Nagresearch ako kung saan sa Binondo located ang Ying Ying, nakaka curious sya promise! Maraming nagba-blog about Ying Ying. Nakaka takam ang itsura ng Hakao sa mga blogs na nabasa ko. Pero napa overtime ng 2 hours, wala ng time para magkanda ligaw ligaw sa Sta Cruz at Binondo, may pasok pa mamayang gabi si payat. Tutal andito naman kami sa Eastwood at maraming kainan, dito nalang muna hahanap ng makakainan.
Sa labas kami nakakuha ng table, maraming tao sa loob ng Stackers. Dahil sa marami akong gutom, marami rin ang inorder ko.
Unang hinatid ang drinks and ketchup. Rootbeer Php 35 16oz ang kay payat at Lemonade Php 45 16oz ang sakin na may slice ng lemon sa loob.
Order ni payat Chicken Nuggets Php 115. Hindi nya nagustuhan ang dip, strong ang BBQ flavor lasang lasa ang spices. Hindi namin naubos yung fries kase wala namang kinaibahan sa ibang fries may itim itim pa un dulo. Yung Nuggets, hmmm oks lang naman, nothing special.
BBQ Burger Bowl Php 155 Quarter Pound Beff on Salad Greens with Cherry Tomatoes, Jicama, Cilantro Corn Kernels, Crispy Strips with Ranch Dressing and Sweet BBQ Sauce. grrrrr.. natulala si payat habang pinagmamasdan ang kasarapan ng aking pagkain. Hindi ko namamalayan sunod sunod na pala ang subo at walang pahinga. (Ako naman ang umorder nito)
Mahirap idescribe kung ano ang lasa pero pagbasihan nyo nalang ang litrato sa ibaba at kayo na humusga! And *poof* whoala! na whoala ang laman ng bowl, magic! (wenk corny!).
Last na order, Philly Chiz Burger Php 150. Napanood ko sa TLC (Cable Channel) Man Vs. Food ni Adam Richman, ang challenge uubusin ang mahabang Philly Chiz Burger para malagay ang picture at name sa wall of fame. Grabe bilib ako sa bitukang meron sya. (Ako umorder nito pero si payat ang kumain ^_^ payat pero malakas kumain).
Resibo... Bakit nga ba ang hilig naming picture-an ang mga resibo namin? Sagot, remembrance ata?!
ang sarap naman nyan...^_^
ReplyDeletemeaning kapag mauubos ko ang philly chiz burger mailalagay ang mukha ko sa hall of fame?! lolz
ReplyDelete@AndroidEnteng: masarap yung BBQ Burger Bowl the best!
ReplyDelete@IamXprosaic: hihihi ^_^ yung original na Philly Chiz Burger sa US, medyo nakakaligaw pala yung na banggit ko dito sa blog ko. Pero yung sa stackers medyo maliit lang sya.