Noong bata pa ako ay madalas kaming may handa ng siopao at puto ng Jonas na ibat iba ang kulay kapag New Year. Pero biglang nawala ang tradition na ito dahil nagsara ang Jonas na binibilhan ng puto ng mommy ko. Akala namin ay nabura na sa mundo ang Jonas pero ito ay nagbalik at nagtayo sila muli ng bagong branches.
One time ay inaya ni abadski si payat kumain sa Jonas sa Boni. Andaya hindi nila ako sinama dahil malayo ang opisina ko sa kanila. Pero syempre hindi ako nagtampo dahil alam kong one day makakakain din ako dun.. wosus ang drama ko lang.
Matagal ko ng alam na may Jonas sa SM San Lazaro pero lagi ko nakakalimutan. Gusto ko itry ang pares nila dahil maraming umoorder dun ng pares to go.
4 days ako nakaleave at hindi pa included dun ang Sunday at Monday, so 6 days akong bakasyon sa bahay. Nagcrave ako ng pares at pinilit ko si payat na ilibre naman nya ako sa Jonas, tampu tampuhan kunwari dahil nakakain na sya doon.
Hinayaan ko nalang si Payat ang umorder kase ililibre nya ako. Eto ang patakas na pagkuha ko ng picture kase baka magalit yung babae, nakasimangot kase.
Diet ako diba, pero dahil gusto ko matikman ang pares, oks narin sakin ang may kanin at pipilitin ko syang ubusin. Ayon nga pala sa OurAwesomeplanet, ang ibig sabihin ng Pares ay beef na ipinares sa rice. At ang Jonas ang naka imbento o naka diskubre nitong pagkain na ito.
Simula ng nag brace ako dati ay hirap na ako kumain ng beef kahit ngyong na tanggal na sya ay bihira padin ako kumain nito dahil feeling ko matatanggal ang ngipin ko. Unless sobrang pinalambot ang beef na sobrang nilabog na malapit ng madurog. Pero ang beef ng pares ay sobrang lambot dahil slow cooked daw ang ginawa dito at niluto sa charcoal ng 12 hours, Astig!
At asusual ako na naman ang umubos ng tira ni payat kaya ako tumataba. Sa apat na araw na leave ko at dalawang off sobrang laki ng itinaba ko uli.
No comments:
Post a Comment