Sunday, July 18, 2010

Le Jardin Breakfast Buffet

Ang larawang nasa itaas ay galing dito, Le_Jardin.City Garden 2nd Floor.

Nung gabi ay naglibot pa kami sa labas ng Makati Ave. kahit umuulan. Bumili kami ng hot pandesal at butter sa Pugon at bumili kami ng Noodles soup sa North Park. Tapos mega kuwentuhan galore kami ni payat ng kung ano ano lang naman. Tapos ay pinabubbles na namin ang tubig sa buth tab at mega chikahan padin ng parang walang katapusan.

Nang magising na ako, ay pinilit kong gisingin si payat dahil medyo may katagalan bumangon yan. Laging humihingi ng 5 minutes hanggang kinalaunan ay magiging 1 hour. Lagi nya sinasabi sakin matuto naman daw ako mag-inat-inat bago bumangon dahil pag ako gumising pabigla bigla akong bumabangon at didiretso sa banyo ng hindi nag stretching. Bumangon na ako, naghilamos (ginising si payat), nagtoothbrush (ginising si payat), nagbihis (ginising si payat), nag ayos ng mukha (ginising si payat), nakapag powder na, hala tulog padin si payat. Hay naku magiisang oras na payat, kapag ikaw hindi pa bumangon iiwanan kita jan at kakain na ako!

Binigyan ko lang ng 15 minutes si payat para mag ayos dahil kapag sinabi kong 30 minutes ay susulitin talaga nya ang 30 minutes. From 5th floor ay dumiretso na kami sa 2nd floor para sa buffet. Ang start ng breakfast ay 6am until 10am lang ito. Gumising ako ng 7:45am nakarating kami sa buffet bago mag 9am.
Konti nalang ang tao, dahil ang aaga magsi-gising ng mga foreigner na naka check in sa hotel. Medyo onti nalang ang laman ng iba at ung iba ay nirerefillan.

Eto ang plate ko, corned beef, smoked bacon, tocino, sausage at garlic rice. Medyo onti lang kinuha ko muna dahil titikman ko din yung iba.


Eto naman ang plate ni payat, garlic rice, sausage, bacon at cinnamon bread na akala nya ay garlic bread. Parehas kaming hindi mahilig ni payat sa cinnamon kaya hindi namin kinain at buti nalang ay isa lang kinuha nya.

Mya mya ay tumayo na si payat para kumuha ng cereals, chocolate cup cake, oatmeal cookie at banana pudding. tinikman ko lang ng isang kutsara ang cereals nya, isang kagat ng cupcake at isang kagat ng banana pudding.


Medyo hindi na-tripan ni payat yung milk, siguro nasanay sya sa Selecta Fresh Milk na binibili namin para sa bahay na medyo manamis namis ang lasa.


Ako naman ay kumuha ng konting Vegi salad, at isang letuce lang kinuha ni payat sa pinggan ko.


Wala akong planong magpa-picture kaya hindi ako ready nyan, hindi ako naka smile ^_^.
Mahilig ako sa gulay pero si payat pili lang ang kinakain nyang vegi. Hilig naman nya ay fruits at ako naman ang walang hilig, saging at mangga lang ang kinakain ko, sapilitan pa! Mangiyak ngiyak ako ng sinubo nya sakin ang maliit na melon. Hindi ko talaga ma-take!

Strawberry jam at orange jam. Nacurious ako sa lasa ng orange jam kase usually strawberry jam lang ang kilala natin. Kinilala ko si orange jam.

Ang strawberry jam ay pinalaman namin sa pandesal at ang orange jam naman ay sa loaf bread.
Kung mapapansin nyo kakapiranggot na lang ang pandesal, si payat ang may sala. Akala nyo ba kaya ako mataba dahil matakaw ako. Si payat kaya ang mas malakas kumain saming dalawa. Buti nga nahabol ko pa ang pandesal kahit kakapiranggot na lang at nakuhanan ko pa ng picture.

Dito na nagtatapos ang kwento ko tungkol sa bagong adventure namin sa City Garden Hotel. Hanggang sa muli.

3 comments:

  1. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  2. nakakagutom. sarap talaga kumain kapag buffet. naku, kung ako ang kasama niyo dyan, hindi lang ganyan ang kukunin ko. bitin yang ganyan sa akin. hehehe. nice adventure!

    ReplyDelete
  3. Naku NoBenta, plano nga namin na mag lunch buffet sa ShangriLa or Sofitel pero sobrang mahal at malamang lugi kami dahil mahina lang kami kumain.. hihihi.. Paguwi mo dito.. sama ka sa adventure namin ni payat.. hihihi..

    ReplyDelete