Friday, August 6, 2010

Venetto Pizzeria San Lazaro


Last - Last week, pinanood ni mommy and eldest sister ko ang Cinco. Niyayaya nila ko pero ayoko dahil sobrang matatakutin ako. Ayoko nga pagudin sarili ko kakatitig sa kisame. Kase kapag nakakapanood ako ng joror hindi ko maipikit mata ko, naiimagine ko yung napanood ko, shiyeet lang diba. So nung sabado naman pag-uwi ko excited na binalita ni mommy na manonood naman daw sila ng Hating Kapatid, pero hindi nya ako ininvite, alam nya hindi na naman ako sasama.

Sunday, nakaplanong irenew ko ang contract sa SmartBro. Acutally nung April pa nila pinadala yung renewal form pero dineadma ko lang. Iniisip ko kase as long as nagbabayad kami monthly, automatic renewal na sya. Nakakatamad naman pumunta sa Smart Center haba ng pila tapos andae pang echeburetche na hihinging requirements. Pero tutal wala naman kaming planong magpalit ng internet provider at ayoko ng PLDT, kaya sige gora nalang sa pagrenew. Malamang itatanong nyo kung bakit ayoko ng PLDT, eh pano ba naman naka ilang bayad at balik ako ng aparato sa SM dahil laging sinasabi nila walang port sa lugar namin, Lech! nakakapagod pumila at magbayad ng paulit ulit ng hindi mo naman nagagamit yung binabayaran mo.

So going back, ayun si agent ng SmartBro ang pupunta sa bahay namin para sure na sure na irerenew ko ang contract and syempre may kumisyon sya dun. Ang available na freebies nalang eh HP printer, WD 320GB HD and cellphone. Dati merong SmartBro kit and Laptop, malamang ubos na. Dahil meron nakong Seagate 500GB, binigay ko nalang sa kuya ko yung WD 320GB HD, uy sweet sweet ko naman, hihihihi.

Nagreready na ang aking mother dear para sa date nila ng sister ko ng biglang nagbago isip ko at inimbitahan ko sarili ko sa date nila. Nasa SM na ate ko at nakabili na ng ticket for two, hindi naman kase aware ate ko na kasama ko kaya ako nalang bumili ng ticket ko. Oks naman yung movie, hindi sya corny and tawa ng tawa yung mga tao sa paligid namin.

After namin manood ng sine, naisipan ko itreat yun dalawa. Hindi mahilig sa Italian food ang nanay ko, gusto nya Chinese food. Si ate ang mahilig sa Italian food, kaya gumora kami sa Venetto Pizzeria.

Inorder namin Pesto Pasta with Chicken Php 235, Bacon CheeseBurger Half Php 105, Special Pizza Half Php 125, RootBeer Php 50, Coke Php 50 and Brewed Coffee Php 65.
Sa sobrang excitement, nakalimutan kong kuhanan ng picture yung main plate kaya yung plate ko nalang ang kinuhanan ko. Paumanhin at may kagat na yung bread, hahahaha hindi ko matiis gutom nako. Masarap yung pagkakaluto nung Pesto kaya naparami ang kain ko. Dahil sa hindi mahilig sa pasta ang nanay ko, napilitan talaga ko ubusin yung tira sa main plate.
Eto yung Bacon CheeseBurger Half and Special Pizza Half. Nasarapan kami sa Bacon CheeseBurger, i wonder kung bakit sinabing CheeseBurger eh hindi ko naman mahanap yung Burger (umiral na naman ka cornihan ko, pero promise hinanap ko baka may durog na beef patty pero wala kong nakita).

Nakita ko na tinatabi ni ate yung sibuyas pati ang green pepper

Ako: "Mommy tignan mo si ate oh, hindi kinakain yung sibuyas pati yung green pepper".
Mommy: "Beh, alam mo ba ang sibuyas pampaganda yan. Kikinis ang mukha mo at mawawala yung ubot sipon mo" (galing mambola ng nanay ko)
Ate: "Ows?, kumakain naman ako ng sibuyas kapag sa ulam, ayoko lang sa pizza"
Ako: "UU, Ate, niresearch ko ata yan. Ang sibuyas ay parang Anti-biotic, tumutulong magamot ang mga sakit natin! (huwow parang si kuya Kim Atienza lang!).
Ate: "Sige na nga kainin ko na

Ako: "Mommy, iniwan padin ni ate yung green pepper"
Mommy: "Beh, alam mo ba na punong puno ng vitamins ang green pepper"
Ate: "Ows, ano ba vitamins nito"
Ako: "Ang Chili at pepper, ang vitamins ng ating brains. Hindi sya pampatalino pero tumutulong ito para bumilis ang ating pag pick up or pampabilis magisip."
Ate: " Ah ganun ba, sige na nga kainin ko na nga din" (kinain ng ate ko para matigil kami ng mommy ko kakahirit hihihihi)

After naming kumain ay nagpa pedicure kami ng ate ko, nakakahiyang aminin pero virgin pa ang mga kuko ko sa paa. Actually, 30 minutes kaming naghatakan ng nanay ko papasok ng Spa dahil ayaw ng nanay ko na ipagalaw ang magaganda kong kuko. Nakailang beses ata sinabi ng nanay ko sa pedicurista na first time ko lang magpapa pedicure at wag sisirain ang magandang korte ng nails ko. Sabi nung pedicurista, opo ma'am obvious naman pong virgin pa yung kuko ng anak nyo, halatang hindi pa nagagalaw. Pinili ko eh bloody red, ang cute cute at ayun wala ng nagawa ang nanay ko. Cute naman ang kinalabasan eh.. wahihihi.. Ansarap makipag bonding, sayang at hindi nakasama yung isa kong ate, busy eh.
Kahit may sakit ang ate ko, ganda padin sa picture, winner! Hanggang sa muli..

1 comment:

  1. natawa ako dun sa mapagod dahil sa kakatitig sa kisame...matatakutin pala kaw..nyahahaha..piz!

    ReplyDelete