Nag-ipon kami ng pera ni payat at medyo gusto namin magpa susyal ng konti. Naghanap kami sa internet ng cheap na hotel pero maganda ang reviews. Ang laging nakikita naming magandang reviews is City Garden Hotel at ang suggested nila ay yung sa Makati hindi sa Manila.
Tinry namin yung promo nila yun nga lang ay wala ng available na room. Ang promo nila is Php 1,450 per head. Kung dalawa lang kami ni payat, Php 2,900 for one night plus Php 1,000 in case makasira kami ng gamit or may mawala, pero refundable. Ilang beses finollow up ni payat yung promo baka daw kase may mag back out (baka lang naman hihihi). Ang available nalang is Php 3,990 good for 2 plus Php 1000, so total Php 5,990. Medyo nabigatan na kami sa rate na yun kaya nagdadalawang isip na kami dahil ang gastos ng trip namin.
Tinuloy padin namin ang bagong adventure at nagbabakasakali padin may murang room. Dumating kami ng exact 12:30PM sa hotel para makahanap ng magandang room at makauna sa ibang mag che-check in. Inayterate samin ng gwapong Receptionist na wala ng available na room para sa promo nila, pero meron silang murang room na may bath tub na ang rate ay Php 3,500. Etong room ay merong 2 beds, Queen size bed at single bed. For me, not bad nadin atleast near ang rate sa promo kesa Php 5,990. Ang binayaran namin ay Php 3,500 + Php 1,000 (refundable) = Php 4,500. Sabi ng gwapong receptionist, puwede na kami pumasok ng 1PM sa room namin.
Eto ang beds, Queen size para kay taba (ako) at single bed para kay payat. Pero dahil nakakalat si payat sa Queen size bed, hindi ako makahirit at naging palaboy ako sa single bed.
Eto ang beds, Queen size para kay taba (ako) at single bed para kay payat. Pero dahil nakakalat si payat sa Queen size bed, hindi ako makahirit at naging palaboy ako sa single bed.
Unang una kong hinanap ang refrigerator, syempre nacurious ako kung ano laman nito at kung may space pa para sa pagkain namin ni payat.
Sa ibabaw ng refrigerator ay may thermos at sache ng coffee, creamer at sugar. Hindi ko alam kung kasama sa binayaran namin yan or may bayad kaya hindi namin ginalaw.
Sunod na pinuntahan ko ay ang bathroom na may bath tub. Syempre wala kaming bath tub sa bahay kaya tuwang tuwa kami ni payat. Pero this is not the first time na naka experience kami ng bath tub. Wala lang parang bata lang na gusto namin ng bubbles tapos maglalaro kami na parang bata.
Eto nag testing lang ako kung ano itsura ko sa bathroom. Gusto ko sana kuhanan ang buong bathroom pero hindi ko magawa.
Complimentary tootbrush, toothpaste, shower cap, 2 soaps, 1 small bottle of shampoo and 1 small bottle of shower gel.
Meron ding complimentary water, 2 small bottles ng Summit mineral water. At nakalagay sa bathroom, malinis naman ang banyo pero sana nilagay nalang nila sa ibabaw ng refrigerator kasama ang thermos at mga saches (nakuha ko pang mag-jinarte.. nagmamaganda kunwari).
Meron continuation ito tomorrow, ikukwento ko ang mga kinain namin at iba pang experience sa hotel. Hanggang sa muli..
mukhang maganda naman na yung room for that price. merong maganda bandang guadalupe pero nakalimutan ko yung name. parang ganyan din ang setup pero mas mura. :)
ReplyDeleteyou can also try Jupiter Suites Hotel Makati..they also have spacious rooms and comfortable beds plus may free unlimited internet access pa inside the room.I tried their internet connection mabilis naman sya..They offered me Php 2,500 net/night for that spacious room.Maganda pa ang location nila..Katabi lang nila ang KFC at McDonalds..If you want to enjoy, may Music 21 at bars around.
ReplyDelete