.... Ang hirap pala hanapin ni YingYing.
Lubog na Recto sa sobrang lakas ng ulan pero gora padin ang mga lola. May katangahan nga lang akong ginawa, hindi ko inintindi ang instruction kung pano hanapin and puntahan ang location ni YingYing (inshort, naligaw kami!). Bumaba kami sa LRT2-Recto tapos nilakad namin hanggang makarating kami ng Sta. Cruz Avenida. Medyo iritado na si payat, eh pano sobrang liit ng payong nya pero inpeyrnes, nakatulong naman hindi nabasa bumbunan nya.. hihihi peace tayo payat.
Pagdating sa Ongpin, laking tuwa namin nasa Binondo na kami. Pero hindi pa pala dun ang destination namin, nakanantootsi! Dasmarinas nga pala kami, ayun sinimulan uli ang paglusong sa baha. Naninigas na mga paa namin sa sobrang lamig, pagod kakalakad at sinabayan pa ng gutom. Hndi ko naman alam na mahaba pala ang Dasmarinas Street.
Hindi na maipinta mukha ni payat pagdating namin sa YingYing. Kelangan na naming makakain nagagalit na mga alaga namin sa tyan.. hihihi (^_^). Pagpasok, sobrang queuing... Meron silang tatlong palapag pero puno ang lugar. Merong anim na grupong nag-aantay sa 1st floor. Umakyat ako sa second floor, arkilado pala sya kapag Sabado. Akyat ako sa 3rd floor, ganun din queuing, tatlong grupo nagaabang makaupo. Binalikan ko si payat sa 1st floor at nag antay kami ng 30 minutes bago nakaupo
Medyo natagalan kami umorder, hindi ko alam kung dahil ba sa sobrang daming choices at nahihirapan kami pumili or sa sobrang gutom at talagang hindi na kami makapag isip. Sobrang baet at accomodating naman ang mga waitress nila. Lagi sila naka smile every time magseserve sila or lalapitan nila mga customers nila. Tinanong ko nalang kung ano ang best seller nila at sinuggest ang Sweet and Sour Fish Fillet. Syempre hinding hindi ko pwedeng kalimutang orderin ang peborit ko, YangChow. Umorder din kami ng Hakao pero last na daw yung hinatid sa katabing table, sayang.. (alas dos ng hapon ubos na kagad ang Hakao, malamang sa malamang masarap sya) excited pa naman ako ipatikim yun kay payat dahil mahilig sya sa hipon. Actually, hindi ko padin natitikman, sinabi lang sa blog na masarap ang Hakao (n_n').

Bawat table merong mug na ang print ay mukha ng pera. Sa table namin limam piso, sa kabilang table parang sampum piso pero hindi namin matitigan baka isipin nun kabilang table naglalaway kami sa order nila.
Unang hinatid ang siomai, blurr ang picture, dim light ang ilaw nila tapos umuulan pa kaya walang enough source of light. About sa siomai, depende naman kase sa mga panlasa natin pero mas nagustuhan ko ang siomai ng Wai Ying.
Kay payat ang Mango Shake, sakin ang Pineapple shake. Nagustuhan ko yung shake nila, hindi sya nang galing sa delata na nilagyan lng ng durog na ice. Talagang galing sya sa pinya, merong makakapang hibla ng pinya.
Ang peborit kong YangChow, inpeyrnes.. mas cheap, mas madami at mas masarap sya sa YangChow ng NorthPark. Kapag nagke-crave ako nyan alam ko na kung saan ako pupunta.
Ang Sweet and Sour Fish Fillet na good for 4 person. Cheap din sya kung icocompare sa mga Chinese resto sa mga malls. Crispy yung breading, walang lansa, malinamnam yun taste and walang naligaw na tinik.
At ang resibo.....
Hi There,
ReplyDeleteThank you for visiting my site!
http://tvseriescraze.blogspot.com
Would you like for a link exchange? Thanks! C",)
Love your site, nakakagutom! C",)
ReplyDelete