Friday, July 16, 2010

Shakey's Pizza and Mojos


Wala pang isang oras ng makapasok kami sa room namin sa hotel ng biglang tumawag si Master sa cellphone ni payat. Tinatanong kung asan si payat dahil kasama nya si Goculi. Nagkakitaan lang daw sila sa Makati habang nag aabang ng jeep papasok sa kanya kanyang opisina. Si Master at si Cretsen ay tropapips ni payat nung college at kinalaunan ay naging tropapips nadin nila ako nung third year college kami.

Sinabi namin ni payat na asa Makati lang din kaming dalawa pero naka check in kami sa hotel. Bigla silang nagulat at nacurious kung anong naisipan namin ni payat. Kinwento namin na bagong adventure ito at gusto lang naman namin ma-try at iba-blog ko. Naisipang mag half-day ni Master at ni Goculi dahil bihira lang ang pagkakataon na magkakakitaan kaming apat. Hirap kami makahanap ng tiyempo na magkakitaan dahil sa iba iba ang mga oras ng schedule namin.

After 15 minutes ay dumating na ang dalawa. Hindi pa daw sila nagla-lunch at si Goculi ay addict sa Shakey's Mojos kaya gusto nila magpadeliver. Sakto si Master naman ay may card para sa buy one take one. Tumawag si Master sa Shakey's at sinabing 45 minutes pa daw bago dumating ang order. Chika-chikahan to death kaming apat dahil sobrang namiss namin ang isat isa.

Hindi na namin namalayan ang oras dahil sa haba ng kwentuhan ay dumating na ang pizza at kumatok na sa room namin. Excited na kami kumain dahil namiss namin kumain ng Mojos.


Eto ang inorder naming pizza, isang Pepperoni at isang Manager's Choice (ata, na-forget ko na kase). Thin crust yung pinili namin kase matigas yung thick crust nila eh.

Nag hati hati kami sa bayad ng Pizza at Mojos at si Master na ang bahala sa tip doon sa nagdeliver ng pizza.


2 comments:

  1. wow, mojos! peyborit ko 'yan. miss ko na'ng kumain niya. wal kasi dito sa saudi. kakagutom naman. :)

    ReplyDelete
  2. hihihi.. prehas pala kyo nun isang barkada namin si goculi.. fave nya mojos..

    ReplyDelete