Tuesday, July 6, 2010

Cerealicious


Napanood ko sa Travel and Living ang Cerealicious sa Canada. Sila ang mamimili ng combination na gusto nila at sila na bahala kung gano karaming milk ang gusto nilang ilagay. Meron pa nga silang Cereal on the Go na parang Chinese style daw dahil kinuha nila ang konsepto sa rice in a box or noodles in a box ng mga Chinese.

Ang larawan ay galing dito the rest was taken by me.

Pinili namin ni payat ang dalawang my thumbs up. At makikita mo kung gano karami ang ilalagay nilang cereal sa malinggit na cup.


Ang inorder namin sa pagkakaalala ko ay Pirates at A Walk to Remember. Ipinangalan nila ang mga cereals nila sa title ng mga movies.


Titigan nyo maigi ang litrato sa ibaba at matatanaw nyo ang ice na may gatas at kakapiranggot lang ang cereals.


Actually masarap naman sya pero nakakadaya nga lang dahil yung cereals eh parang ginawang pantakip lang sa yelo sa ilalim. Mabibilang mo lang kung ilang piraso lang ang cereals na nilagay nila sa cup at mas lamang ang yelong may gatas. Sa naaalala kong napanood ko sa Travel and Living, ang Cerealicious sa ibang bansa, ang isang cup ay puno ng cereals at bahala ka na maglagay ng gatas. Inshort ay yung isang cup ay puro cereals lang at hindi yelo.


Pero dahil andito tayo sa Pinas parang kinuha nila ang concept sa halo halo sa kanto na mas lamang ang yelo kesa sa laman. Pero (biglang bawi) masarap naman sya.

2 comments:

  1. hahah. halo-halo wanna-be pala yan. pero kung masarap... why not.

    ReplyDelete
  2. sa akin kahit wala ng cereals, basta may chocolate, icecream, banana at iba pa... ok lang

    ReplyDelete