad lang ng lakad hanggang sa makakita kami ng sobrang bongacious na pila na akala mo pila sa block buster movie. Ang OA sa haba ng pila!! First time palang ako makakakain ng yogurt, sobrang excited, feeling ko hindi na ako loser dahil IN na IN na din ako.



Isa lang inorder namin Yogurt + Mango + Peaches + Sliced Almond medium size, hati na kami dun.

Medyo parang na shock ng kaunti ang dila ko, hindi ko naman expected ang lasa. I thought matamis sya like ng mga ice cream, maasim pala sya.. hahahah.. obvious bang medyo napag iiwanan na kami ni payat, hindi namin alam na maasim ang yogurt.. hahahaha. Habang tumatagal medyo nasasanay na ang dila namin sa asim, parang unti unting tumatamis or naiimune na dila namin sa lasa. Infairness, matamis ang mango and peach samahan pa ng almond kaya oks nadin kami.


(Pansinin nyo ang back ground ni payat, ang daeng nakapila)

After maubos ang RedMango, pinag usapan namin kung mauulit ba pagkain namin dito. Hmmm, siguro pass.. kanya kanyang panlasa lang naman.. narealize namin, hindi pala kami mahilig sa yogurt. =)

5 comments:

  1. Hi Kazumi,

    I already added your site in all my blogs. You may now check it in all my sites. Here:

    http://tvseriescraze.blogspot.com/

    http://rockyrics.blogspot.com/

    http://boardsandmags.blogspot.com/

    http://bitsofrocks.blogspot.com/

    http://techkyrocky.blogspot.com/

    http://rocklits.blogspot.com/

    ReplyDelete
  2. Hahaha. May mga kaibigan akong nagsabi na ang lasa ng red mango ay parang panis na ice cream.

    Ako naman sarap na sarap. Baka masarap nga naman ang panis na ice cream.

    :-)

    Lasa lasa lang.

    http://ficklecattle.blogspot.com/

    ReplyDelete
  3. i like red mango...ill die for it...

    ReplyDelete
  4. penge naman ako nyan. sarap nung soy chicken.. sa waiying!

    ReplyDelete